Chapter 26

1576 Words
Chapter 26 Madaling araw nang magising ako. Mag-isa lang ako sa kama kaya alam kong hindi pa natutulog si Chuck. Bumangon ako at pumasok sa banyo. Ilang minuto rin ang itinagal ko roon at nang lumabas ako ng banyo ay napansin kong wala pa rin si Chuck sa kama. Napailing na lang ako. Iniwan ko siya kanina sa living room matapos kong gamutin ang sugat niya. Tila wala siyang plano matulog. O, baka umiinom na naman siya ng alak. Lumabas ako ng kwarto dahil nag-aalala ako sa kaniya. Duguan ang mukha niya kanina bunga ng pag-aaway nila ni Fern. Natatakot rin ako sa isiping baka may sinabi sa kaniya ang huli patungkol sa akin pati na sa kompanya. Tsismoso pa naman ang isang iyon at palaging iniisip ang sarili. Oportunista si Fern at hindi na ako magtataka kung isang araw ay malaman ko na lang na nagkaroon siya ng share sa kompanya ni Chuck. Magaling siyang mam-blackmail at isa iyon sa mga ugali niya na hindi nagustuhan ng mga magulang ko noong nabubuhay pa sila. At hindi ko rin sila masisisi na hanggang sa mga huling araw nila sa mundo ay hindi nila nagawang patawarin si Fern. Nabungaran ko si Chuck na naroon pa rin sa living room. Nakaupo siya sa mahabang sopa at naroon sa ibabaw ng mesa ang bote ng alak katabi ang isang baso na may lamang ilang piraso ng ice cubes. "Madaling araw na pero umiinom ka pa rin, Chuck?" saad ko. Umupo ako sa tabi niya pero tila hindi man lang niya napansin ang presensiya ko. Patuloy siya sa pag-inom ng alak. Hahawakan ko na sana ang kaliwa niyang pisngi pero iniiwas niya iyon. "Titingnan ko lang ang pasa mo." Hindi na dumudugo ang kaliwang pisngi niya. Nawala na rin ang pamamaga dahil sa yelong inilagay ko kanina. Tanging pasa na lang ang naroon. "Galos lang 'to. Wala 'to kaya huwag kang mag-alala." Tinungga niya ang laman ng baso. "Ang alalahanin mo, ang lampa mong ex. Walang panama sa akin ang lintik na 'yon. Nagkapasa nga ako." Ngumisi siya. "Pero siya? Basag na basag ang mukha. Ano naman ang laban ng isang matandang kagaya niya sa isang kagaya ko? Nasa mid-twenties ako, samantalang siya?" Sumimsim muna siya ng alak saka sarkastikong ngumisi. "Mahina na ang matandang 'yon." Ipinagdiinan pa niya ang salitang matanda. Napailing na lang ako. "Chuck, why are you doing this? Bakit kailangan mong maglasing? Bakit kaila—" "Bakit kailangan kong gawin 'to?" utas niya. "Why don't you ask yourself, ha, Ligaya?" "Chuck...?" "Nagkakaganito ako dahil sa 'yo! Dahil hanggang ngayon ay hindi ko maramdaman kung ano ang totoong nararamdaman mo sa akin," mapait niyang tugon saka nang-uuyam ang tinging iginawad niya sa akin. Inilihis ko na lang ang aking paningin dahil unti-unti na siyang nagagalit. Gumalaw ang kaniyang panga saka pabagsak na inilapag sa mesa ang hawak na baso. Ibang-iba na siya sa Chuck na nakilala ko. Ngayon ko lang nakita ang ganitong ugali niya. "Chuck." Kukunin ko na sana ang bote ng alak sa mesita pero inilayo niya 'yon. "Marami ka ng nainom. Matulog ka na. Halika na." Muli niya akong tinitigan at sa pagkakataong iyon ay ramdam ko na tila gustong-gusto niya akong sumbatan ngunit nag-aalangan siya. "I never thought na aabot tayo sa ganito." Inihilamos niya ang kaliwang kamay sa mukha. "Gusto ko lang naman maging masaya kapiling ka, masama ba 'yon?" pautal-utal na saad niya at damang dama ko ang pait sa boses niya. "Chuck." Hinawakan ko ang braso niya. Hindi ko alam kung dala lang ng nainom niyang alak at tila nagdadrama siya. "What is this all about?" "Ikaw," walang kagatol-gatol niyang saad. Tumayo siya at pasuray-suray na naglalakad papunta sa kwarto. Kung hindi ako naging maagap ay baka bumagsak na siya sa sahig. "Tell me, Ligaya." Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at pilit akong iniharap sa kaniya nang makapasok na kami sa kwarto. "Do you really love me?" "Of course I love you. I wouldn't stay those words if I don't." Mababa lang ang pagkakasabi ko niyon dahil iniiwasan kong madagdagan ang inis niya. Pansin ko ang pagkuyom ng kaniyang mga kamao nang talikuran niya ako at sinuntok ang pader. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. "Damn!" sigaw niya at muli na namang sinuntok ang pader. "Why do I have to be like this!" Hindi ko magawang lumapit sa kaniya sa takot na baka saktan niya ako. Muli na namang bumalik sa alaala ko ang ganitong tagpo noong nagsasama pa kami ni Fern. Nakakatakot. Nasa ilalim siya ng impluwensiya ng alak at natatakot akong gawin rin niya ang ginawa ni Fern sa akin noon sa tuwing malalasing siya. "You are fooling me, Ligaya." Humarap siya at kahit tatlong dipa ang layo niya sa akin ay kitang-kita ko ang paggalaw ng panga niya. "I'm not," depensa ko pero sa mababang boses lang. Nanginginig ang tuhod ko sa tuwing magtatama ang mga mata namin. Matalim ang tinging ipinukol niya sa akin. Natatakot ako sa lalaking kaharap ko ngayon. "Yeah," sarkastikong saad ni Chuck nang ilang minuto ang dumaan. Namumungay na ang mga mata niya tanda na lasing na talaga siya. "You always say you love me, but you never show it. Hindi mo man aminin, pero nakakulong ka pa rin sa nakaraan. Mahal mo pa rin ang lintik na 'yon!" Tumaas na ang boses niya. "That's not true!" sigaw ko. Ganito ako kapag nakakaramdam ng sobrang takot . Bigla na lang tumataas ang boses ko kasabay ng panginginig ng buo kong katawan. "I have already moved on from my past." "I doubt it." Nagtagis ang mga bagang niya habang dahan-dahang papalapit sa akin. Mabilis niyang hinawakan ang magkabila kong balikat at inilapit ang mukha sa akin. "Ginamit mo lang ako," saad niya na puno ng hinanakit. "Ginawa mo akong panakip-butas para isipin ni Andy na kaya mong mabuhay nang wala siya. Pero ang totoo, sa mahigit sampung taon, si Andy pa rin ang laman ng puso mo. Siya lang at wala ng iba." Kitang-kita ko ang pagkalaglag ng mga luha niya sa pisngi. "Sinamantala mo ang pagmamahal ko sa 'yo, Ligaya." Halos pumiyok ang boses niya. Magkahalong awa at takot ang naramdaman ko nang makitang lumuluha siya. Awang-awa ako sa kaniya pero natatakot din ako dahil baka pisikal niya akong saktan kagaya ng ginawa ni Fern noon. "You are wrong, Chuck," bulong ko dahil mahigpit na ang pagkakahawak niya sa balikat ko. Natatakot ako na baka bigla na lang niya akong itulak o suntukin. "Mahal kita at iyon ang totoo." Magkadikit na ang mga noo namin kaya naramdaman ko ang luha niya na pumapatak sa aking dibdib. "Kung totoong mahal mo ako, then marry me. Kapag nagawa mo 'yon saka lang ako maniniwala sa 'yo," tila nanghahamon niyang saad. "Chuck...?" "See?" mabilis niyang tugon. Tila napansin niya ang pagkagulat sa mukha ko. "Wala ka talagang plano na pakasalan ako. Tama nga si Andy..." Binitiwan niya ang magkabila kong balikat saka kumuyom ang mga kamao niya. Sinalakay ako ng sobrang takot, nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan na itataas niya ang mga kamao. Unang rumehistro sa utak ko na balak niya akong suntukin kaya mabilis akong tumalikod at tumakbo papunta sa banyo at doon nagkulong. "Ligaya! Open the door!" sigaw niya mula sa labas at sunud-sunod na kumatok. Umupo ako sa sulok at doon nagsumiksik habang panay ang tulo ng luha ko. Hindi ko akalain na magagawa niya sa akin 'yon. Ang akala ko iba siya kay Fern pero tila magkasing-ugali sila sa tuwing malalasing nang sobra. Hindi ko ininda ang lamig ng tiles, humiga ako roon dahil hindi ko na makontrol ang panginginig ng katawan ko. Naghahalo na ang sobrang takot at galit na nararamdaman ko. Naririnig ko pa rin ang sigaw niya sa labas pero buo na desisyon kong huwag buksan ang pinto. Mas ligtas ako kung mananatili ako rito sa loob ng banyo. Pinilit kong kumalma at ipinikit ang aking mga mata pero pilit pa ring sumasagi sa utak ko ang nangyari sa Amerika. Pinahid ko na lang ang luhang nag-uunahang pumatak sa aking pisngi. Ayoko ng maulit ang nakaraan. Ayoko. *********** Nagising ako sa malambot na kama. Umaga na base sa liwanag na nagmumula sa labas ng bintanang salamin. Wala na rin ang lamig na naramdaman ko kaninang madaling araw dahil sa kumot na nakapulupot sa buong katawan ko. Bigla kong naalala ang nangyari kaninang madaling-araw. Sinalakay na naman ako ng matinding takot lalo na nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at makita kong pumasok si Chuck. Nakangiti siya habang papalapit sa akin. Awtomatikong bumangon ako at nagsumiksik sa headboard. "Don't go near me." Nakapulupot pa rin ang kumot sa buong katawan ko. Itinaas ko ang dalawa kong kamay para pigilan siya sa paglapit. "Don't..." "Sweetheart...?" Tila nagtatanong ang mga mata niya. "I won't hurt you." "You tried to hurt me. You tried to punch me," mahina kong saad. Niyakap ko ang dalawang tuhod ko at wala na namang patid ang pagtulo ng aking luha. "Sweetheart." Hinawakan niya ang nanginginig kong braso. "Hindi ko magagawa 'yon sa 'yo. I love you." Niyakap niya ako nang mahigpit at tila ayaw niya akong pakawalan. "I'm sorry for what happened." Inayos niya ang magulo kong buhok at hinalikan ang aking noo. "You scare me," saad ko mayamaya. Unti-unti ng kumakalma ang pakiramdam ko. Ayoko talagang nakakaramdam ng sobrang takot dahil bumabalik sa akin ang nakaraan. "I'm sorry. I won't do that again."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD