CHAPTER 46 Flor Hapon na ng magising ako nang maramdaman ko ang banayad na pag-alog ng bus habang tumatawid kami sa mga kurbada ng daan. Anim na oras na rin kaming nasa biyahe mula Santa Cruz hanggang sa probinsya, at habang nakatingin ako sa bintana, ramdam ko na bawat tanawin, bawat bundok, bawat palayan, bawat maliit na bahay sa gilid ng daan ay tila naglilinis ng bigat na bumabalot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ko. Malaya, ngunit may halong takot at pangungulila. Malapit na kaming makarating, at sa parehong oras, alam kong may haharapin akong bagong realidad. Buo na talaga ang loob ko na umalis sa buhay na minsan hindi ko iniisip na ganito ang mangyayari. Kahit sa mga magulang ko hindi ako nahpaalam. Natakot kasi ako na baka kapag tumawag ako kay mama at sabi

