Episode 47

2394 Words

CHAPTER 47 Flor Kinagabihan, matapos kong pakainin ang dalawang bata at tiyaking busog sila kahit papaano, dahan-dahan ko silang pinatulog. Wala pa si Tito Lito sapagkat pumunta siya sa likod-bahay para tingnan ang mga isda sa maliit na palaisdaan. Ako naman ang nag-asikaso sa lahat—mula sa pagtimpla ng gatas hanggang sa pagpapalit ng damit nila at paghiga sa banig. Pagod na pagod ang katawan ko sa biyahe, anim na oras na halos walang pahinga, tapos bigla akong sumabak sa pag-aalaga ng dalawang halos tatlong taong gulang na bata. Pero hindi ko iyon iniinda. Mas tumawag-pansin sa akin ang sitwasyon nila—ang dungis, ang pagod sa mga mata nila, at ang gutom na hindi nila alam kung paano ipahayag nang buo. Habang minamasahe ko ang braso ni Theo, naramdaman kong unti-unti siyang nalulunod s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD