Do you even know what you were leading me into?
Kalmadong tono ng boses nito ngunit nag babanta ang panganib kasabay ng malamig na titig nito na ipinupukol sa akin.
Wrong timing ata ako ah! hindi ata naging maganda ang naging meeting nito sa mga board members.Nakakapag taka ang itsura niya.Nakataas na ang sleeve nito hanggang siko.Maging ang neck tie n'ya ay wala na rin sa ayos.Para bang pinag bagsakan s'ya ng langit at lupa sa itsura ng mukha n'ya.
Sambit ko sa aking isip.
Ahm, sir May I know what is the actual problem?
Malumanay na tanong ko na tila ikina lunok nito ng kanyang laway kasabay ng tila pekeng pag ubo nito at pag alis ng anu mang bara sa kanyang lalamunan.Napatitig ako dito na tila inaaral ang naging reaksyon nito.Natigil lamang ako nang lumingon ito sa akin at nag angat ang isang kilay.
What the hell are you doing Ms.Alcantara? dou you really think this is some kind of joke?
No sir I don't.
Tugon ko dito nang nakayuko.
So you're asking what's the problem huh?
Yes sir.
Wika ko ngunit labis kong ikinagulat nang tumayo ito sakanyang upuan at malakas na hinampas ang lamesa.Halos mapaatras ako sa gulat sa ginawa nito.
Everything you did was wrong!
Galit na wika nito.
I'm sorry sir.
Hinging tawad ko.
Gawin mo ang trabaho mo ng maayos dahil binabayaran kita ng maayos.Paano kung hindi ko ito ni-review? I'm sure everything will be mess.I thought poor people who's in need like you are responsible and dedicated to their job? but I was wrong! Inuna mo pa ang makipag date sa kung sinong lalaki kesa gawin ang trabaho mo.And now, look all these papers! Lahat palpak! tell me sino ba ang nag hire sayo? ang ayoko sa lahat yung mabagal at tanga!
Im sorry sir.
Muli kong hingi ng tawad dito habang pinipigilan ang pag landas ng aking luha.
I don't need your sorry! Now, get out and do your job responsibly.
Wika nito sa matigas at mababang boses ngunit sa mapanakit na paraan.Halos maikuyom ko naman ang aking mga kamay sa labis na galit at inis .Nais ko itong sumbatan at sampalin sa mga pangako niyang di tinupad sa nakaraan kung kaya't humakbang ako patungo sakanyang harap at matalas itong tinitigan.Ngunit nauna nitong tinawid ang aming pagitan at mabilis na nag yuko upang pantayan ang aking mukha.
What woman?
Seryosong tanong nito ngunit di ako nag patinag at nakipag labanan din ng titigan dito.
Ang kapa....
Nabitin ang aking sasabihin nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang isang magandang babae.
What the hell is happening here Hon?
Galit na tanong nito.Agad humiwalay si Jace sa akin at mabilis din naman akong umatras at nag bigay daan sa pagitan nila.
Who is she? are you cheating on me?
Napahilot si Jace sakanyang sintido at mariing napapikit at kalauna'y inabot nito ang beywang ng babae at dahan dahang hinapit papalapit sakanya.
why didn't you tell me you were coming? when did you arrive?
Malumanay na tanong ni Jace sa babae na halos mag pa tulo sa aking luha ngunit bago pa ito mangyari ay mabilis akong nag yuko at nag paalam.
Excuse me sir.
Paalam ko dito ngunit tanging malamig na titig lamang ang tinugon nito sa akin.
You're changing the topic.Tell me, who is she?
Hon, she is just my secretary. There's nothing to be jealous of. She's nothing.
Dali ako humakbang patungo sa pintuan at nagmamadaling makalabas at kasabay ng pag sara ko ng pintuan ay siyang di mapigilan ding pag bagsak ng aking mga luha.
He's not the same person I knew back then. He's not the same person I fell in love with.
Sambit ko sa aking sarili na siya ring sarkastikong ikinangiti ko.
Ngayon ko lang na realize na ang tanga ko pala talaga.Like who in the world will stick to that promise from 10 years ago? and besides, we we're just kids back then.Masyado kong sinayang ang buong sampung taon ko sa pag hihintay sakanya.Masyado akong umasa.
Wika ko sa sarili habang nag papahid ng luha.
Michaela? umiiyak ka ba?
Tanong ni Christian na isa sa mga katrabaho ko.Ngunit tanging ngiti lamang ang itinugon ko rito.
siguro pinagalitan ka na naman ni boss no?
Tanong nito na ikina-tango ko bilang tugon.
Alam mo wag mo nang dibdibin yang mga sinasabi ni boss.At the end of the day, yung mga taong mahal pa rin natin sa buhay ang lubos na nakakakilala sa atin at nakakaalam na hindi tayo iyong klase ng tao na ibinibintang nila sa atin.Pull your self together mica.If you really wan't to stay long in this job, you just have to do one thing.And that is, pasok sa isang tenga tapos labas dito.
Turo nito sakanyang mag kabilang tenga na s'yang nag pa ngiti sa akin na kalauna'y nauwi sa halakhakan.
Salamat Christian.Grabe iba talaga ang word of wisdom mo mamsh! ikaw na!
Pabirong sambit ko dito habang simpleng kinurot ito sakanyang tagiliran na daling ikinalantik ng mga daliri nito.
Bakla ka! Mamaya n'yan May makakita sa'kin dito na ganito ako. naku mamsh! masasabubutan talaga kita!
Pasimpleng sabi nito habang nang-lalaki ang mga mata.
Si Christian ay isa sa mga pantasya ng mga kababaihang empleyado dito sa délicieux goút inc. Kilala ito sakanyang pagiging metikuloso at cool na manager sa aming department.Hindi maitatanggi ang angking kagwapuhan at kakisigan nito na siyang ikinababaliw ng mga babaihan ngunit umuugong din ang bulong bulungan na hindi pa raw ito nagkakaroon ng girlfriend kailan man at usap usapang baka bakla raw ito. At nakumpirma kong totoo nga ang chismis nang minsang makita ko ito sa restaurant na may kayakap na lalaki.
Oh Ano okay ka na ba ante?
Oo ayos na ako mamsh salamat sayo!
Ay ano ba! wag kang dumikit mamaya mapag kamalan kang girlfriend ko eh mas maganda pa ako kesa sa'yo !
Pabulong na sabi nito na ikinaliyad ko ng tawa nang hawakan ko ito sakanyang braso at pasimpleng sinandal ang aking ulo sa kanyang braso. Kapwa lamang kami natigil ni Christian sa pag tawa nang bigla bumukas ang pintuan ng opisina ni Jace at tila madilim ang mukha nitong nakatitig kay Christian.
What do you think you're doing Ms.Alcantara?
Tiim bagang nitong tanong sa akin.