Chapter 29

2074 Words
Chapter 29 "Kumusta naman ang negosyo?" tanong ni Ninong Dante nang hindi inaalis ang paningin sa sariling plato. Kaming apat lang ang naroon sa komedor at dama ko na kinakabahan si Chuck. Hindi siya makakain nang maayos, pinagpapawisan siya gayong air conditioned naman ang mansiyon. Si Ninang Esme naman ay kanina pa pasulyap-sulyap sa akin na tila sinasabihan ako na intindihin na lang si ninong. "Ayos naman po, tito," nauutal na sagot ni Chuck. Nahagip ko ang pagngisi ni ninong. "I heard you are making millions on that company alone." "Yes, tito. And it's because of Tito Victor." "Of course," kaagad na wika ni ninong. Tumigil siya sa pagkain at diretsong tumingin sa gawi ni Chuck. "It's all because of him. Kung hindi dahil sa kaniya, wala ka sa kinalalagyan mo ngayon. You learned everything from him when it comes to business. You are so lucky." "Darling." Hinawakan ni Ninang Esme ang kamay ni ninong dahil tumaaas ang boses ng huli na parang nagngangalaiti sa galit. "Anyway, Elena, ilang buwan na ang baby girl n'yo?" Napangiti ako nang mabanggit si baby. "Eight months na po siya, ninang." Tulog si baby nang dumating kami kaya hindi pa siya nayayakap ni ninang. "Sobrang kulit na po dahil nag-iipin na." "Ay, gano'n talaga ang mga bata. Mabuti at hindi ka nahihirapan sa pag-aalalaga?" Lihim kong ikinatuwa ang pagtatanong ni ninang ng tungkol kay baby. Bukod sa hindi makasali si ninong sa usapan namin ay mababawasan ang tensiyon sa pagitan nila ni Chuck. "May yaya naman po siya. May night nanny rin po." "I heard nagtatrabaho ka na sa kompanya ng dad mo? Kailan ka pa nagsimulang magtrabaho roon?" "Two months pa lang ako roon, ninang kaya po nahihirapan pa ako mag-adjust. Isa pa, hindi tugma ang tinapos ko sa trabaho ko ngayon." "And you didn't even bother to help her, Chuck?" sabat ni ninong. "Bakit hindi na lang ikaw ang magpatakbo ng kompanyang iyon tutal alam mo naman ang pasikot-sikot ng lahat ng negosyo ni Victor?" Napalingon ako kay Chuck. Tila nagulat siya sa sinabi ni ninong. "I already told him about that, ninong but he declined. Hindi kasi kakayanin ng schedule niya, pero tinutulungan naman niya ako sa mga kontrata na hindi ko maintindihan." "Hindi kakayanin ng schedule," saad ni ninong at napailing-iling saka bumulong, "may oras nga mambabae." "Darling," saway ni ninang. "Don't be too harsh on him. Alam naman natin na dumadaan ngayon sa matinding pagsubok ang toy company ni Chuck." "Medyo maayos na ngayon ang toy company, ninang," saad ko saka nilingon si Chuck na kanina pa hindi makaimik. "How did you do it, Chuck? Nabalitaan namin ng Tito Dante mo na halos lahat ng empleyado, e, nag-rally." "As usual, tita they want a salary increase." "At ibinigay mo ang hinihingi nila?" tanong ni ninong na may halong pagkainis. "Ang yaman naman ng kompanya mo. Taon-taon yata nagtataas ang pasahod mo sa kanila." "No. Hindi po, tito," sagot ni Chuck sa mababang boses. "I didn't give them a salary increase. Instead I build a project that would benefit their families." "Yes, ninong," agaw ko sa iba pang sasabihin ni Chuck. "Isa iyong project na magbibigay ng tulong pinansiyal sa mga anak ng empleyado ng kompanya kapag tumuntong sila sa kolehiyo." Parang lumambot ang ekspresiyon ng mukha ni ninong sa sinabi kong iyon. Natapos ang tanghalian namin na puro pasaring lang ang natatanggap ni Chuck. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit parang wala lang iyon sa kaniya. Parang sanay na siya sa ganoong ugali ni ninong. "Pagpasensiyahan mo na ang ninong mo, hija," saad ni ninang nang paakyat na kami sa hagdaan. Nasa guest room kasi si baby dahil tulog nang dumating kami. "Kahit ako ay nagtataka kung bakit nag-iba ang pakikitungo ni Dante kay Chuck. Close na close sila noon kahit sumakabilang buhay na ang dad mo." "It's probably because of me," mahina kong saad. "No, no. Don't blame yourself, hija. Hindi mo naman ginusto ang nangyari." Gising na si baby nang pumasok kami sa guest room. Kalaro niya ang katulong subalit nang makita ako ay bigla lang umiyak at akmang bababa sa kama. "Kamukhang- kamukha siya ni Chuck, hija," komento ni ninang at kinarga si baby. Ngumiti lang ako. Halos lahat talaga ng makakita kay baby ay laging si Chuck ang sinasabi nilang kamukha. "What's her name?" "Charlen. Charlen Joy." "She's so pretty." Nanggigigil na pinisil ni ninang ang magkabilang pisngi ni baby at hinalikan sa noo. "Do you know, baby that you have the most wonderful dad? You are so lucky at si Chuck ang naging ama mo." Lumabas na ang katulong kaya umupo ako sa gilid ng kama. Marami akong gustong itanong kay ninang tungkol kay Chuck. May kutob akong may alam siya kung bakit hindi ipinakilala ni dad si Chuck sa akin. "Siguro kailangan ko ng maniwala sa destiny, hija," saad ni ninang maya-maya habang nakikipaglaro kay baby. "Ninang...?" Ngumiti siya. "Si Chuck. Matagal na naming alam na hinahanap ka niya and yet hindi niya alam na ang mga taong nakakahalubilo niya ay may malaking koneksiyon sa buhay mo." "I didn't get it." "Ganito kasi 'yon, hija. Si Chuck-" Tumigil siya sa pagsasalita dahil narinig namin ang pagtunog ng cellphone. "Wait here, hija. Sasagutin ko lang ang phone. Baka importante 'yon." Lumabas siya ng kwarto at tanaw ko ang pagpasok niya sa isa pang silid na sa palagay ko ay opisina dahil may office desk doon. Nang umiyak si baby ay napagpasyahan kong bumaba na para kunin ang gatas niya. Papalabas na kami ng kwarto nang ngumiti si baby. Titig na titig siya sa kwarto kung saan pumasok si ninang kaya bunga ng kuryusidad ay napatingin na rin ako roon. Nakatayo si ninang malapit sa bintana habang nakikipag-usap sa phone. "Pa-pa-pa-papa," wika ni baby at may itinuro sa pader. "What's that, baby?" "Pa-pa-pa-papa." Lumabas ang dalawang ngipin niya sa itaas nang ngumiti siya. Napangiti na rin ako. Ang cute-cute ng baby ko. Awtomatikong hinalikan ko siya sa pisngi dahil nanggigil ako sa pagngiti niya. "Pa-pa-pa-papa," muli na naman niyang saad na nakaturo pa rin sa pader. "What an amazing baby you are," saad ni ninang. Hindi ko namalayan na nasa harap na namin siya. Kinuha niya si baby mula sa pagkakakarga ko. "Come on, baby. You wanna see your father's picture?" Sumunod na rin ako sa kanila at doon ko lang nalaman na ang picture pala ni Chuck na nakasabit sa pader ang itinuturo ni baby. Kasama niya sa picture sina dad at ninong. Nakasuot ng polo shirt si dad at tila kagagaling lang sa paglalaro ng golf. Nakasuot naman ng fencing gear sina ninong at Chuck, hawak nila ang fencing mask. Nasa gitna si dad at nakaakbay sa kanila, nakangiti. "I didn't know that Chuck is into fencing," bulong ko. "When did this picture taken, ninang?" "I think three years ago. Napilitan lang diyan si Chuck dahil pinangakuan ng ninong mo." Tumawa siya. Umupo ako sa sopa dahil kanina pa gustong dumede ni baby. Nagulat si ninang nang tanggalin ko ang butones ng suot kong blouse. "Nagbe-breastfeed ka?" Tumango ako at inilapit ang bibig ni baby sa dibdib ko. Ilang sandali lang ang lumipas tahimik na siyang dumedede kaya wala ng istorbo sa pag-uusap namin ni ninang. "I really can't believe it. Kahit pala anong harang ang gawin sa dalawang tao, kung sila talaga ang itinadhana, sila at sila talaga." Ngumiti siya sa akin. "Saan ka niya nakita? Alam mo bang matagal ka na niyang hinahanap?" "Sa bar, ninang. The night of his graduation." Tumingin ako sa pader kung saan nakasabit ang picture nilang tatlo. Buhay na buhay ang ngiti roon ni dad. "Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit sa tagal ng pagkakakilala nila ni dad ay hindi ko man lang nakita si Chuck sa tuwing pupunta ako sa bahay. Naikuwento sa akin ni Chuck na tumira siya sa mansiyon." "Dahil 'yon ang gustong mangyari ni Victor," agad na sagot ni ninang. "That way malalaman niya lahat ng kilos ni Chuck. At sa tuwing dadalawin mo sila ay nagagawan niya agad ng paraan kaya hindi kayo nagpapang-abot. Either uutusan niya si Chuck na um-attend ng convention o kaya naman ay papupuntahin dito." Wala akong imik habang nakikinig kay ninang. Ngayon ko lang napagtanto na ayaw talaga ni dad kay Chuck. "Napaka-advance