HOW DID that happen? Ah, you remember that I hated Andres and he hated me. Mattie, of course. Andres and I were both starting high school. We were in the same class and we ended up being seatmates like it usually happened. This was the time when boys were no longers boys but still not quite men. You know, we started having crushes. We started noticing girls.
Sa unang linggo pa lang ng klase, napansin ko na kaagad ang isang napakagandang kaklase. Her name was Brenda. She was older, fourteen. Galing siya ng Canada. She was taller than most of the girls in our class. Mas sexy rin siya. Si Brenda ang tipo ng dalagita na maagang na-develop ang katawan. Maganda na ang hubog ng kanyang katawan sa edad na katorse.
Si Brenda ang aking unang crush. When I was thirteen, I was convinced it was love. Sinamba ko ang kagandahan ni Brenda. Iba ang epekto sa akin ng mga ngiti niya. Unfortunately, hindi lang ako ang nakapansin ng kagandahan na iyon. All the boys in school loved her, adored her. Brenda loved the attention.
I knew all the boys liked her—even Andres who pretended otherwise. I also knew Brenda liked me the most. Nakikita ko sa kanyang mga mata. Palagi siyang lumalapit sa akin at nakikipagkuwentuhan. Kumbinsido ako noon na crush din ako ni Brenda.
Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa alapaap ng kaligayahan nang bigla akong hilahin ni Mattie pababa. Linggo noon at kagaya ng nakaugalian, sama-sama kaming manananghalian. Sa hapon ay magsisimba kami at pagkatapos ay kakain sa paboritong restaurant ng mga magulang namin. It was a normal Sunday that started just fine but ended badly.
“Hindi ka niya crush. Ginagamit ka lang niya. Lumalapit siya sa `yo dahil gusto niyang kumopya ng assignment at magpagawa ng projects,” walang anumang sabi ni Mattie pagkatapos kong magkuwento tungkol sa pagkain namin ni Brenda sa malapit na fast-food restaurant sa eskuwelahan.
Mattie and I were still close. Ngunit mula nang dumating sa buhay namin si Andres, nagbago na ang lahat sa amin. Mas malapit na si Mattie kay Andres. Si Andres na ang nagsusubo kay Mattie kapag inaatake siya ng katamaran o sadyang nais lang maglambing. Si Andres na ang kalaro ni Mattie. Lumalapit pa rin naman sa akin si Mattie pero hindi na kami ganoon kadalas na magkasama. Sa palagay ko ay normal ang ganoong pangyayari. Bukod sa mayroon nang Andres si Mattie, nag-iba na rin kami. May magkaiba na kaming set of friends. Hindi na katulad ng dati na maliit lang ang mundo namin, kami lang talaga ang magkasama.
“Hindi gano’n si Brenda,” naiinis kong sabi. Nitong mga nakaraang buwan ay madalas na akong mainis kay Mattie. Hindi ko gaanong maipaliwanag kung bakit dahil minsan ay walang dahilan ang inis na nararamdaman ko. Basta naiinis lang ako sa kanya. “She’s sweet and lovely. And very beautiful.” Pilit kong nilabanan ang iritasyon na nararamdaman ko. Pinalinaw ko sa aking balintataw ang magandang mukha ni Brenda. I wished I wish with her.
Umakto na tila masusuka si Mattie. “Hindi gano’n ang sabi ni Kuya.”
Naging galit na ang inis ko. “Ano ba ang pinagsasasabi ng kuya mo sa `yo tungkol kay Brenda?” Nakakainis na mas pinaniniwalaan ni Mattie ang mga sinasabi ng kuya niya kuno. Dati, anuman ang sabihin ko, iyon lang ang pinaniniwalaan ni Mattie.
“Ang sabi niya, maganda talaga si Brenda. Malaki ang boobs. Eww. Sa boys at teachers lang siya mabait. Binu-bully daw niya ang ibang girls. Nakita minsan ni Kuya na kinukutya ni Brenda ang isang kaklase n’yo.”
“Hindi `yan totoo,” mariin kong sabi. Ang bait-bait kaya ni Brenda. Minsan ay sinabi sa akin ni Brenda na kinaiinisan siya ng mga babae dahil sa kanyang hitsura. Ang sabi niya, ina-assume ng mga babae na malandi kaagad siya dahil galing siya ng ibang bansa at mas may hubog na ang kanyang katawan. She said it was so unfair. Kaya naman mas napapalapit si Brenda sa mga lalaki dahil na rin masyadong inggitera, malisyosa, at judgmental ang karamihan sa mga kaklase naming babae. Naiintindihan ko ang nararamdaman at pinagdadaanan ni Brenda. At naiinis din ako sa mga babaeng hindi nakikita kung gaano kabait at kaganda si Brenda dahil clouded na ang kanilang judgment. Ngayon ay kasali na pati si Mattie sa mga kinaiinisan ko.
