Chapter 28

1798 Words
Chapter 28 "Magkikita pa tayo, Chuck!" pagalit na saad ni Ninong Dante nang ihatid kami sa labas ng mansiyon na pag-aari ni Bernard. Pulang-pula ang mukha niya sa sobrang galit at muling dinuro si Chuck. "At hindi ako mangingiming-" "Ninong, please," saway ko at pumagitna sa kanilang dalawa. "Tito, I can explain," protesta ni Chuck habang nakataas ang dalawang kamay na tila sumusuko. "Umalis na kayo, Elena." Tumingin si Ninong Dante sa bungad ng mansiyon. Palabas doon si Bernard at nagmamadaling lumapit sa amin. "D*mn! Umalis na kayo!" Siya na mismo ang nagbukas ng pinto ng kotse at sapilitan akong pinapasok. "Tito..." "D*mn you, Chuck!" singhal niya. "Kung ayaw mong magkagulo rito, umuwi na kayo ni Elena." Mabilis na tumalima si Chuck, ini-start niya ang kotse at pinaharurot iyon palayo. Nakita ko pa sa side mirror ang paglapit ni Bernard at tila mayroon silang hindi pinagkakasunduan ni Ninong Dante. Buong biyahe ay wala kaming imikan. Nakapokus ang atensiyon niya sa daan, samantalang ako ay balot pa rin ng takot dahil sa nangyari sa may balkonahe. Mabuti na lang at dumating si Ninong Dante kaya napigilan si Bernard sa gusto niyang gawin sa akin. Nagtaka ako nang dumating kami sa bahay dahil dumiretso si Chuck sa kwarto namin at hindi sa nursery. Tulog si baby kaya hindi na ako nagtagal pa roon, kailangan ko ng magbihis dahil nangangati ako sa suot ko. Nadatnan ko si Chuck sa banyo, nagsesepilyo habang nakakuyom ang kaliwang kamao. Mula sa pagkakatitig sa repleksiyon niya sa salamin ay napansin ko ang pamamaga ng kaliwa niyang pisngi. Hindi ko iyon napansin kanina dahil abala ang utak ko sa ginawang pambabastos sa akin ni Bernard. "What happened?" magkapanabay na tanong namin sa isa't isa. Napasabunot siya sa buhok habang nagtatagis ang magkabilang panga. "What happened to your face?" tanong ko nang hindi na siya umimik at panay na naman ang buntong-hininga na animo'y pinipigilan ang sarili na magalit sa harap ko. "Wala naman 'yan kanina. Si Ninong Dante ba ang may gawa niyan sa 'yo?" "Wala 'to." Hinaplos niya ang kaliwang pisngi. "So si Ninong Dante nga ang may gawa niyan sa 'yo?" muli kong tanong. Nagpanting ang tainga ko nang tumango siya. Mabilis akong lumabas ng banyo at kinuha ko ang cellphone para tawagan si ninong. Sumusobra na siya, hindi man lang niya isinaalang-alang ang presensiya ko at basta niya na lang ginawa iyon kay Chuck. "No need to call him, Sweetheart," pigil ni Chuck habang hinahanap ko ang pangalan ni ninong sa cellphone ko. "I understand him. Kung ako man ang nasa kalagayan niya, gano'n din ang gagawin ko. It's just that... pero hindi ko siya masisisi." Kinuha niya ang hawak kong cellphone saka umupo sa gilid ng kama. "Ano ba kasi ang nangyari, ha, Chuck?" Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya patagilid. "That's the exact question I want to ask you." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tinitigan ako. "Parang takot na takot si Tito Dante kanina at gustong-gusto niya tayong umalis sa party na iyon." "Chuck...?" Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kaniya ang nangyari. Ayokong magkagulo na naman dahil sa akin. Ayokong magkasira sila ng Bernard na iyon. "Hindi ko alam. Ayaw niya lang siguro na magtagal tayo roon." Pagkasabi ko niyon ay tumayo ako at lumabas ng kwarto para kumuha ng yelo sa kusina. Kailangang matapalan ang pasa niya. Iniutos ko na lang sa katulong ang pagkuha ng yelo kaya bumalik agad ako sa kuwarto pero laking gulat ko nang madatnang hawak pa rin ni Chuck ang cellphone ko. Naka-loudspeaker iyon at kung hindi ako nagkakamali ay