naman ni dad," komento ko. "Hindi pa kami nagkakakilala ni Chuck pero nagawa niyang huwag matagpo ang aming landas." Tumawa ako. "You are wrong, hija. Unang linggo pa lang ni Chuck dito sa Pilipinas nang dalawin niya ang mga magulang mo. Naroon din ang ninong mo at nag-inuman sila. Sa sobrang kalasingan ni Chuck ay hindi sinasadyang malaglag ang wallet niya. May nakita silang picture mo sa wallet niya. May caption pa 'yon sa likod kaya pinlano ni Victor na huwag kayong magkakilala." "Si dad talaga. Hindi ko talaga maisip kung bakit niya ginawa 'yon. Anyway, ninang alam n'yo po ba kung ano ang caption na nakalagay sa picture?" "I'm not sure, pero parang nakalagay doon na anuman ang mangyari ay hahanapin kita. Wait, hindi niya ba sa 'yo ipinakita?" Saka ko lang napagtanto na hindi ko nga pala pinakikialaman ang mga personal na gamit ni Chuck. Kahit ang wallet niya ay hindi ko man lang nasilip kung ano ang laman bukod sa pera at credit cards. Ilang minuto ang dumaan ay narinig namin ang boses ni ninong kaya niyaya ko na si ninang na bumaba. Tapos na rin si baby dumede na ngayon ay panay na naman ang ngiti. "How long do you plan to keep this, Chuck?" naulinigan kong saad ni ninong habang pababa kami sa hagdan. "Kung hindi pa tayo nagkita sa party, hindi namin malalaman?" "Ninong." Nagmamadali akong lumapit sa kanila nang makababa kami ng hagdan. Umupo ako sa tabi ni Chuck, si ninang naman ay tumabi kay ninong. Karga niya si baby pero nang makita ang ama ay nagsimula ng umiyak. "Oh my!" Napangiti si ninang. "Makaama ang batang ito. See, darling. Kamukhang-kamukha siya ni Chuck." Nabaling ang atensiyon ni ninong kay baby kaya tila nakahinga nang maluwag si Chuck. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan sina ninong at ninang kasama si baby. Kinarga ni ninong si baby saka tumayo. Parang nagtatampo siya sa mga sumunod niyang sinabi, "Nagkausap tayo sa phone last month, Chuck, pero hindi mo man lang sinabi ang tungkol sa inyo ni Elena. May anak na pala kayo, pero wala ka man lang nabanggit." "I'm sorry, tito. I didn't mean to keep this to you." Tiningnan nang matalim ni ninong si Chuck saka inutusan si ninang na ilabas muna si baby. Hinatid niya ng tanaw ang dalawa at nang tuluyan na silang mawala sa paningin namin ay muling lumingon si ninong sa gawi namin. Umiling-iling na naman siya saka bumuntong-hininga. "Hindi ko alam kung ano ang nakita mo sa lalaking 'yan, Elena. I suggest, hiwalayan mo ang lalaking 'yan dahil wala kang magandang kinabukasan sa kaniya." "Ninong...?" "Tito, no. You are wrong." Humigpit ang pagkakahawak ni Chuck sa kamay ko. "Then prove to me that I am wrong, Chuck!" sigaw niya. "Alam ba ni Elena na kaibigan mo ang dati niyang asawa? At alam din ba niya na may pending case ka sa America kaya hindi ka basta-basta makabalik doon?" "Tito...?" Hindi makapaniwala si Chuck sa narinig. Pansin ko ang pamumula ng mukha niya. Ngayon ko lang siya nakitang pinamulahan ng mukha, pero wala akong maapuhap na anumang galit. "You must be mistaken." "Again, prove it to me. Bago ko binigyan ng leksiyon ang gagong si Fernando, pina-imbestigahan ko muna siya pati na ang mga taong nakakasalamuha niya kaya bago ka pa umuwi ng Pilipinas alam ko na kung sino ka. Then, a day after you arrived, nakita mo lang sa mall itong si Elena, hindi ka na mapakali at nagkukumahog ka na hanapin siya?" Tumaas na ang boses ni ninong kaya alam kong galit na siya. "For what, Chuck? Para isama siya sa koleksiyon ng mga babaing niloko mo? D*mn!" Naalarma ako nang magmura siya. Hindi na talaga biro ang galit niya kay Chuck. "Ninong, he's not like that." "Tama ba ang naririnig ko, Elena? Anong alam mo sa lalaking 'yan? Kilala mo ba talaga siya? O, dahil sa apo siya ni Mrs. Sayes? Hindi ko masisisi si Victor na pigilang huwag magkurus ang landas ninyong dalawa." "But Tito Victor likes me," mahinang bulong ni Chuck na animo'y kinukumbinse ang sarili. Namumula na rin ang mga mata niya na tila anumang oras ay bubuhos ang masaganang luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD