CHAPTER 49 Norwin Hindi ko alam kung bakit gano’n kabigat ang dibdib ko pagkagising pa lang. Maaga pa, lagpas alas-sais dito sa Amerika, pero pakiramdam ko parang may humihila sa sikmura ko pababa. Sanay akong ganito—maagang gumising, magplano sa araw na gagawin ko, maghanda para sa meeting—but today? Mas maingay ang isip ko kaysa sa alarm clock. Pag-upo ko sa kama, ang una kong hinanap ay ang cellphone ko. Hindi ko alam kung bakit—pero bigla kong naisip si Flor. Hindi madali para sa akin na iwanan siya at pumunta rito sa Amerika. Sa bawat araw na lumilipas lalo akong nasasabik sa kaniya. Gusto ko hilahin ang oras, para makauwi na. Para makita ko na siya, mayakap at mahalikan. Kinuha ko ang cellphone at agad kong tiningnan ang screen. Walang message. Walang missed call. Hindi ko alam

