WALANG nagsasalita, wala ring gumagalaw. Lahat kami ay tila nabato mula sa aming kinalalagyan nang dahil sa napanood. Ang buong classroom ay nabalot ng takot at pagkabahala. Lumabas na ang ilan sa mga kaklase namin at hindi na bumalik pa. Ang ibang mga natira sa classroom tulad namin ay tila tulala pa rin matapos mapanood ang video. “Sinasabi ko na nga ba,” dinig kong saad ni Nicca, “mauulit na naman 'yong nangyari.” Nabaling ang tingin ng lahat sa kanya. Gaya namin ay mababakas ang sobrang takot na nararamdaman sa mukha niya. “Mamamatay tayong lahat!” sigaw niya pa habang umiiyak. Nag-aalalang tiningnan ko ang iba ko pang mga kasama at tulad ni Nicca ay tanging pag-iyak na lamang ang kanilang nagawa dahil sa sobrang takot na nararamdaman. “Sinabi ko na noon pa sa inyo ito, na h

