NAPAKAGANDA ng pagkakaayos ng buong simbahan. Kahit na saang direksiyon mo ibaling ang mga mata mo, puro mga asul na bulaklak ang makikita. Everything was blue and beautiful. The color radiated with happiness. Pinapuwesto na kami ni Andres para masimulan na ang wedding processional. My best man walked first. I marched next with my parents who were both happy for me. Panay ang pagdampi ni Mommy ng panyo sa gilid ng kanyang mga mata. They were tears of happiness kaya hinayaan ko na lang siya. She was letting go of her only baby boy. She loved my bride, by the way. My parents sat while I stood with Andres near the altar. Huminga ako nang malalim. Nakangiti ang lahat ng mga tao sa loob ng simbahan. Lahat ay masaya para sa amin ng aking bride. Bahagya kong kinainipan ang prusisyon ng mga ta