“Ang sabi pa ni Kuya, sa `yo ipinapagawa ang mga assignment ni Brenda at masaya mo namang ginagawa. Uto-uto ka raw.”
“That’s not true!” Gusto ko nang sakalin si Mattie. Hindi totoong uto-uto ako. I’m smart—the smartest in class. Ngunit totoo na ako ang gumagawa ng ilang assignments at projects ni Brenda. Ako naman ang nagpresinta. Napansin ko kasi na nahihirapan siya sa adjustments sa bagong school, sa bagong environment.
“Hindi sinungaling ang kuya ko!” Pinandilatan pa ako ni Mattie.
“At ako, sinungaling?” Nahaluan ng hinampo ang inis at galit sa boses ko.
“Hindi `yon ang sinasabi ko, Jem,” nababanas na tugon ni Mattie.
“So, ano ngayon ang sinasabi mo?”
“Sinasabi ko lang na huwag kang maging uto-uto.”
“Hindi nga ako uto-uto. `Wag kang nagpapaniwala sa sinasabi ng kuya mo. He’s just jealous because Brenda—the loveliest girl in school—wants me and not him. Hindi naman `yon nakakapagtaka kasi I’m like the brightest kid in class and he’s like what, the second best loser?”
Naningkit ang mga mata ni Mattie. “You’re so mean. My brother is not a loser.”
“He is and forever will be!”
Hinampas ni Mattie ang braso ko. Namilog ang mga mata ko sa inakto niya. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na nagkasakitan kami, ngunit parang naging big deal masyado para sa akin dahil ipinagtatanggol ni Mattie si Andres.
“Paano mo nasasabi `yan sa best friend mo?”
“Best friend?” naiinis kong bulalas. “Hindi ko best friend si Andres! Hindi ko siya magiging best friend kailanman!”
Narinig na kami ng mga magulang namin, pati ni Andres. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nakita nilang nag-aaway kami ngunit may kung ano sa paraan ng pagtingin namin ni Mattie sa isa’t isa noong mga panahong iyon. The fight was serious. Tinanong kami ni Mommy kung ano ang nangyayari, walang sumagot sa aming dalawa.
Isang buong buwan kaming hindi nag-usap at nagpansinan ni Mattie. Nagsasama pa rin ang pamilya namin tuwing Linggo ngunit hindi kami nagkikibuang dalawa. Parang pareho kaming nagkukunwari na hindi nag-e-exist ang isa’t isa. I missed her but I didn’t admit it, even to myself.
Naging maayos ang lahat sa pagitan namin ni Brenda. Mas naging malapit kami sa isa’t isa. I was happy. I felt like I was the luckiest boy alive. Ako pa rin ang gumagawa ng mga assignment at project niya pero walang kaso sa akin. Kapag may exam at quiz, palagi akong nakakahanap ng paraan para mapakopya siya. Kaligayahan ko nang matulungan si Brenda sa lahat ng bagay. Don’t judge. I thought I was in love.
I thought everything was perfect until Mattie ruined everything. Again.
Linggo, alas-tres ng madaling-araw ay walang kaabog-abog na pumasok sa loob ng kuwarto ko si Mattie. Sa bintana siya dumaan. May puno ng langka sa tapat ng kuwarto ko. Inakyat niya iyon at sumampa sa bintana. Maigi na lang at nakalimutan kong isara ang bintana kaya nakapasok siya.
Akala ko ay may lindol dahil sa lakas ng pagyugyog ni Mattie sa balikat ko. Nang makita ko siyang nakatunghay sa akin, akala ko ay nananaginip lang ako. Pumikit ako at babalik na sana sa pagtulog. Muli niya akong niyugyog.
“Wake up. Wake up. Wake up,” ani Mattie habang inuuga ako.
“What?” Naiinis na napaungol ako. Inaantok pa ako. Gusto kong lubayan ako ni Mattie.
“Wake up, Jem! May ipapakita ako sa `yo.”
“Nandito ka bang talaga? Hindi isang panaginip lang?” inaantok kong tanong. Nang mga sandaling iyon, dahil hindi pa gaanong gising ang aking diwa, nakalimutan kong hindi kami nag-uusap at hindi kami bati.
“Hindi ako isang panaginip,” sabi niya habang hila-hila ang braso ko, pilit akong pinapabangon.
“Bakit ba?”
“Open your eyes.”
Pinilit kong idilat ang aking mga mata pero napakahirap. Antok na antok ako. Ngunit biglang napadilat ang mga iyon nang sampalin ako ni Mattie. Gulat na gulat ako, nagising na nang tuluyan ang diwa. “Mattie!” naiinis kong bulalas. “Nawiwili ka nang manakit. Hindi tamang gawain `yan.”
