CHAPTER 39 Norwin Ang lamig ng hangin, pero mas malamig ang pakiramdam ko habang nakahiga sa tabi ni Flor. Sa ilalim ng mapusyaw na liwanag ng buwan, pinagmamasdan ko si Flor na mahimbing ang tulog. Ang bawat paggalaw ng dibdib niya, bawat malalim na paghinga, parang musika na matagal kong hindi narinig. Ang buhok niyang humahaplos sa aking braso ay tila paalala ng lahat ng pilit kong iniiwasang maramdaman, kung gaano siya naging parte ng buhay ko kahit ayaw kong aminin. Hindi ko alam kung pagmamahal pa rin ba ito o konsensiya lang, pero malinaw sa akin na may kung anong hindi pa rin tuluyang nawawala. Pinagmasdan ko siya sa ilalim ng liwanag ng buwan. Sa wakas, nakita ko ulit ‘yung mukha niya na walang galit, walang takot. Parang nakalaya na rin ako. Hindi ko alam kung kailan na

