PITONG taong gulang si Mattie nang inakala kong nagkaroon ng katuparan ang kanyang sinabi. I thought she died. I thought it was the end. Noon ko lang naramdaman ang matinding takot. Hindi ako makakain. Ayokong pumasok sa school. Kahit na ipinangako ko sa sarili na hindi na iiyak kasi malaki na ako, hindi ko napigilan. I cried like a baby. Isang linggong nawala si Mattie. Isang linggo ko siyang hinanap sa kung saan-saan.
Nagsimba kami isang araw ng Linggo. Paglabas ng simbahan, may nakitang mga kakilala ang mga magulang namin. Nagkahuntahan. Nangungulit si Mattie kasi gusto niyang bumili ng balloons. Naiinis ako sa kanya kasi ang kulit-kulit niya. We were told not to disturb the adults when they were talking to another adult. Halos hindi namin namalayan na wala na siya sa tabi namin. Nang mapansin ni Ninang, kaagad kaming nagkumahog sa paghahanap. Hindi na namin makita sa paligid si Mattie. Maging ang mga pulis na tumulong sa amin ay hindi siya nakita.
Sa loob ng isang linggong pagkawala ni Mattie, halos hindi tumigil sa pag-iyak si Ninang Martinna. Parang mababaliw si Ninong William. Daddy took a leave of absence to help look for Mattie. Sa loob ng isang linggong hindi namin nakita at nakasama si Mattie, pakiramdam namin ay unti-unting nagugunaw ang mundo. In my young mind, I knew life would be bleak without her.
I prayed and prayed and prayed. I promised a lot of things to God. Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ang mga iyon. Nangako ako na magpapakabait buong buhay ko ibalik lang Niya si Mattie sa piling namin. Nangako ako na hindi ko na aawayin si Mattie. Hindi ko na siya kaiinisan. Gagawin ko ang lahat ng gusto ni Mattie. Ibibigay ko ang lahat ng makakapagpaligaya sa kanya. I promised I’d love her more, protect her more.
Nangako ako na ipamimigay ko ang lahat ng mga laruan ko sa mga batang walang laruan. Nangako ako na mag-aaral ako nang husto, magta-top one sa eskuwela. Nangako ako na magpe-pray bago matulog gabi-gabi. Kakain na ako ng gulay at fish. Hindi na ako gaanong manonood ng cartoons sa TV, tutulungan ko na lang si Mommy sa mga gawaing-bahay. Hindi na rin ako gaanong maglalaro ng video games. I’m gonna be a very, very good boy.
Umuwi si Mattie nang sumunod na araw ng Linggo. Nagulat na lang kami nang bigla na lang siyang pumasok sa bahay at walang ano-anong masayang ibinulalas ang, “I’m home!” Ibinuka pa niya ang mga braso at nagpapayakap sa mga magulang na natulala nang mahabang sandali. Maging ako ay natulala lang. Hindi ko kasi mapaniwalaan na naroon nga siya. I almost lost hope. Nasa bahay kami ng mga magulang ni Mattie nang hapong iyon dahil sabay-sabay kaming nagno-novena para sa kanya. We have been endlessly praying for her safety.
Halos hindi makilala si Mattie. Mukha siyang yagit na yagit. Ang dumi-dumi-dumi niya. Parang walang bahagi ng balat niya ang hindi maitim at madumi. Ang buhok niya ay kusa nang tumatayo sa sobrang dumi. She smelled, too. Isang linggo siyang hindi naligo at nagpalit ng damit. Amoy-basura si Mattie.
Sa kabila ng karumihan, nakilala pa rin namin si Mattie. Her radiant smile was too achingly familiar. Hindi natabunan ng dumi ang glow ng kanyang mukha.
Halos himatayin si Ninang Martinna. Si Ninong William ay kaagad na nilapitan ang anak at niyakap nang mahigpit. Noon ko lang nakita si Ninong na umiyak nang ganoon katindi. He sobbed unabashedly. Pinaghahalikan niya ang buong mukha ni Mattie habang panay sa pagtangis. Hindi niya alintana ang amoy at hitsura ng anak. What was really important that moment was Mattie was back. She was alive and she was smiling.
“Daddy, I missed you!” ani Mattie habang mahigpit na yakap ang ama sa leeg.
Sa wakas ay nakahuma na si Ninang Martinna. Mabilis niyang nilapitan ang kanyang mag-ama at hinablot si Mattie mula sa asawa. It was her turn to smother her daughter.
“Oh, God. Oh, God. Oh, God,” paglilitanya ni Ninang Martinna habang pinaghahalikan si Mattie.
“Mommy, I missed you, too. Pero wait lang po. May ipakikilala po ako sa inyo.”
Noon lang namin napansin na hindi nag-iisa si Mattie. May kasama siyang isang batang lalaki. We presumed he was a boy but we weren’t really sure at first. Mahaba kasi ang buhok niya. He was filthier than Mattie. Parang isang buwang hindi naligo.
Kumalas si Mattie kay Ninang Martinna at lumapit sa batang yagit at hinawakan ang kamay. Ipinakilala niya sa amin ang kasama. His name was Andres. Hinila ni Mattie si Andres palapit sa kanyang mga magulang at walang kaabog-abog na sinabing, “Mula sa araw na ito, sila na ang magiging magulang mo, Kuya Andres.”
Hindi nakapagsalita ang mga magulang ni Mattie. Sunod na hinila ni Mattie si Andres palapit sa mga magulang ko. “Sila ang ninong at ninang ko. Mula ngayon, ninong at ninong mo na rin sila. Mag-bless ka.”
Inabot ni Andres ang kamay ng mga magulang ko at halos wala sa loob na hinayaan naman nina Mommy at Daddy na magmano sa kanila ang batang marumi.
Hinarap ako ni Mattie pagkatapos magmano ni Andres sa mga magulang ko. Niyakap niya ako. “Na-miss kita, Jem.”
Hindi pa man ako nakakaganti ng yakap ay kumalas na siya sa akin. Muli niyang hinawakan ang kamay ng batang kasama niya at hinila palapit sa akin. “Jem, I want you to meet Andres, my brother and your best friend.”
Naguguluhan na nagkatinginan kami ni Andres. Sinalubong ni Andres ang mga mata ko. I couldn’t explain it then but I immediately felt an intense dislike toward the boy. I didn’t like him. And the feeling was mutual. Nakita ko rin sa mga mata ni Andres ang disgusto.
And I thought, no, we’re never going to be friends.
MULA noon ay naging parte na ng buhay namin si Andres. Inampon siya nina Ninong William at Ninang Martinna. Naging magkapatid na talaga sina Mattie at Andres. Ngunit hindi naging madali noong una ang lahat. Kinailangang dumaan ng adoption sa legal na proseso. Kinailangan munang kunin si Andres ng DSWD habang ini-evaluate sina Ninong William at Ninang Martinna. Mattie threw a fit.
That was an understatement, really. Akala ko nga ay nabaliw na noon si Mattie. Ayaw niyang payagang kunin ng sinuman si Andres. Bukod sa mahigpit na pagyakap ng kanyang mga braso sa leeg ni Andres, iniyakap din niya ang mga binti sa baywang ng batang yagit. Pumalahaw ng iyak si Mattie. Her cries were the heart-wrenching kind. Kahit na ano ang gawin sa kanya ay ayaw niyang humiwalay at bumitiw kay Andres. Mommy and Ninang Martinna cried. Kahit na ang mga social worker ay nahabag at maluha-luha habang pilit na pinaghihiwalay ang dalawang bata.
Even my heart clenched at the sight. I remember I was happy when Mommy told me someone was taking Andres away. I don’t like him and I want him gone. Masyado pa akong bata noon upang mabatid na hindi ko naman talaga siya hindi gusto. Hindi lang ako sanay na may ibang napagtutuunan ng pansin. Sanay ako na ako lang. Hindi ko rin gusto na may ibang batang lalaki na minamahal si Mattie. Ayokong pinagtutuunan si Andres ng pansin nina Ninong William at Ninang Martinna. They don’t need Andres. They had me.
Pero nang makita ko kung paano habulin ni Mattie ang sasakyan ng mga taga-DSWD, naisip ko na okay na. Puwede nang manirahan si Andres sa bahay nina Mattie. Hindi ko pa rin gusto si Andres pero titiisin ko na lang. Basta huwag lang iiyak nang ganoon si Mattie. She could hardly breathe. Naalala ko pa ang sinabi ni Ninong William kay Daddy na sa palagay niya ay patuloy na hahabulin ni Mattie ang sasakyan kung hindi lang niya pinigilan ang anak. I thought so too. I can remember the fierce determination on Mattie’s face that day.
She didn’t stop crying for days. That was an exaggeration, really. Of course she stopped when she was exhausted. She fell into fretful sleep. Paggising, sisige na naman siya ng iyak. Ayaw kumain ni Mattie. They had to bring her to the hospital. Kaya naman nakiusap si Ninong William sa DSWD na ibalik na sa kanila si Andres. I can’t remember how they managed to do that but they did. Pagkalipas ng tatlong araw, nakabalik na si Andres. Mattie stopped crying and started eating. In no time at all, she regained her strength. She was smiling again.
Mabilis na naayos ang mga papeles sa pag-ampon kay Andres. Hindi nagtagal, naging magkapatid na talaga ang dalawa. Hindi na gaanong lumilipat si Mattie sa bahay namin para makipaglaro. Kung binibisita man niya ako, palaging kasama si Andres. Ninong William and Ninang Martinna loved Andres. Minsan, pakiramdam ko ay mas mahal na nila ang batang yagit kaysa sa akin. Andres even managed to worm his way toward my parents’ hearts. Tuwing ibinibili nila ako ng laruan, bumibili sila ng extra para kay Andres. In-enroll si Andres sa school ko. We became classmates, seatmates.
I hated Andres.
Andres hated me, too.