“I know, I’m sorry. But you have to wake up. Now.” Muli niya akong niyugyog.
“I’m awake. I’m awake. Bakit ba?”
May hinugot si Mattie mula sa bulsa niya, isang nakatuping kulay-pink na papel. Scented ang papel at kaamoy niyon si Brenda. Pamilyar sa akin ang klase ng stationery. I’ve seen it before. “Hiniram ko ang isang libro ni Kuya kagabi. I saw this. I think you should see it, too.” Nang iabot sa akin ni Mattie ang nakatuping papel, kaagad ko iyong hinablot. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Kinakabahan ako. Alam ko na anuman ang mababasa ko roon ay hindi ko magugustuhan.
Nakatitiyak din ako na galing ang papel kay Brenda. Binigyan ako ni Brenda ng sulat gamit ang kaparehong pink stationery. Bakit may ganoon si Andres? May hinalang umusbong sa kaibuturan ko ngunit hindi ko gaanong pinaniwalaan, hindi matanggap.
“I can’t sleep,” ani Mattie habang nahihiga sa kama. Niyakap niya ang isang unan at nagpakakomportable ng higa habang ako ay titig na titig lang sa hawak kong nakatuping papel na pinaghihinalaan kong love letter. “Iniisip ko kung sasabihin ko sa `yo ang tungkol sa bagay na `to,” pagpapatuloy niya. “I hate you, you know. Gusto mong magpauto, di sige. Sabi ni Kuya, do’n ka masaya, eh. But I love you even if I hate you. Ayokong patuloy kang mauto ng babaeng `yon. She’s horrible.”
Tiningnan ko nang masama si Mattie. “Bakit ka ba ganyan? Hindi mo naman siya kilala. You judge so easily. Puro salita na lang ni Andres ang pinaniniwalaan mo.”
Walang anumang ipinikit niya ang mga mata. “If Kuya says she’s not the kind of girl you must have crush on, I believe him. Nagbabasa na ako ng mga pocketbook, Jem. I know things. I know a lot.”
“Umuwi ka na nga. FYI, I still hate you.”
“You love me,” aniya sa nakakatiyak na tinig. “Andres told me so. Ang sabi niya, kahit na ano ang mangyari, hindi mawawala ang pagmamahal mong `yon sa akin. Kahit na mamatay na ako. Mas mahal mo ako kaysa kay Brenda at sa iba pang mga babaeng darating sa buhay mo.”
“You’re wrong, I hate you.” Sa edad ko noon, alam kong kumbinsido ako na I hate her. Pero alam ng puso ko na tama ang sinabi ni Mattie. I’d always love her. Always and forever.
“Basahin mo na lang kasi `yan para matapos na `yang kahibangan mo.” She yawned. “Goodnight.” Ilang sandali lang ang nakalipas ay pantay na ang kanyang paghinga, mahimbing na ang tulog.
Kahit na alam kong hindi ko magugustuhan ang aking mga mababasa, binuklat ko ang nakatuping papel. Kaagad bumungad sa akin ang pamilyar na penmanship ni Brenda.
Hindi ko na maalala ang nilalaman ng love letter. Ang alam ko lang, sa sulat na iyon ko nabatid na tama si Mattie, uto-uto ako. Si Andres talaga ang crush ni Brenda at kailangan lang niya ako para gawin ang kanyang mga assignment at project. Akala rin ni Brenda ay magagamit niya ako upang mapalapit kay Andres.
I tried to erase the awful memory but I remembered what Mattie told me after she woke up.
“You cannot hate Andres for this. Wala siyang kasalanan. Itinago na nga niya `yang sulat na `yan at hindi na ipinaalam sa `kin. Hindi maaaring masira ang pagkakaibigan n’yo ni Kuya dahil lang sa isang babae. Promise me na kahit na umibig kayo sa iisang babae, hindi mo hahayaan na masira ang pagkakaibigan n’yo. Mangako ka.”
Nagalit ako. I think my young heart was broken—shredded into tiny pieces. Brenda didn’t like me. “Hindi ko kaibigan si Andres! Hindi ko siya best friend! Walang kahit na anong masisira dahil wala namang mabubuong anuman sa pagitan namin. Bakit ba hindi ka nakikinig, hindi kayo nakikinig? Wala ka rin bang mga mata? Andres is not my best friend!”
Tiningnan ako nang masama ni Mattie.
“I’m not gonna promise anything! You’re not writing it down and you’re definitely not putting it in that stupid jar!”
Humalukipkip si Mattie. Mababakas ang masidhing determinasyon sa kanyang mukha. Bahagya pang naningkit ang kanyang mga mata. For a ten-year-old, she was already a force to be reckoned with.
“I will and that’s that!”