CHAPTER 44 Flor Tatlong araw na ang lumipas mula nang umalis si Norwin papuntang America. Tatlong araw na walang tawag, walang mensahe, walang kahit kaunting update. Ang sabi niya pagdating niya roon tatawag agad siya, pero hangg as ng ngayon walang balita sa kaniya. Ang bahay ay tahimik, halos walang tunog kundi ang mahinang huni ng hangin sa labas at ang tunog ng mga orasan sa dingding. Ang puso ko’y tila may bigat sa dibdib, bawat hakbang ko sa sala o kusina ay pakiramdam ko’y may kulang. Hinahayaan ko na lang ang puso ko na maging abala sa trabaho sa ospital, pagluluto, pag-aayos ng bahay—lahat ay routine na dati ay walang kahulugan kapag kasama siya. Ngayon, bawat kilos ay may halong kaba at lungkot. Kahit simpleng gawain, nararamdaman ko ang kawalan niya sa tabi ko. Kinagabihan

