CHAPTER 41 Flor Tahimik ang buong suite habang inaayos ko ang mga gamit sa maleta. Sa labas ng bintana, tanaw ko ang mga ulap na unti-unti nang nagdidilim. Mamayang gabi ang flight namin pabalik sa Las Palmas. May bahagyang lungkot sa dibdib ko—parang ayaw ko pang umalis. Pero sa kabilang banda, gusto ko na ring makauwi. Ang daming nangyari dito sa Korea, parang isang mahabang pelikula na gusto ko munang i-pause. Nakaayos na halos lahat ng damit ko; tanging mga toiletries na lang ang nakakalat sa dresser. Habang pinupulot ko ang mga iyon, napansin kong nakaupo si Babe sa sofa—tahimik lang at abala sa pagte-text. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, pero alam kong kailangan kong gawin ito bago kami umalis. Maiiwan kasi si Babe dito sa Korea. Si Norwin ay lumabas at bibili raw ng mg

