CHAPTER 50 NORWIN Hindi ako mapakali. Hindi mapalagay. Buong gabi, buong umaga, buong oras mula nang tumawag si Mommy at sabihin niya na wala si Flor sa bahay. Hindi ako tumigil kakaisip sa kanya. Para akong nauupos na kandila. Para akong naiiwang walang direksiyon kung hindi ko siya makikita. Habang nakaupo ako sa conference table, nakabukas sa harap ko ang kontrata na dapat kong pirmahan, pero lumalabo ang mga letra sa paningin ko. Ang boses ni Mr. Johns sa kabilang side ng mesa ay parang humihina, lumalayo, para bang nasa ilalim ako ng dagat at pinipilit marinig ang mga salita niya. “Mr. Beltran? Are you okay? Should we postpone signing?” Hindi ko na maalala kung paano ko nagawang ngumiti. Hindi ko na maalala kung paano ako nakapagsalita. “Let’s finish this today,” sabi ko. K

