Chapter 48 Flor Alas-kuwatro pa lang ng madaling-araw pero parang may humila sa talukap ng mga mata ko. “Goo’ mornin’, Mama,” bulong ng munting boses sa tabi ko, kasunod ang isa pa. Mabangong hininga ng bata, maliliit na kamay na dumadampi sa pisngi ko, at ang malamig na simoy na pumapasok mula sa dingding na pawid—iyon ang unang bumati sa akin. Gusto ko pa sanang pumikit ulit, kahit limang minuto lang, pero nang marinig ko ang kasunod na “Mama… dede…” sabay na halos iyak ng kambal, wala na. Talo na naman ako. Napabuntong-hininga ako habang bumabangon. Ang bigat pa ng ulo ko; hindi ko alam kung kulang ba talaga ako sa tulog o mabigat lang ang pakiramdam ko ngayong araw. Hinaplos ko ang buhok ng dalawa at nagsumikap na ngumiti. “Sige na, dede na agad. Ang tatakaw n’yo talaga.” Dahan-

