Chapter 30
"Ano 'to, Elena? Isa na namang Fern na magbibigay sakit ng ulo sa pamilya natin?"
Nakauwi na kami sa bahay pero ang mga salitang iyon ni ninong ang hindi maalis sa utak ko. Parang siguradong-sigurado siya na kagaya ni Fern si Chuck. Hindi ko naman magawang sagutin siya dahil ayokong lumabas na walang respeto.
Higit pa sa magkapatid ang turingan nina dad at ninong. Sila ni ninang ang tumayong pangalawa kong magulang. Sa kanila ko nasasabi ang lahat ng mga bagay na hindi ko masabi sa mga magulang ko.
"Ang laki ng galit sa akin ni Tito Dante." Nakaupo si Chuck sa sopa, nasa likod ng ulo niya ang magkabila niyang kamay. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa itaas.
"Ang sabi ni ninang, close na close kayo ni ninong noon." Tumabi ako sa kaniya at tumingala para makita kung ano ang tinititigan niya sa itaas.
"Uhm. Para kaming tropa nina Tito Dante at Tito Victor noon."
"I've seen your picture. Naroon sa opisina ni ninong, kayong tatlo ni dad. I never thought you were into fencing." Nilingon ko siya at nahagip ko ang kaniyang pagngiti.
"I'm not. Gusto ko lang pakisamahan si Tito Dante. If you may ask kung naglalaro rin ako ng golf-"
"May picture din kayo ni dad. Nakita ko sa opisina niya sa kompanya."
Humugot siya nang malalim na hininga. "I was just wondering kung paano nagawa ni Tito Victor na huwag tayong magkakilala. Ni minsan hindi ko naman nasabi sa kanila ang tungkol sa 'yo."
"Sabi ni ninang nalasing ka no'ng minsang dinalaw mo sina dad at nalaglag daw ang wallet mo. Doon daw nila nakita ang picture ko."
Umayos siya ng upo at mabilis na dinukot ang wallet sa bulsa ng suot niyang pantalon. Mula roon ay inilabas niya ang dalawang picture. Una ay ang solo picture ko. Stolen shot iyon at kita sa background ang nakahilerang mga laruan. Pangalawa ay picture naming dalawa kasama sina Clint at baby. Kinunan ang picture na iyon noong second month birthday ni baby. Hawak ko si baby, nakayakap sa akin si Chuck at nasa likurang bahagi namin si Clint.
"These are my treasures," nakangiti niyang sabi habang nakatitig sa dalawang picture. "You were so innocent here. Hindi mo alam na kinukuhanan ka ng picture."
Kinuha ko ang solo picture ko at tiningnan ang likod niyon. Binasa ko ang nakasulat:
'I may not know your name but I'll see to it that you'll be mine soon. I'm gonna keep searching for you. I love you.'
"You're really obsessed," komento ko.
"No. I'm in love." Kinabig niya ako payakap at kinintalan ng halik sa sentido. "We've come this far, Sweetheart. Please don't give up."
Hindi na ako sumagot bagkus ay niyakap ko na lang siya. Ramdam ko ang problemang dinadala niya. Kilala ko si ninong, mapagtanim siya ng galit.
"'Yong tungkol sa pending case na sinasabi ni tito-"
"Shhh. You don't need to explain."
"You need to know. Close na ang kaso na 'yon. Actually wala naman talaga akong kinalaman doon, e. Na-frame up lang ako."
"Mabuti at tapos na 'yon."
"Yeah. Last month lang naisara ang kaso. Gusto mong malaman kung bakit taon ang itinagal ng kaso na 'yon?" tanong niya na para bang tinatantiya ang magiging reaksiyon ko sa isisiwalat niya.
"You don't have to. Nakaraan mo na 'yon. Tapos na."
Muli na naman siyang humugot nang malalim na hininga. "Kayla and Andy. Sila ang nag-witness na wala akong kinalaman sa krimen na 'yon."
Agad akong tumingin sa mukha niya dahil nagulat ako sa sinambit niyang mga pangalan. "What? Why? Paano mo sila nakumbinse?"
"I'm sorry kung hindi ko ipinaalam sa 'yo, pero nakipagkasundo sila sa akin. Remember when Clint got kidnapped? I filed a case against them. Ilang buwan ding gumulong ang kaso."
"What happened?"
"They are running out of money. Alam mo naman ang batas dito sa Pilipinas. Mahal kumuha ng abogado and they can't afford it. Alam nilang matatalo sila kaya pinakiusapan nila akong iurong ko na ang demanda kapalit ng paglilinis nila sa pangalan ko sa Amerika."
"At umoo ka sa kanila?"
"Uhmm. I hope you don't get mad at me."
"Kaya hanggang ngayon ay malaya si Kayla. Hindi rin sila umalis sa Faulker Industries."
"Isa 'yon sa mga demand nila," mahinang saad niya. "Hinayaan ko na lang. Hindi ko rin naman maasikaso ang kompanyang 'yon. Wala rin naman akong masasabi sa pamamalakad ni Andy sa kompanya."
"I can't believe this..." nangigipuspos kong sabi at tumingin sa mga mata niya. "Ang dami naman 'ata nilang demand."
Iniiwas niya ang paningin sa akin saka kumuyom ang mga kamao. "It's okay."
"Demonyo si Fern. Hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa utak no'n," saad ko.
"I'm sorry. I have no choice." Muli siyang sumandal sa sopa at ipinikit ang mga mata.
Napailing na lang ako. Kung alam lang niya na napakarumi maglaro ni Fern.
"Please try to understand me, Sweetheart." Nakapikit pa rin ang mga mata niya.
"Sa susunod na annual meeting, hindi na ako papayag na siya pa rin ang maging CEO ng kompanya," bulong ko at akmang tatayo na pero mabilis na hinawakan ni Chuck ang braso ko.
"Hayaan mo na siya. Hangga't wala siyang ginagawang masama sa kompanya."
"What?" Napaawang ang labi ko. "Hahayaan mo ang kompanya sa pamamahala ni Fern? Are you crazy, Chuck? Kaya ba walang naganap na election ngayong taon?"
Iminulat niya ang mga mata. "Sweetheart, please? I know what I'm doing. Isa siya sa asset ng kompanya. His brilliant when it comes to business."
Napamura ako. "May mas magaling pa sa kaniya. Hindi siya nararapat sa posisyong iyon."
"Don't worry, si Mamita pa rin ang chairman ng Faulker Industries.
"Pero, Chuck-"
"Okay," kaagad niyang saad na tila nawawalan na ng pasensiya. Hinilot niya ang sentido at tumingin sa akin. "Let me explain it, Sweetheart. Hinayaan ko si Andy na magtrabaho sa Faulker Industries para hindi siya bumalik sa Magtibay Group of Companies."
"Hindi naman talaga siya makakabalik sa kompanya. Hindi ako papayag."
"Really?" Tumaas ang kilay niya. "Who told you?" Inihilamos niya ang kanang kamay at gigil na gigil na nagsalita. "If my memory serves me right, Mr. Nolan is still the chairman of the board."
"Yeah. Si Mr. Nolan nga ang chairman ng board." Naalala ko ang matandang iyon, kasing edad lang siya ni Mamita at siya ang pumalit kay dad bilang chairman ng kompanya. Hindi ko siya kasundo dahil marami siyang napupuna sa trabaho ko.
"If I'm not mistaken, that pathetic corporate lawyer did her best para iupong chairman ang hukluban na 'yon."
"Chuck..."
Humugot siya nang malalim na hininga. "Lintik na Irma na 'yon!"
"Pinagkakatiwalaan siya ni dad, Chuck at alam kong wala siyang masamang intensiyon sa kompanya. In fact malaki ang shares niya-"
"What? Papaano nangyari 'yon?" Muli niyang hinilot ang sentido. "Corporate lawyer lang siya. Papaano siya nagkaroon ng shares sa kompanya? Sinong nauto niya na magbenta ng shares ng kompanya n'yo?" Kumuyom ang kamao niya saka bumulong, "Damn that lawyer."
"I think it's Mr. Nolan."
"Andy and Mr. Nolan knew each other. Malaki ang utang na loob ng hukluban na 'yon kay Andy kaya hindi malabong ipasok siya sa kompanya."
"I am the sole heir at hindi ako papayag, Chuck."
"As I've said, CEO ka lang. Hindi mo hawak ang chairmanship. Wala akong tiwala sa Mr. Nolan na 'yon. Anumang oras maaari ka na nilang tanggalin sa posisyon lalo na kung patuloy ang bentahan ng shares."
Para akong pinanghinaan ng loob sa sinabi niyang iyon.
"You need to take the chairmanship, Sweetheart. Mawawala ang lahat ng pinagpaguran ni Tito Victor kung mananatili sa posisyon ang matandang 'yon."
"Bakit ba kasi ayaw mong tanggapin ang trabaho sa kompanya? Para hindi ka na nag-aalala at hindi ako namomroblema ng ganito."
Ngumiti siya nang pilit. "I have my own pride, Sweetheart. Ayokong isipin ng mga tao na isa akong oportunista. That company worth billions compared to my company. But don't worry, I'll help you in any way I can." Hinawakan niya ang kamay ko. "Alam mo kung ako lang ang masusunod, hindi kita hahayaang magtrabaho. Just be cautious, Sweetheart lalo na sa Mr. Nolan na 'yon."
"I will. Thank you."
"Ayokong isipin ng mga tao na ang kompanya ang habol ko sa 'yo."
________________
Kinaumagahan ay nagimbal ako nang mabasa sa diyaryo ang balita tungkol kay Bernard. Naroon ang larawan niya, basag ang ilong at dumudugo ang kanang pisngi pati na ang labi. Palagay ko ay alam ko na kung sino ang gumawa no'n kay Bernard. Narito lang sa pamamahay namin ang salarin.
"So how's your game, boy?" masiglang wika ni Chuck habang kumakain. Maganda ang mood niya, tila walang pinagdadaanang problema.
"Talo, coach. Bano kasi 'yong pumalit sa 'yo, e."
"That's okay. Hindi sa lahat ng pagkakataon, e, panalo kayo. Just do your best next time."
"We did our best, coach. Sadya lang talaga na bano ang coach namin ngayon. Bakit ba kasi hindi ka bumalik? Mas okay kung hanggang ngayon, e, ikaw pa rin ang coach namin."
Tumawa si Chuck. "Don't worry, kapag may oras manonood ako ng practice game n'yo. Marami lang talaga akong kailangang asikasuhin sa kompanya."
"He's going to work for dad's company, Clint," sabat ko na ikinagulat ni Chuck.
"Talaga, coach? That's nice."
Nilingon niya ako. "Sweetheart? We already talked about this."
Napangiti na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Si Clint naman ay patuloy ang pangungulit kay Chuck na maglaro ng basketball.
"Hindi mo ba dadalawin ang dad mo, boy?"
"What? Seryoso ka, coach? Pagkatapos niyang mag-walk out sa kalagitnaan ng game kahapon."
"What happened?" pasimple kong tanong.
"Halftime break nang lumabas si dad ng gym. Hindi man lang nagpaalam sa akin, e, naroon lang ako nakaupo sa bench. He promised he'd stay until the game ends."
"He's working at Faulker Industries," saad ni Chuck. "Baka may biglaang meeting."
"Biglaang meeting with Tita Irma?"
"Irma?" ulit ko.
"Yes, mom. Hinabol ko siya palabas at nakita kong magkasama sila ni Tita Irma."
Nabitawan ni Chuck ang hawak na tinidor at napatingin sa akin. Tila ipinahihiwatig ng mga tingin na 'yon na may kakaiba sa dalawang iyon.
"At hindi na siya bumalik pa sa loob ng gym," patuloy pa ni Clint. "Mabuti na lang at kasama ko sina Kuya Ernie at yaya."
"Did he call you?"
"No, coach. Kaya wala na akong planong puntahan siya. Maglalaro na lang ako ng baskestball maghapon kaysa magpunta sa boring niyang condo."
"Well," ngumiti si Chuck. "Tutal linggo naman ngayon, punta tayo sa gym."
"Talaga, coach?" Ngiting-ngiti si Clint nang sabihin iyon. "Sasamahan mo ako?"
"One versus one, boy. Tingnan natin kung hanggang saan ang in-improve mo sa paglalaro ng basketball." Uminom si Chuck ng tubig saka mabilis na kinuha ang diyaryo at itinupi iyon. Marahil ay napansin niya na kanina pa ako nakatingin doon.
"What about you, mom? Sasama ba kayo ni baby sa amin ni coach?"
Awtomatiko akong tumango kaya tuwang-tuwa si Clint. Si Chuck naman ay tumayo na at kinuha si baby mula sa pagkakakarga ni yaya.
"We're going to the gym, baby but you need to eat first." Hinila ni Chuck ang high chair at doon pinaupo si Charlene saka nagsimula ng subuan ng cerelac.
"Marami bang naglalaro doon kapag ganitong linggo, anak?"
"Yes, mom. Kadalasan mga babaing mahaharot. Kasali yata ang mga 'yon sa fans club ni coach."
"Oops! Foul na 'yan, boy, ah. Baka maniwala ang mom mo," depensa ni Chuck at nilingon ako. "Huwag kang maniwala diyan, Sweetheart. Siya ang chini-cheer ng mga 'yon, hindi ako."
Napangiti ako sa batuhan nila ng salita. Magkasundo talaga silang dalawa.
"Binata na talaga ang baby ko. Do you have a girlfriend already, baby?"
Nangunot ang noo ni Clint. "Yuck, mom! I told you hindi na ako baby. Stop calling me baby."
Humalakhak si Chuck. "So you're not a baby anymore, boy. Now tell us, do you have a girlfriend already?"
Pumormal ang mukha ni Clint. "Girlfriend? I..." nauutal niyang sagot kaya hindi matigil sa paghalakhak si Chuck.
"'Yon ba 'yong blonde na kausap mo no'ng sinundo kita sa school? Tsinita at-"
"Stop that, coach," agad na wika ni Clint. Tawang-tawa naman si Chuck.