CHAPTER 40 Flor Ang sinag ng araw ang unang gumising sa akin. Dumaan ito sa manipis na kurtina ng tent at dumeretso sa mukha ko. Napapikit ako, sabay napangiti nang maramdaman ko ang init ng bisig ni Norwin na nakayakap pa rin sa akin. Ang bango ng hangin sa Jeju. May halong alat ng dagat at amoy ng bagong umaga. Tahimik. Mapayapa. Pero sa loob ko, parang may musika ‘yong uri ng musika na hindi mo maririnig, pero ramdam mo sa bawat t***k ng puso mo. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang mahimbing pa siyang natutulog. Ang buhok niyang magulo, ang mapungay na mata kahit nakapikit, at ‘yong labi niyang bahagyang nakabuka, para siyang batang walang problema. Hindi ko sukat akalain na ganito pala ‘yong pakiramdam pagkatapos ng lahat. ‘Yong wala ka nang g

