Wala talaga akong balak na masyadong magtagal dito sa party, pero dahil nag-request si Miss Garcia na kumanta ako ay wala na akong nagawa pa, hindi rin naman kasi ako makatanggi sa kanya.
Sa katunayan ay ayos lang naman sa akin kung kakanta ako sa harap ng maraming tao.
No’ng bago pa lang ako sa ibang bansa ay naging trabaho ko rin ang maging singer sa mga events kaya naman walang problema.
At dahil nandito na rin naman na ako ay susulitin ko na lang ‘tong oras na ‘to at sisiguraduhin ko na ito na ang simula ng lahat.
Matapos kong magpalit ng damit ay dumiretso na ako sa stage.
No’ng una ay wala pa masyadong tumitingin sa akin dahil abala silang lahat sa pakikipag-usap sa isa’t isa. Pero no’ng nagsimula na akong kumanta ay unti-unti ko na ring nakukuha ang atensyon nila.
Not that I’m bragging, but I’m confident with my voice. And it's impossible if someone don't like my voice even after they hear me sing. Kapag gano’n ay baka may problema sila sa pandinig.
Kapag nagpe-perform naman ako ay hindi ako kinakabahan, hindi ganito kabilis ang t***k ng puso ko. Pero ngayon ay parang hindi ako mapakali.
Parang gusto ko nga na matapos agad ‘tong kinakanta ko para maalis na ang atensyon nilang lahat sa akin.
Kung gano’n ay ganito pala ang pakiramdam kapag nakatingin sa’yo ang isang Haruko Inez.
Dahil nasa akin lang ang tingin niya ay hindi ko rin inalis ang mga tingin ko sa kanya. Bahagya pa ngang napakunot ang noo niya dahil siguro sa matagal kong pagtingin sa kanya pero ngumiti lang ako.
Hindi rin naman siya nag-iwas ng tingin kaya nanatiling nasa kanya ang atensyon ko.
Hanggang sa hindi ko na namalayan na natapos ko na pala ‘yong kanta. Nagpalakpakan naman silang lahat kaya nagpasalamat lang ako at umalis na ng stage.
Habang papaalis ay naririnig ko pa na nagre-request ng isa pang kanta ‘yong iba pero hindi ko na lang pinansin ‘yon.
Hindi naman ako pumunta rito para kantahan silang lahat.
“Hija! Thank you so much!”
Saglit naman akong natigilan sa pagbibihis ng biglang pumasok si Miss Garcia. Ngumiti na lang ako sa kanya dahil wala rin naman akong sasabihin.
“After you change your clothes you can go back to the party. And by the way, did you already eat? I prepared some food for you, you can take that home,” she said.
“No, Miss Garcia, I’m fine,” pagtanggi ko.
Hindi naman kasi ako pumunta rito para manghingi ng pagkain sa kanya, when in fact, I can now buy my own food.
“No, I especially cooked that for you. Ikaw lang ang pinaglutuan ko no’n so I hope you take that and let me know what you think,” nakangiting sabi niya pa.
Dahil hindi rin naman ako makakatanggi sa kanya ay tumango na lang ako at saka muling nagpasalamat.
Matapos ‘yon ay lumabas na rin siya dahil kailangan niya pang asikasuhin ang mga bisita niya. Napabuntong hininga na lang din ako bago tuluyang lumabas.
Wala ako masyadong kakilala kaya hindi ko alam kung saan ako didiretso para maki-table.
Mabuti na lang tinawag ako ni Mindy kaya naman dumiretso ako papunta sa pwesto nila. Bago makarating sa table nila ay madadaanan ko muna ang table nila Haruko at Avani kaya naman saglit akong napatingin sa gawi nila.
“This year, we were able to generate a lot more funds than we had hoped to thanks to you. I greatly appreciate it,” rinig kong sabi ng kasama nilang businessman.
“It’s my pleasure. Just let me know whenever you need anything,” diretsong sagot naman ni Haruko habang nakatingin sa akin.
“Hey, I really enjoyed your performance, you’re a great singer!” sabi naman ng isa sa mga kasama nila kaya nagpasalamat ako.
“It was really impressive,” dagdag pa ng kasama nitong ginang.
“Thank you,” nakangiting sabi ko. Hindi na rin naman na ako nagtagal pa sa pwesto nila at dumiretso na papalapit kay Mindy.
Laking pasasalamat ko na lang din talaga at nandito siya kaya naman may makakausap ako kahit papano.
Wala pa rin kasi si Bryan hanggang ngayon. Siya na lang din naman kasi ang hinihintay ko at aalis na rin ako rito sa party.
Ilang sandali pa ang lumipas ay dumating din siya. Halatang galing pa siyang trabaho dahil naka-formal attire pa rin siya. Pero ayos lang naman dahil sakto pa rin naman ‘yong damit niya rito sa party.
“What took you so long?” bungad na tanong ko sa kanya ng makalapit siya.
“Sorry, may mga tinapos lang ako sa opisina,” he said at hinalikan ako sa noo.
Magpapaalam na sana ako kay Miss Garcia dahil nandito na rin naman na si Bryan, kaya lang ay biglang hindi ko siya makita. Nakakahiya naman kasi kung bigla na lang akong aalis ng hindi nagpapaalam.
“I miss you,” pabulong na sabi sa akin ni Bryan habang hinihimas ang hita ko.
Tingin pa lang niya ay alam ko na agad ang ibig niyang sabihin kaya naman inaya ko na siyang tumayo at saka kami dumiretso sa may dressing room. Napansin ko pa na sinundan kami ng tingin ni Haruko kaya naman palihim akong napangiti.
Should I presume that he is gradually becoming interested in me? Kasi kung gano’n nga ay mabilis ko lang din palang makukuha ang loob niya. Natawa na lang tuloy ako sa iniisip ko.
“Why are you laughing?” Bryan asked as he smell my hair.
Umiling naman ako bilang sagot, hindi ko napansin na masyado na palang obvious ang pagngiti ko.
Pagdating namin sa dressing room ay mabilis niyang sinarado ang pinto at dali-daling sinunggaban ang labi ko.
Muntik pa akong matumba dahil sa pwersa niya, mabuti na lang at nahawakan niya agad ang bewang ko.
Hindi naman na ako nagsayang pa ng oras at agad na ginantihan ang mainit at mapusok niyang halik.
Parehas kaming habol hininga na umupo sa sofa no’ng tumigil siya sa paghalik sa akin.
Dahil nakakalong ako sa kanya ay kitang-kita ko ang mukha niya kung saan makikita ang bakas ng lipstick ko dahil sa mainit na halikan na ginawa namin.
Pinalipas ko lang ang ilang segundo bago ko siyang biglang hinalikan. Mukhang nagulat pa nga siya sa ginawa ko dahil hindi rin siya nakaganti agad, pero maya-maya lang ay hinalikan niya ako pabalik.
At dahil nakapatong ako sa kanya ay mabilis niya lang akong nabuhot at saka ipinatong sa mesa. Patuloy pa rin kami sa paghahalikan nang maramdaman ko na dahan-dahan niyang ibinababa ang zipper ng suot ko na dress.
Dahil tube ang suot ko na dress ay bumungad agad sa kanya ang dibdib ko pagkabukas na pagkabukas niya sa zipper.
Wala sa sariling napahawak tuloy ako sa lalamunan niya dahil kitang-kita ko kung paano siya lumunok nang makita ang dibdib ko.
“You really look stunning, babe,” malanding sabi niya habang hinahalik-halikan ako sa leeg.
Habang nilalaro-laro niya ang dibdib ko ay pababa na rin nang pababa sa leeg hanggang braso ko ang halik niya.
Hindi na rin naman na ako makapaghintay pa kaya naman isa-isa ko nang inalis ang suot niyang damit hanggang sa topless na rin siya kagaya ko.
Hindi ko naman na napigilang umungol ng bumaba ang labi niya sa dibdib ko.
Kung kanina ‘yong labi ko ang pinagsasawaan niya ngayon naman ang ‘yong dibdib ko. Napaliyad na lang din tuloy ako para bigyan siya ng mas maayos na access sa dibdib ko.
Pakiramdam ko ay wala na ako sa sarili ko dahil sa ginagawa niya sa akin. Hindi naman ito ang unang beses pero parang ngayon lang namin ‘to ginawa. Sabagay, lagi naman niyang pinaparamdam sa akin na ako ang pinakamagandang babae sa lahat.
“Hmm,” ungol ko.
“Sshh, someone might hear us,” pabulong na sabi niya pa kaya naman napakagat ako sa labi ko.
Maya-maya lang din ay tila ba nagsawa na siya sa dibdib ko dahil bumaba na ang halik niya hanggang sa puson ko. Matapos ‘yon ay bumalik ulit ang halik niya patungo sa labi ko na agad ko namang ginantihan.
Nakabukas naman ang aircon dito sa dressing room pero ramdam na ramdam ko ang init ng katawan namin. At dahil hindi na ako makapaghintay ay mas nilaliman ko na ang halikan naming dalawa at gano’n din naman ang ginawa niya.
Hindi ko na rin ma-kontrol pa ang sarili ko kaya naman unti-unti na ring bumababa ang halik ko sa leeg niya.
Mukhang pati siya ay hindi na rin makapagpigil dahil sinimulan na niyang tanggalin ang suot niyang sinturon ng bigla kaming makarinig ng katok mula sa labas.
Parehas tuloy kaming natigilan at saglit na napatingin sa isa’t isa bago muling tumingin sa pinto. Saglit na tumigil ‘yong pagkatok kaya naman akala ko ay umalis na ‘yong tao mula sa labas kaya lang ay mas nabigla kami ng bigla ‘tong bumukas.
Napahigpit tuloy ang yakap ko kay Bryan dahil wala akong suot na pang-itaas ngayon ay nakaharap pa talaga ang pwesto ko sa may pintuan. Kaya naman pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay agad na nagtama ang mata naming dalawa.
“Oh, sh*t!” rinig kong sabi ni Bryan at saka hinigpitan ang pagkakayakap sa akin habang unti-unting itinataas ang dress ko.
“F*ck! I-I… I’m sorry,” biglang sabi ni Haruko ng makita niya kami sa ganitong posisyon.
Halata naman na hindi niya alam kung anong gagawin dahil hindi siya makatingin sa akin ng maayos. Kaya naman imbes na mahiya ay pa-simple na lang akong napangiti.
Sa lahat ng tao na nandito hindi ko inaasahan na siya pa ang makakakita sa amin sa ganitong sitwasyon.
“I’m sorry again,” he said at saka isinara ang pinto.
Pero bago niya pa tuluyang masara ang pinto ay hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Napansin ko pa na sandali siyang natigilan dahil tinignan niya rin ako pabalik bago siya umalis.
“Who’s that?” tanong ni Bryan.
Nakatalikod kasi siya sa may pintuan kaya naman hindi niya nakita kong sino ‘yong pumasok. Imbes na sumagot ay kumalas na lang din ako sa pagkakayakap sa kanya at saka inayos ang damit ko.
May nakakita na sa amin kaya naman imposibleng matuloy pa namin ‘yong ginagawa namin kanina. Nabitin ako pero ayos lang din. Ang saya ko pa nga dahil sa nangyari.
Wala sa plano ko na may makahuli sa amin na nag-se-s*x sa dressing room pero mukhang ayos lang din pala.
“You didn’t lock the door,” pag-iiba ko ng usapan.
“Yeah, sorry for that,” he simply said.
Imbes na makipagtalo pa sa kanya ay hinayaan ko na lang. Nangyari naman na, wala na rin naman magbabago kung mag-aaway kami.
It’s not a big deal naman with me since walang nakita sa akin. And it’s fine since its Haruko.
“I will stay a little longer muna, baka kasi magtampo si Miss Garcia kapag umuwi ako kaagad,” I said.
“No worries. Babalik muna ako sa sasakyan dahil biglang nag-text ang boss ko na may urgent meeting kami. I’ll just pick you up once I’m done with my meeting,” he said and hugged me. “Let’s continue where we left later at home,” dagdag niya pa.
Ngumiti na lang ako sa kanya at hinalikan siya. At dahil mukhang wala siyang balak na putulin ang halikan namin ay ako na ang unang lumayo. Baka kasi mamaya ay hindi na naman kami makalabas nito.
“Aww,” I said at bigla siyang hinampas sa braso pero tinawanan niya lang ako.
Paano ba naman ay kinagat niya ang labi ko bago pa ako tuluyang makalayo sa kanya. Hindi naman nasugatan ang labi ko dahil hindi naman madiin ‘yong pagkakakagat niya sa akin.
“Let’s go,” wika ko at nauna nang lumabas.
Akala ko ay aalis na rin siya agad pero hinatid niya pa ako papunta sa table nina Mindy. Matapos niyang magpaalam ay umalis na rin naman na siya.
“Akala ko umuwi na kayo?” nagtatakang tanong ni Mindy kaya umiling na lang ako.
Akala ko rin uuwi na kami pero sa iba kami napunta. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ‘yong nangyari kaya ngumiti na lang din ako sa kanya. Para maiba ang usapan ay kinumusta ko na lang din siya. Ang tagal din kasi naming hindi nagkita.
Bago pa man kasi ako bumalik dito sa San Mateo ay mas nauna siyang bumalik kaysa sa akin. Kaya naman masaya rin ako na nakita ko siya rito. Kasi kung hindi ay baka kanina pa talaga ako umuwi dahil wala naman akong makakausap.
Ayoko rin namang makipag-plastikan sa mga taong nandito.
Isa pa ay hindi naman ako pumunta rito para makipag-usap sa kanila dahil wala naman akong masyadong alam sa negosyo. Hindi rin naman alam ni Miss Garcia na may sarili akong company dahil ibang pangalan na ang gamit ko.
Natigil naman kami sa pag-uusap ni Mindy ng biglang may lumapit sa pwesto namin na tatlong babae.