si Ninong Dante ang kausap niya. "...umayos ka, Chuck! Huwag mong igaya ang inaanak ko sa mga babaing niloko mo." Iyon ang narinig ko bago pa maputol ang tawag na iyon. "Sweetheart...?" tanging nasambit niya. "Kanina ka pa ba riyan?" Tumango ako habang papalapit sa kaniya. "May ginawa ka kanina sa party? Bakit gano'n na lang ang pananalita niya sa 'yo? Bakit parang pinagbabantaan ka niya?" Natigilan siya sa mga tanong ko. Inihilamos niya ang kanang kamay at tila nagdadalawang-isip magsalita. "Ano ang nangyari, Chuck?" "Sweetheart..." Tumayo siya at tila gulong-gulo ang isip. Kunot na kunot ang noo niya at bahagya pang sinabunutan ang sarili kasabay ng mahinang pagmura. "Tatawagan ko na lang si ninong para alamin sa kaniya ang totoo." Dinampot ko ang cellphone sa ibabaw ng kama. "Lana kissed me," kaagad niyang sagot. Parang may patalim na bumaon sa dibdib ko nang marinig iyon. Mula sa pagkakatitig sa cellphone ay dumako ang paningin ko sa mukha niya. "I swear, Sweetheart," kandautal siya habang nagpapaliwanag. "Hindi ko iyon ginusto. Nagpunta ako sa study room para kausapin si Tito Bern, pero si Lana ang dumating. Palabas na sana ako pero dumating si Tito Dante at iyon ang nadatnan niya. Sweetheart, I swear I never cheated on you. Hindi ko iyon magagawa. I love you..." "Enough," pabulong kong saad at niyakap siya. Ngayon ko lang napagtanto ang nangyari. Ang mag-amang iyon ang may pakana ng lahat. Kaya pala kanina ay ayaw akong pasamahin ng waiter. "Naniniwala ka sa akin?" hindi makapaniwalang tanong ni Chuck nang kumalas ako ng yakap. "Of course naniniwala ako sa 'yo." Parang nakahinga siya nang maluwag. Ngumiti siya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Dati kasi katakot-takot na away muna bago ka maniwala sa akin." Titig na titig siya sa akin at tila may hinahanap sa mukha ko. ************* "Good morning," bati ni Clint nang dumulog sa mesa. Natigilan siya nang makita ang mukha ni Chuck. "'Nyare sa mukha mo, coach?" "Wala 'to, boy." Ibinaba ni Chuck ang binabasang diyaryo at uminom ng kape. "Nakaganti ka naman ba, ha, coach?" Tumawa si Clint. "Parang ang galing natin mag-advise pero hindi mai-apply sa sarili. Resbakan na natin." "Watch your language," magkapanabay na saad namin ni Chuck. "Sorry." "Good. Eat your breakfast, ihahatid ka namin ng mom mo." "Saturday ngayon, coach. Walang pasok." "Akala ko may game kayo ngayon?" "Meron nga pero darating si dad sa gym kaya bawal magpunta ro'n si mom." Tumigil sa pagnguya si Chuck nang marinig ang sinabi ni Clint. Tumingin siya sa akin at muling nilingon ang anak ko. Tila nagkakaintindihan sila base na rin sa mga tingin na iyon. "Okay then. Magpahatid ka na lang kay Kuya Ernie. May kailangan din akong puntahan ngayon." Uminom siya ng juice saka kinuha ang diyaryo. Nagsawalang-kibo na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Parang mas lalong lumala ang sitwasyon namin ngayon. Sa tuwing mababanggit ang pangalan ni Fern ay hindi na makausap nang matino si Chuck. Ang akala ko magkakaayos sila, kaming lahat at hayaan na ang nakaraan tutal may kaniya-kaniya na rin kaming buhay. Nakakainggit 'yong mga katrabaho ko noon sa Amerika dahil kahit divorce na sila ay magkakaibigan pa rin, naroon pa rin ang respeto sa isa't isa. "I have to go, mom." Humalik si Clint sa pisngi kaya natigil ang pagbabalik-tanaw ko sa nakaraan. "T-take care." Tinapik ko ang balikat niya. "Bye, coach." Nakipagbungguan siya ng kamao kay Chuck. "Re-resbak tayo mamaya pagdating ko." "Language, boy," tila napipilitang wika ni Chuck ngunit nakalayo na si Clint kaya napailing-iling na lang siya at ibinalik ang paningin sa hawak na diyaryo. "Papasok ka sa office ngayon?" tanong ko dahil ilang minuto na ang dumaan ay wala pa rin siyang imik. Para akong poste na nakaharap sa kaniya. Naroong kumunot ang noo niya habang nagbabasa. "You did not tell me what happened at the party." Ibinaba niya ang hawak na diyaryo at napansin ko ang pagkuyom ng kamao niya nang tumitig sa akin. "Why?" "I..." Mahinahon pa rin ang boses niya nang muling magsalita. "That bastard kissed you at hindi ko mapapalagpas 'yon. Magbabayad siya." "Ayokong masira ang magandang samahan n'yo kaya hindi ko na sinabi. Isa pa-" "Do you think maganda talaga ang samahan namin, Sweetheart? Pinakikisamahan ko lang siya dahil kay Tito Victor pero nawala ang respeto ko sa kaniya sa ginawa niya kagabi." Nahagip ng paningin ko ang paggalaw ng panga niya. "Hindi niya alam kung sino ang kinakalaban niya." "Si dad," saad ko dahil nakaramdam na naman ako ng kalungkutan nang mabanggit ang pangalan niya. "Matagal na silang magkakilala ni dad?" "Matagal-tagal na rin. Hindi naman sila magkaibigan pero hindi rin magkaaway." Nagsisisi ako sa hindi ko pagsunod kay dad. Siguro kung nagtrabaho ako kaagad sa kompanya ay hindi ganito ang magiging impresyon sa akin ng mga tao. Siguro makikilala ako bilang anak ni dad at hindi isang social climber na dikit nang dikit kay Chuck. "Tumawag kanina si Tita Esme. Tito Dante wants to talk to us today." Napamaang ako. "Ako na lang ang pupunta. I don't want you to get hurt. Kilala ko si ninong." Napangiti siya. "At baka bugbugin din ako ni Tito Dante kagaya ng ginawa niya sa ex mo?" "How did you know?" "Tita Esme told me. Binalaan niya rin ako, but I don't care." "Chuck..." Ako ang natatakot para sa kaniya. Bumuntong-hininga siya saka hinawakan ang kamay ko. "I'm a little bit nervous, Sweetheart. It's like meeting with your parents." Tumawa siya pero pansin kong kinakabahan talaga siya dahil malamig ang kamay niya at nanginginig iyon. "I can handle this, Chuck. Ako na lang ang pupunta. You are not yet ready to-" "No. We'll do this together. I don't want to disappoint them." Tumayo na lang ako at niyakap siya. May paninindigan talaga ang lalaking ito. Matapos mag-almusal ay umakyat na ako para paliguan si baby. Isasama namin siya para makilala siya nina ninong at ninang. Sana lang hindi sila magulat kapag nalaman nila na may anak na kami. Aligaga ako sa pag-aasikaso kay baby nang pumasok si Chuck sa nursery dala ang ilang piraso ng damit. Pilit niya iyong ipinapakita sa akin pero dahil binibihisan ko si baby ay hindi ko siya magawang lingunin. "Sweetheart, alin ang mas bagay sa akin? Navy blue o itong puting dress shirt?" "Dress shirt?" tanong ko matapos ibutones ang damit ni baby. "Lunch date 'yon, Chuck. No need to be formal. Sa bahay ni ninong ang punta natin at hindi sa kung saang five star restaurant." "It's a big deal for me. They are your second parents, so as much as possible I want to impress them." Inirapan ko siya. "As if naman ngayon mo pa lang sila makikilala. Noon pa kayo magkakilala, di ba?" Kinarga ko si baby at inilagay sa crib. Binigyan ko siya ng laruan para hindi umiyak. "Sweetheart." Hinawakan niya ang magkabila kong siko. Dama ko ang pamamawis ng kamay niya. Parang gusto kong tumawa dahil nate-tense talaga siya. "Relax, Chuck," wika ko para mapanatag ang loob niya. "Hindi naman nangangain ng tao si ninong." "I can't help it." Muli na naman siyang bumuntong-hininga. "I hope matanggap niya ako, Sweetheart." "Of course matatanggap ka niya, Chuck," tanging nasabi ko para mawala ang pag-aalala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD