CHAPTER 45 Flor Habang nagmamaneho ako pauwi ramdam ko pa rin ang bigat ng mga salitang binitawan ni Marivel kanina. Paulit-ulit silang tumatakbo sa isip ko, parang sirang plaka na ayaw tumigil. At ang kapal talaga niya na sabihan pa akong kabit? Eh, ako nga itong kasal. Gusto kong alisin sa isip ko ang sinabi niya. Ayaw kong paniwalaan na buntis ang girlfriend ni Norwin. Ayaw kong paniwalaan kahit kaunting parte noon. Pero bakit ilang buwan na kaming kasal ni Norwin, ngayon niya lang sinabi na buntis ang girlfriend ni Norwin? Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela. Halos puti na ang mga daliri ko sa sobrang diin. Gusto kong sumigaw, gusto kong magtanong kung bakit kailangan kong marinig ang gano’n, pero pinipigilan ko ang sarili ko. Alam kong kung papayagan kong lamunin ako ng gali

