Chapter 42 Flor Maliwanag na ang paligid nang imulat ko ang mga mata. Ang lamig ng hangin ay dumadaloy mula sa terrace, sinasabayan ng mahinang lagaslas ng mga dahon ng manga sa labas. Saglit akong napatitig sa kisame, pakiramdam ko ay panaginip lang lahat ng nangyari sa mga nakaraang araw. Ang pag-uwi namin kagabi, ang mga ngiti ni Norwin, at ang bahagyang kapanatagan ng loob ko. Pero agad ding nawala ang ginhawang iyon nang marinig ko ang mahinang boses mula sa terrace. Dahan-dahan akong bumangon, pinigilan ang kaluskos ng kama. Nakita ko si Norwin, nakatalikod sa akin, hawak ang cellphone at tila abala sa pakikipag-usap. “.Hindi pa ngayon,” mahinang sabi niya, pero malinaw sa pagitan ng hangin. “Maghahanap lang ako ng pagkakataon. Oo… oo, babalik ako. Soon.” Napatigil ako. Parang

