LET ME tell you something about my bride. She was the spunkiest woman I have ever met. She had been always different. Kakaiba mag-iisip, kakaiba ang hitsura sa lahat. She was so smart.
Napatingin ako sa pintuan ng waiting room nang bumukas iyon. Awtomatiko ang naging pagngiti ko nang pumasok sa loob si Andres, ang aking best man.
“Handa ka na?” nakangiting tanong niya sa akin.
“Look at you!” Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ni Andres. “All black. You look good. I didn’t think the color would suit you. Sanay akong nakikita kang palaging nakaputi.”
“I’m grieving.”
Nabura ang ngiti sa aking mga labi. “Andres...”
He laughed. Tawa na puno ng saya at kaaliwan. “Gotcha!”
Kaagad nagbalik ang ngiti sa aking mga labi. “I’m gonna take good care of her,” I solemnly promised.
“I know, Jem. I know. I don’t have to worry because she would make sure of that.”
I chuckled. “Yeah, she would.”
Nilapitan ako ng pinakamatalik kong kaibigan. Nag-alangan siya kaya ako na ang yumakap sa kanya. “Thank you, Andres.”
“Bakit? Para saan?”
“Alam mo kung bakit at para saan.”
“Dahil masaya ako para sa inyong dalawa?”
Kumalas ako. “Yeah.”
“You deserve it. You deserve her.”
Alam ko kung gaano kamahal ni Andres ang babaeng pakakasalan ko. She had been his savior. She taught him how to smile again. Alam ko na hindi madali para kay Andres na pakawalan ang pinakaespesyal na babae sa buhay niya.
“Matilda will be the happiest girl.”
“I know.”
“Tama na ang drama,” nakangiting sabi niya, sabay hinga nang malalim. “Let’s get you married.”
IT WAS funny how everyone presumed Andres and I were best of friends. Dahil siguro sa laging iginigiit ni Mattie na best friends kami kahit na hindi naman. Though we both hated each other, we never really fought. We even barely talked to each other. Nararamdaman ko lang na hindi ako gusto ni Andres at hindi ko gaanong itinatago na ganoon din ang nararamdaman ko sa kanya. But for some reason, everyone still believed we were best friends.
Hindi ko kaagad nalaman ang buong kuwento tungkol sa mga nangyari kay Mattie noong mawala siya nang isang linggo. Hindi ko kaagad nalaman ang kuwento kung paano sila nagkatagpo ni Andres. Pauntol-untol naman kasi ang kuwento ni Mattie. Basta ang naging malinaw sa amin noong una, Andres took good care of her in the street. Hindi kaagad naalala ni Mattie ang daan pauwi kaya inabot nang isang buong linggo bago siya naihatid ni Andres.
Habang lumilipas ang mga araw ay lalo akong naiinis kay Andres kahit na wala naman talaga siyang ginagawang masama sa akin. I was convinced he was a fake. Nagbabait-baitan kina Ninong William at Ninang Martinna para hindi na siya maibalik sa lansangan. I hated that he was smarter than me.
Tinupad ko ang mga ipinangako ko noon kay God. Kung hindi marahil nalaman ni Mattie ang tungkol doon ay tuluyan ko nang makakalimutan. Kung bakit nasabi-sabi ko pa. She insisted that I be a man who kept his promise.
Ibinigay ko ang mga laruan ko sa mga bata sa lansangan. Tinutulungan ko na si Mommy sa mga gawaing-bahay—hindi na nga namin kailangan ng maid. Nag-aral akong mabuti. Sinikap kong mag-top one. Mattie was always nagging me about it. She even checked my notebooks and quiz papers. I don’t know how but I actually did it. Naging first honor ako. And I liked being at the top ever since.
Nang maging kaklase ko si Andres, kaagad niya akong napatalsik sa unang puwesto. Sa unang dalawang grading, palagi akong nasa ikalawang puwesto. I don’t know how a street kid became so smart. I was so bitter about it. Alam ng lahat ang pinanggalingan ni Andres dahil sa akin—oo, may pagkatsismoso ako noong bata ako. But the kids didn’t bully him. Isang beses kasi ay may nanukso sa kanya. Hindi naman inano ni Andres pero halos mapaihi sa takot ang bata sa paraan ng pagtingin ni Andres. He meant business. He was dangerous. Maging ako ay medyo kinabahan. Mattie told me Andres fought a lot with other street kids. Para daw Superman si Andres na tagapagtanggol ng mga naaaping palaboy.
Pagsapit ng third grading, ako na uli ang top one. I believed it was because I worked harder. Hindi na ako naalis sa unang puwesto hanggang sa magtapos ako ng high school. Nasa pangalawang puwesto na lang si Andres.
Graduation ng high school, pagkatapos ng valedictory speech ko ay nilapitan ko si Andres na siyang salutatorian. I wore this very smug smile on my face. He smiled back.
“Ano ang pakiramdam na dapat ay ikaw ang nagbigay ng speech na `yon?” tanong ko.
“Relieved?” nakangiting tugon niya. “Congrats.”
“It should’ve been you.”
“What?”
“`Wag ka nang magmaang-maangan, Andres. Alam nating pareho na kayang-kaya mong agawin sa `kin ang pagiging valedictorian.” Sinikap itago ni Andres ang pagiging gifted at kahit na paano ay napagtagumpayan niya ang bagay na iyon. He could easily solve complex math problems in seconds. He could memorize something in one reading. Narinig kong sinabi ni Ninong William kay Daddy minsan na ayaw ni Andres na mag-aral sa special school for the gifted. Andres wanted a normal life.
Bago ko narinig ang pag-uusap na iyon, alam ko na na pinagbibigyan lang ako ni Andres. Hindi ako gaanong nakasisiguro kung kailan ko nabatid. I guessed I knew from the very beginning, but I was just too young to fully understand. Marahil din ay masyado akong naaliw sa unang puwesto. Nalulong ako sa pag-iisip na ako ang panalo, loser si Andres. I didn’t let myself believe I was a winner because Andres let me win everytime. I didn’t confront him until it was over because I liked being on top, I liked being a winner.
“It’s because of Mattie, right?” tanong ko sa munting tinig. “She told you about the promise I made to God.”
Ngumiti si Andres. “Of course not.”
“Sige, magmaang-maangan ka pa. Alam ko kung gaano mo kamahal ang babaeng `yon. Alam kong ibibigay mo sa kanya ang lahat ng ikaliligaya niya.”
“Bahala ka nang mag-isip ng gusto mong isipin. Hindi naman na `yon importante. Hindi importante ang ranking para sa `kin, Jamie.”
Nagseryoso ako. “We’re going to college. Magkaiba ang papasukan nating unibersidad.” Natanggap si Andres sa UP Manila. He wanted to be a doctor someday, a brain surgeon to be specific. Ako ay sa isang pribadong unibersidad natanggap. I’m gonna be an architect. “I won’t be there so stop holding back. Ilampaso mo silang lahat.”
Natawa si Andres. Hindi lang niya malakasan dahil seryosong nagbibigay ng talumpati ang aming panauhing-pandangal.
Tinapik ko ang likod niya. “I’m so glad you became my best friend.”
Oo, naging matalik na kaibigan ko rin si Andres paglaon. Did I already mention that Mattie always, always got what she wanted? Kapag sinabi niyang magiging matalik kong kaibigan si Andres, iyon mismo ang mangyayari.