2

1610 Words
YOU COULD say that we were meant to be together from the very beginning. But we also had to go through some changes. Things had not been simple between us. I started going to school. May kuha kaming dalawa ni Mattie na pareho kaming umiiyak. Naka-uniform na ako para sa school. It was my first day of school daw, ayon sa mga magulang namin. Nang malaman ni Mattie na aalis ako, nagsimula na siyang umiyak. Sinamahan ko raw siya sa pag-iyak dahil hindi ko siya puwedeng isama. Ayoko raw pumasok. Ayaw akong pakawalan ni Mattie. Napilit akong pumasok paglaon at halos buong araw na nag-tantrums si Mattie. Pag-uwi ko, saka lang siya tumigil. Nang sumunod na umaga, ganoon uli ang nangyari. Isang linggo raw kaming ganoon. At school, I met a lot of friends. Nagkaroon ako ng mga kaibigang lalaki na kapareho kong mahilig sa robots at toy cars. Paglaon ay kinasabikan ko na ang pagpasok sa school dahil sa mga bago kong kalaro. Nasanay na rin si Mattie na hindi na ako madalas magtungo sa bahay nila. Nasanay na hindi na niya ako madalas na nakikita. Unti-unti, nagkaroon ng distansiya ang closeness naming dalawa. I’ve been busy with school and with my new set of friends. She had been busy being a baby. But we still got to see each other during Sundays. We would spend the whole day together. Sunday is a sacred day for our family. We always, always spend it together. Napakarami kasing mga espesyal na nangyayari tuwing araw ng Linggo. Our mothers were always busy planning interesting Sunday activities. Lahat ng usong pasyalan ay pinupuntahan namin pagkatapos naming magsimba. Lahat ng parks, department stores, sinehan, kainan, zoo at playgrounds. Ang mahalaga, maging masaya kami ni Mattie. Minsan naman, hindi na namin kailangang lumabas. Magluluto ng masarap sina Mommy at tatambay lang kami sa bahay at manonood ng kahit na ano sa malaking TV. Mattie would show me her new toys and I would tell her about my friends in school. We were normal kids. Until an accident changed Mattie. Hindi kami sangkot sa aksidente na iyon. Pero kamuntikan na. Um-attend kami ng birthday party ng isang kaibigan at kalaro sa loob lang din ng subdivision. We were having so much fun. Dahil mga bata, likas ang pagiging malikot. Takbo rito, takbo roon. Nakarating kami hanggang sa labas. Naaalala ko na napagpasyahan naming maglaro ng tagu-taguan. Ang isang pinsan ng birthday celebrant ay nagtago sa likuran ng sasakyan. Hindi niya napansin na may lumulan sa sasakyan. Umatras ang sasakyan at nabunggo ang bata. Natumba at nabagok ang ulo niya sa isang malaking bato. The kid died immediately. Nasaksihan lahat iyon ni Mattie dahil siya ang taya. “She’s dead. She’s dead. She’s dead,” paglilintanya ni Mattie habang pauwi kami. Hindi ko maalala kung ano ang nararamdaman ko noong mga panahong iyon. Kaya siguro hindi ko gaanong naramdaman ang impact ng pagkamatay ng isang bata ay dahil hindi ko talaga nakita ang buong pangyayari. Ni hindi ko nakita ang mga labî ng aming kalaro. Pero hindi ko makakalimutan ang hitsura ni Mattie noon. Pagkakita niya sa nakahandusay na bata, sumisigaw siyang umiyak. Hindi ako lumabas sa pinagtataguan ko dahil ganoon naman talaga siya minsan. Kapag tamad na siyang maghanap, kunwari ay iiyak siya para lumabas ako sa taguan ko. Nang magsigawan na ang matatanda ay saka lang ako lumabas sa punong pinagkukublihan ko. Natagpuan ko si Mattie na nakasalampak sa kalsada, namumutla at tahimik na umaagos ang mga luha sa kanyang mga pisngi. Nanlalaki ang mga mata niya na tila hindi mapaniwalaan ang nangyari. Nang makita ako ni Mattie ay saka siya muling pumalahaw ng iyak. Paglapit ko ay kaagad siyang nangunyapit sa leeg ko. Halos masakal ako sa higpit ng mga braso niya. Hinayaan ko na lang siya kasi alam kong takot na takot siya. Ayokong natatakot si Mattie. Itinimo ng mga magulang ko sa aking isipan na ako ang protector ni Mattie. I was the prince who should slay dragons for her. Pagdating ng parents namin, yumakap si Mattie sa kanyang daddy. Inumpisahan na niya ang lintanya ng “She’s dead.” Hanggang sa makauwi ay hindi mapayapa si Mattie. Walang ibang kataga na namumutawi sa bibig niya maliban sa “She’s dead. She’s dead.” Nang mapagod sa kaiiyak, nakatulog na siya. Sa murang edad, kahit na papaano ay may ideya na kami ni Mattie sa konsepto ng kamatayan. Siguro ay hindi namin ganap na naiintindihan, ngunit alam namin na kung “dead” na ang isang tao ay pupunta na ito sa heaven at hindi na muling magbabalik. Magiging guardian angel ang “dead” na iyon sa mga taong mahal niya noong nabubuhay pa siya. Akala namin, na-shock lang si Mattie sa nangyari at kaagad din niyang makakalimutan. Ako nga, agad ko raw nakalimutan. Pero ilang araw siyang balisa pagkatapos ng nangyari. Hindi siya gaanong kumakain. Wala siyang ganang maglaro. Nakaupo lang siya sa sulok at nakatingin sa kawalan. Ako naman ay abala sa pakikipaglaro sa mga kaklase kong lalaki sa eskuwela at hindi na gaanong napapansin si Mattie. Naisip ng mga magulang namin na kaya ganoon ang reaksiyon ni Mattie ay dahil sa isipan niya, matatanda lang ang namamatay. Hindi dapat namamatay ang mga bata. Na hindi naman talaga dapat, hindi ba? Isang araw ng Linggo, umiiyak na lumabas mula sa silid niya si Mattie. “I’m gonna die! I’m gonna die!” bulalas niya kasabay ng paghagulhol. Sinugod niya ng yakap ang kanyang mga magulang. Sa bahay nila ang lunch nang araw na iyon, wala kaming pinlanong outdoor activity. Nadatnan namin na hindi mapayapa si Mattie. Tuloy siya sa litanyang “I’m gonna die! I’m gonna die! I’m gonna die!” Naaalala ko na nainis ako sa kanya noong mga panahong iyon. Sininghalan ko pa siya. “You’re not gonna die! I’m not gonna let you!” Kahit na noon, kahit na sa murang edad, nakasisiguro ako na hindi magiging kompleto at masaya kung walang Mattie. Kahit na hindi ko na siya gaanong nakakasama at nakakalaro noon, sigurado ako sa kaibuturan ko na hindi ko siya hahayaang mawala. Buo sa isip ko na hindi ko kakayanin kapag nawala si Mattie. Tumahan si Mattie. Hindi ko sigurado kung dahil sa pagsinghal ko sa kanya o dahil sa sinabi ko. Niyakap niya ako. “But I’m gonna die,” bulong niya, hindi na pumapalahaw ng iyak, humihikbi na lamang. “You can’t do anything about it, Jem.” Naiinis na inilayo ko siya sa akin. “Sige, you’re gonna die. Pero `pag old ka na. `Pag white na ang hair mo tulad ng kay Lolo na nasa heaven na.” Umiling-iling siya, mababakas sa mga mata na ayaw paniwalaan ang sinasabi ko. Lalo akong nainis. “I’m gonna die,” giit niya. “Just wait and see.” “You won’t!” Dinakma ni Mattie ang braso ko at pinakatitigan ako, namimilog ang mga mata. “Napanaginipan ko. Mamamatay ako. Pero hindi pa puti ang hair ko. Hindi ako old. I’m gonna die. Believe me.” “Bahala ka na nga sa buhay mo! Di mamatay ka!” Nalukot ang mukha ni Mattie at pumalahaw uli ng iyak. Hindi ako nabagabag sa iyak niya. Nainis ako sa kanya kaya nanood na lang ako ng Star Wars. Nagsimba kami pagsapit ng hapon. Magkatabi kami ni Mattie sa upuan kaya narinig ko ang ibinulong niyang dasal kay Papa Jesus. “Dear Papa Jesus, ayoko pa pong maging angel katulad ni Krystel.” Ang tinutukoy ni Mattie ay ang kalaro naming naatrasan ng sasakyan at binawian ng buhay. “Hindi pa po ako ready. Bata pa ako, Papa Jesus, eh. Baka naman po puwedeng huwag muna? Kasi malulungkot sina Mommy at Daddy. Iiyak sila, Papa Jesus. Pati na sina Ninong at Ninang.” Ang tinutukoy niya ay mga magulang ko. “Lalo na po si Jem. Hindi siya titigil sa pag-iyak, Papa Jesus. Makikita Mo. Malulungkot siya nang sobra kapag nawala ako. Love na love po niya ako, eh. Kaya po, please, please, please...” Lumunok muna siya bago nagpatuloy. “Please, huwag Mo muna akong gawing angel.” At itinuloy niya ang mahabang litanya ng “please.” Ipinatingin nina Ninong William at Ninang Martinna sa doktor si Mattie dahil labis talaga silang nag-alala noon. Inakala kasi nila na makakalimutan din ni Mattie ang nangyari, ang kanyang naging panaginip. Ngunit kabaliktaran ang nangyari. Tila sa bawat paglipas ng mga araw ay mas tumitimo sa isip ni Mattie, mas naniniwala siya na mamamatay siya. Hindi ko iyon maintindihan noon kahit na ipinaliwanag sa akin kahit na paano. They said it was a result of the trauma of watching a girl her age die. Ang naiintindihan lang kasi ni Mattie noon, matatanda lang ang namamatay. Hindi pa niya gaanong naiintindihan noon na maaaring biglaan na lang mamatay ang sinumang tao sa anumang edad. Sa paglipas daw ng panahon ay makakalimot din si Mattie. Kids are resilient. Kasabay ng paglaki ang unti-unting pag-intindi sa totoong kalakaran ng buhay. All she needed was love from the people around her. Naniwala ang mga magulang namin sa sinabi ng eksperto. Naniwala rin ako. Mas maigi sigurong sabihin, na nawala na rin iyon paglaon sa isip ko. But there were times in the past that I wished I took Mattie more seriously. I wished I believed her, trusted her. Siguro ay mas pinahalagahan ko siya, mas iningatan. Mas minahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD