Ilang araw na rin ang nakalipas simula no’ng party. Lagi lang din akong nasa unit matapos ‘yon.
Wala naman kasi akong ibang pupuntahan kaya hindi rin ako lumabas, isa pa ay nakakatamad din kasing lumabas at makipag-usap sa mga tao kaya mas okay sa akin na mapag-isa.
Bihira na lang din makadaan dito si Bryan dahil busy na rin siya sa trabaho niya dahil may bago silang project.
Ayos lang naman sa akin dahil hindi naman ako demanding sa time niya. At saka reasonable naman kung bakit bihira na lang kaming magkita.
Ngayong araw ay nagawa ko na ang lahat ng gusto kong gawin. At dahil tanghaling tapat pa lang ay bored na agad ako dahil wala na akong magawa.
Ayaw ko naman lumabas dahil tinatamad talaga ako. Hindi rin naman ako makakatulog dahil ang haba na ng tulog ko kagabi.
Mas lalong ayaw ko namang pumunta sa company para lang asikasuhin ‘yong negosyo namin dahil nando’n naman si Tita.
Kapag nagpakita rin ako ro’n ay baka masira lang ang planong matagal kong pinaghandaan.
Kaysa naman tumunganga buong magdamag ay naisipan ko na lang na manood ng movie.
Ito na lang din naman ang oras ko para mag-chill dahil sa mga susunod na araw ay itutuloy ko na ulit ang plano ko.
Ililipat ko na sana ‘yong channel ng bigla akong mapunta sa balita kung saan pinapakita ‘yong ribbon cutting ng bagong branch ng AMG Group.
Parang bigla akong hindi makahinga dahil sa nakita ko. Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil biglang sumikip ang pakiramdam ko.
Biglang nag-flashback sa utak ko lahat nang nangyari no’ng araw na ‘yon. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatingin sa screen ko.
Bumalik lang ako sa reyalidad no’ng matapos ‘yong balita. Saka ko lang din napansin na kumikirot ‘yong kamay ko.
Sa sobrang gigil ko ay hindi ko na namalayan na nabasag ko na ‘yong basong hawak ko kaya naman puro dugo na ang kamay ko.
Ngayon na nakita ko sila ulit ay muling bumalik sa akin ang lahat. ‘Yong sakit, hinanakit, galit, at pagkasuklam ko.
Even after 15 years, the misery continues. After all, my pain hasn't gone away, it was just covered by my anger and disgust towards them. And it’s just irritating to see them happy, to see them smiling widely.
Parang ang sarap tuloy paghiwalayin ng mga labi nila hanggang sa hindi na sila makatawa pa.
Sa sobrang sama ng loob ko ay hindi ko na rin napansin na tumutulo na ang luha ko.
Pupunasan ko pa lang sana ang mga mata ko kaya lang naalala ko na puno pa nga pala ng dugo ang kamay ko.
Masyado palang madiin ang pagkakahawak ko sa baso kanina kaya naman nabasag. Sana lang ay hindi malalim ‘yong sugat sa kamay ko.
Kahit na ang patuloy pa rin sa pag-agos ‘yong dugo sa kamay ko ay hindi ko na nararamdaman ‘yong sakit. Hindi na nga rin siya humahapdi.
Mukhang hindi lang pala ‘yong puso ko ang namanhid sa sakit, pati na rin ‘yong kamay ko.
Kahit papano ay medyo humupa na ‘yong nararamdaman ko kaya naman tumayo na ako at dumiretso sa lababo para hugasan 'yong kamay ko.
Mabuti na lang din pala at wala akong kasama ngayon. Dahil kung nandito si Bryan o si Charlotte ay baka nagpa-panic na ‘yong mga ‘yon.
Kapag ganito ay baka nasa hospital na agad ako kahit na malayo naman sa bituka ‘yong sugat ko.
Sabagay, ang nakakaalam lang din pala ng plano ko ay si Charlotte. Kaya naman sigurado ako na maiintindihan niya ang nararamdaman ko.
Umpisa pa lang kasi ay siya na ang nand’yan sa tabi ko, lalo na no’ng panahon na sobrang lubog na lubog ako.
Laking pasasalamat ko na lang din talaga sa kanya dahil tinulungan niya ako no’ng mga panahon na sobrang pagod na rin ako sa sarili ko. Kung hindi rin dahil sa kanila ay baka matagal na akong sumuko.
Ilang taon na ang nakalipas pero malinaw na malinaw pa rin sa akin ‘yong mga nangyari no’ng araw na ‘yon.
Kapag naaalala ko ‘yong mga nangyari ay para bang sariwa pa ang lahat. Para bang kahapon lang nangyari dahil damang-dama ko pa rin ‘yong sakit.
Ilang beses nagmakaawa si daddy sa kanila pero tila ba mga bingi sila na walang naririnig. Kung paano nila bugbugin at pahirapan ang daddy ko ay parang hindi tao ang kaharap nila.
Kahit na bata pa lang ako no’n ay alam ko na ang mga nangyayari. Naiintindihan ko ‘yong mga sinasabi nila kaya naman malinaw na malinaw sa akin ang lahat.
Ang puno’t dulo kung bakit nangyari sa pamilya ko ‘yon.
They claimed that my dad leaked their company's slush money list, which was the beginning of everything.
They have all known each other since high school, so I know they are pals. Till they could establish their own companies.
But when my dad learned about the anomaly that his friends were engaging in, he broke off contact with them. Up until he totally separated himself from them to focus on our family business.
However when the list was eventually leaked, everything went wild.
The fact that everyone they accuse dies is not news to me, as my dad was not their first victim. There are many others besides only him.
No’ng una ay hindi ko pa maintindihan kung bakit walang ginagawang aksyon ang mga pulis kahit ilan na ang namatay dahil sa issue na ‘yon. Maski sa media nga ay hindi man lang nabalita ang tungkol sa nangyari.
Afterwards, na-realize ko rin kung bakit. Kaya naman hindi na rin ako umasa na mabibigyan nila ng hustisya ang pagkamatay ng daddy ko.
Ilang beses ko pang kinumbinsi ang mommy na kami na lang ang magbigay ng hustisya sa pagkamatay ni daddy pero hindi rin siya nakinig sa akin.
Kung sino-sino pa ang nilapitan niya. Halos lahat ng malapit na kaibigan ni daddy ay nilapitan niya para tulungan kami, pero ni-isa sa kanila walang naglakas-loob.
Lahat sila takot na labanan ang mga Georgi.
Sabagay, sino ba namang hindi matatakot sa kanila, sila lang naman ang isa sa pinakamakapangyarihan na pamilya rito sa San Mateo.
Pero ibahin nila ako dahil kahit kailan, hindi ako natakot sa kanila.
And now that I’m all alone, what else do I have to fear if everything is gone from me?
Akala ko dadamayan ako ni mommy hanggang dulo pero pati siya ay iniwan ako. Parehas sila ni daddy na iniwan akong mag-isa.
Kung hindi ako naitago ni daddy sa closet no’ng gabing ‘yon ay baka wala na rin ako ngayon. At kung hindi ako ro’n nagtago ay hindi ko makikita ang lahat. Kung paano siya pahirapan at saktan ng mga hayop na Georgi na ‘yon.
Kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na gaganti ako. Pagbabayaran nila ang lahat ng ginawa nila.
Hindi ako papayag na ako lang ang nagdudusa. Kung silang lahat ay takot na takot na kalabanin ang pamilya na ‘yon, pwes ako hindi.
Hindi ako duwag kagaya nila.
People frequently have a propensity to become intensely driven in their pursuit of exacting revenge on others for a variety of reasons.
Bigla tuloy sumagi sa isip ko ‘yong mga sinabi sa akin ni Charlotte no’ng panahon na nabanggit ko sa kanya ang plano ko.
“Hindi magandang idea ang plano mo, Chan,” she said.
“Does it count as appropriate or impermissible retaliation if they hurt you for the wrong reasons and you intended to get even?” I said.
Kasi para sa akin walang mali sa naiisip ko. I just wanted to get back.
“Are the consequences of your revenge really worth it, and can you justify it? Baka nalilimutan mo na kung ano ba ang kaibahan ng paghihiganti sa hustisya. You can’t call it justice if you will put the law in your hands,” she added.
What can I do? Pera ang sinasamba ng karamihan. In this world, money is everything.
People only follow those in positions of wealth and power.
So, a person’s affection and respect from the public will increase as their wealth does. However, if you lack wealth and influence, all you will do is battle to survive.
That’s why people didn’t believe me. No one does, actually. I tried to reach out to them for help, but no one help me.
Kaya nga kahit anong pigil pa sa akin ni Charlotte that time ay hindi tumalab sa akin. Ano pa bang magagawa ko kung wala nang ibang makatutulong sa akin kung hindi ang sarili ko lang.
I’m only seventeen years old when I lost both my parents. I don’t have power nor money. I can only rely on my own hard work to survive in this cruel world.
Dahil din sa buo na ang desisyon ko ay wala na ring nagawa si Charlotte kung hindi ang suportahan ako sa desisyon ko. And I’m thankful for that.
Kung sakali man na hindi niya ako suportahan ay ayos lang din sa akin, I won’t force her naman.
At ngayon na nasimulan ko na ang lahat, wala nang makapipigil pa sa akin. It’s all or nothing.
Hindi ako papayag na mauwi lang sa wala ang pagkamatay ng mga magulang ko. Kaya naman sobrang pinaghandaan ko ang laban na ‘to.
Ilang taon ang ginugol ko para lang mangyari ang araw na ‘to kaya hindi ako papayag na masayang lang ang pinaghirapan ko.
Sisiguraduhin ko na ibabalik ko sa kanila ang sakit at hirap na pinaranas nila sa akin at sa pamilya ko. Hindi ko lang ibabalik, dodoblehin ko pa para mas madama nila lahat ng paghihirap ko.
I will make sure na sila na rin ang luluhod sa harapan ko.
Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para lang maging duwag at magpaapi sa kanila.
Kaya naman sulitin na nila ang masasayang araw nila dahil hindi rin magtatagal ay mabubura ang mga ngiti sa labi nila. Pinapangako ko na hindi na sila makakangiti pa kahit kailan.
Hindi ito ang magiging huling paghaharap namin dahil simula pa lang ‘to.
Ipapaalala ko sa kanila ang lahat kung sakali man na nakalimutan na nila. At kung sakali man na nakalimutan na nila ako ay muli kong ipapakilala ang sarili ko.
Hindi ako mapapagod na magpakilala hangga’t hindi tumatatak sa utak nila kung sino ba ako.