PROLOGUE
" Bakit mo ginawa yon?! "
Para akong batang hinila ni kuya palayo sa loob ng cafeteria ng school at dinala sa gilid ng infirmary.
Inis syang tumitig sakin kaya wala akong nagawa kundi ang yumuko at wala sa sariling kinutkot ang mga kuko sa daliri. Ramdam ko ang pagpipigil ni kuya na pagalitan ako, ang mga buntong hininga nya ang nagsasabi saking tama lang na manahimik ako.
" Adley naman! that was too much! You weren't sent to school for you to be that brat! "
Hindi ko alam kung pano ko dedepensahan ang sarili ko hindi dahil gusto kong mangatwiran kay kuya, I want to tell him the other side of the story, my side! but then for some reason, gusto ko nalang ilihim kung ano talaga ang nangyari, besides, hindi din naman sya maniniwala.
Ano nga bang ginawa ko? ano nga ba yung nakita nila, ni kuya ..
wala naman, I just slammed Rebecca's face straight to my favorite dessert and it costed me two hundred twenty pesos.
This will be my third offense, malinaw sakin na ang kasunod nito ay expulsion.
" You knew I wouldn't do it for no reason kuya, kilala mo ko "
Napahilamos sya sa sobrang galit, ang buong mukha nya ay pulang pula na ngayon.
" alam ko Ads, alam na alam ko! alam ko din kung gano kababaw na naman yang dahilan na yan " see? there's no use.
Ang alam ng lahat, isa akong malditang apo ng benefactor ng school na to. Galing sa limang magkakaibang school, madalas napapaaway at dumadating sa punto na kailangan ko ng mag iba ng pinapasukan.
" Sana din alam mo na kapag nakarating na to kay lolo " Iniwan nya ko at muli syang bumalik patungong cafeteria.
Matagal ko ng gustong patulan ang Rebecca na yon, malamang abot-tenga ang ngiti nya ngayon.. finally, nagbunga na din ang ilang buwan nyang pang-iirita sakin.
" I am a close friend of your Lolo Edgardo and indeed he's a benefactor of this school, but unfortunately, we don't tolerate such behavior here Ms. Trousdale and this is your third offense, aware ka naman siguro sa possible sanct-- "
" Yeah I know, pwede na po ba kong umuwi? "
Napahinga si Mr. Nakashira at napabaling ng tingin kay kuya na nasa harap lang din nya, tikom ang parehong kamay at napapapikit sa pagkokontrol ng galit.
Akala ko'y sesermunan muli ako ni kuya pagpasok namin sa sasakyan. Napatingin lang ako sa kanya ng nagsuot sya ng headrest at earphone saka prenteng umupo bago ipinikit ang mata. Buong byahe syang nasa ganong posisyon at parang automatic na nagdilat sya ng mata ng makarating na kami sa bahay.
Isang nakakunot na noo ang sumalubong samin, naunang umakyat si kuya habang ako nasa harap ni lolo at napapakagat labi.
" I heard you just got the sixth expulsion of your life Adley, ilan pa bang kulang apo? ten? twenty? one hundred? ILAN?!! "
Napalunok ako sa pagsigaw ni lolo, maging ang mga naglilinis ng sala ay nagsialisan ng marinig ang makatindig balahibo na sigaw ni lolo.
Alam ko, ipapatapon nya ko sa lugar na pinakaayaw ko. Kapag nandon ako pakiramdam ko sinasakal ako, ayoko ng maalala kung panong kinuha ng lugar na yon ang dalawang taong mahalaga samin.
" Lo, I'm so --- " Napangiwi ako ng isang malutong na sampal ang dumapo saking pisngi.
Nahagip ng mata ko ang panonood ni kuya mula sa taas ng hagdan. I can't blamed him for doing so, we knew Lolo Ed, gusto nyang walang umaawat sa kanya, sesermunan nya ang gusto nyang sermonan, sasaktan nya ang gusto nyang saktan at walang makakapigil sa kanya.
" Fix your things, wag kang magtitira ni isang gamit mo sa pamamahay ko! ". This time bumaba si kuya at dali daling humarang sa papalayong matanda.
" Lo "
Itinaas ni lolo ang kanang kamay nya tanda ng hindi na magbabago ang isip nya. Today, he'll gonna send me to Aunt Elise, somewhere in La Union.
Nanlulumo kong inakyat ang kwarto ko, ilang minuto lang ay nakarinig ako ng marahan na katok at pumasok si kuya.
" I didn't tell hi-- "
" It's okay kuya, alam ko namang kahit galit ka sakin hinding hindi mo ko ilalaglag kay lolo, sadyang mabilis lang umapoy ang balita at nakaabot agad sa kanya "
Hawak hawak ang ilang pares ng damit ay niyakap ako ni kuya.
" susunod ako sayo don wag kang mag-alala "
Ayokong umiyak, dahil kasalanan ko naman kung bakit to nangyayari sakin, dahil sa mabilis kong pagpatol sa kagaya ni Rebecca.
" Wag na kuya, kaya ko, tsaka andon naman si Aunt Elise, hindi nya ko pababayaan "
Umiling sya at kinalas ang pagkakayakap sakin.
" Alam ko, pero napakasungit non Ads, alam mo na matandang dalaga "
Nginitian ko sya.
" I'm okay kuya, really "
I'm okay. I had to be okay. I guess para talaga yata ako sa La Union. Besides, I lived there almost half of my life today, umalis lang kami ng kunin kami ni Lolo Ed at nang nangyari ang insidente na naging dahilan ng pagiging ulila namin ni kuya.
I heaved and finally close my eyes,
This will be my last comfortable sleep, I guess.