Chapter 33

2554 Words
Chapter 33 Ilang araw na ang nakakaraan simula nang mag-usap kami ni Chuck tungkol sa kasal. Waring hindi talaga siya naniwala na gusto ko ngang matuloy ang kasal. Minsan na lang kami mag-usap, hindi niya na rin ako hinahatid-sundo sa opisina. Parang bigla-bigla ay nanlamig ang pakikitungo niya sa akin. Oo, magkasama kami sa iisang kwarto pero hindi ko madama ang dating Chuck na sobra-sobra ang pagmamahal sa akin. "Ma'am," saad ni Margie nang pumasok sa opisina ko. "It's almost eleven o'clock." "Thanks, Margie. Please cancel my appointments this afternoon." Hindi na siya nagtanong kaya muli kong itinuon ang paningin sa dokumentong kanina ko pa binabasa. Nang mapirmahan ko na ay ibinalik ko iyon sa drawer at naghanda na sa pag-alis. Half day lang ako ngayon dahil may kailangan akong asikasuhin. Pababa na ako sa lobby nang makasabay ko sa elevator si Mr. Mallari. "Ma'am, naroon na po siya sa restaurant," saad niya. "What's the name of his company?" "MB Textile, Ma'am. Supplier po sila ng tela ng halos lahat ng sewing company dito sa siyudad. Kagaya ni Chuck mayroon din siyang toy company." May iniabot siya sa aking folder. "Ito po ang profile ng kompanyang iyon." "Thank you," saad ko. Nakababa na kami sa lobby kaya hindi ko na nagawa pang tingnan ang laman ng folder dahil tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong sinagot matapos sabihan si Mr. Mallari na sa restaurant na lang kami magkita. "Chuck?" saad ko sa kabilang linya. "Just checking on you," walang kabuhay-buhay niyang sagot. "May dadaluhan akong party mamaya. I want you to come with me." "Sure." Matapos kong sabihin iyon ay tinapos na niya ang tawag. Para akong nanghina sa ginawa niya. Ilang araw pa lang ang nakakaraan pero tila ang tabang na ng pagsasama namin. Sumakay na lang ako sa kotse at nagpahatid kay Kuya Ernie sa restaurant kung saan ko imi-meet ang negosyanteng inirekomenda ni Mr. Mallari. Nitong mga nakaraang araw ay panay ang paghahanap ko ng mga kompanyang nagbebenta ng shares. Ito na lang kasi ang naiisip kong paraan para lumago ang perang naipon ko. Mag-i-invest na lang ako sa mga malalaking kompanya, bibili ng shares nang sa gano'n ay ma-secure ko ang kinabukasan ni Clint. Tuluyan ko na kasing kinalimutan ang mamanahin ko kapalit ng pagpapakasal ko kay Chuck. Alam kong hindi papayag si Irma sa desisyon kong ito pero wala na akong pakialam tutal sa charity naman mapupunta ang pinaghirapan nina mom at dad. Nag-retouch muna ako ng make-up nang malapit na ako sa restaurant. Sana lang ay magkasundo kami ng businessman na iyon kagaya ng iba pang negosyanteng inirekomenda ni Mr. Mallari. Naroon na rin si Mr. Mallari sa labas ng restaurant at naghihintay sa pagdating ko. Bumaba na ako ng kotse at pumasok na sa loob. "Dito po tayo, Ma'am," saad niya. "Kanina pa po siya nandito at kayo na lang po ang hinihintay." Napakunot-noo ako. Alas onse y medya pa lang. Alas dose ang napagkasunduang oras. "Are we late, Mr. Mallari?" Hindi ko mapigilang itaas ang kanang kilay ko. "No, Ma'am. I had a hunch that the owner of MB Textile is really in need of an investor. Kilala ko po ang taong 'yon. Hindi 'yon magkukumahog na maghanap ng investor kung hindi naghihingalo ang kompanya niya." Lalong tumaas ang kilay ko. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung mag-iinvest pa ako sa MB Textile dahil sa mga narinig ko sa kaniya. Parang nawalan ako ng lakas ng loob na maglabas ng pera dahil tila hindi matatag ang kompanyang iyon. Ayokong mamuhunan kung hindi ko naman mababawi ang perang bibitawan ko kung sakali. Sa panahon ngayon ay kailangan maging matalino pagdating sa pera. Hindi ko mapigilang punahin ang kaayusan ng lugar. Siguro kung ire-rate ko ang restaurant ay bibigyan ko ng three star. Maayos naman siya kung kalinisan ang pagtutuunan ng pansin. Mayroong mangilan-ngilang parokyano na sa tingin ko ay nabibilang sa middle class. Magalang ang mga waiter pero kung ako ang pipili ng lugar para i-meet ang isang investor ay hindi sa ganitong uri ng restaurant. Mainit ang lugar na ito at hindi makakapag-usap nang maayos dahil halos dikit-dikit ang mesa na kulang na lang ay magbungguan ang sandalan ng mga upuan. Nababagay ang restaurant na ito sa mga magkakaibigan o kaya naman ay pamilya na gustong kumain sa labas. Ayon kay Mr. Mallari ay isang tinitingalang negosyante ang may-ari ng MB Textile. Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit dito pa siya nakipag-meet sa restaurant na ito. Ang cheap lang tingnan at hindi nababagay kung gusto mo talagang i-impress ang isang investor. Napa-aray ako nang mabangga ako ng isang parokyano na tila papalabas na ng restaurant. Kaagad naman siyang humingi ng sorry at nang masigurong maayos naman ako ay lumabas na. Hinawakan ko ang kaliwa kong braso na nasagi nang may kumaway sa di kalayuan. Napasunod na lang ako kay Mr. Mallari at sumulak ang galit ko nang mapagsino ang lalaking iyon. "Mr. McBride," masayang saad ni Mr. Mallari nang makalapit na kami. Shit talaga! Hindi ko lubos maisip na ang lalaking ka-meeting ko ay walang iba kundi ang manyak na ama ng malanding si Lana. "Mr. Mallari," tugon nito at sarkastikong tumingin sa gawi ko matapos makipagkamay kay Mr. Mallari. "Another flavor of the month? Nice choice." Napahawak ako sa sandalan ng upuan dahil tila nagdilim ang paningin ko lalo na nang humalakhak si Bernard. Ilang minuto rin akong hindi makaimik sa sobra kong pagkagulat. Napatingin sa gawi ko si Mr. Mallari, nasa mga mata niya ang paghingi ng paumanhin. "I'm sorry, ma'am," saad niya saka muling nilingon si Bernard. "Watch your language, Mr. McBride. Do not disrespect this lady in front of us or else you are going to regret it." "Mallari, hindi mo ba kilala ang babaing ito? Huwag mong sabihing pinagsawaan na siya ng kaibigan mong si Chuck at sa 'yo naman kumakapit?" Nanginig ang buong katawan ko sa galit nang marinig ko iyon. D*mn! Ano ang akala niya sa akin babaing bayaran? Susugurin ko na sana siya para sampalin pero pinigilan ako ni Mr. Mallari. "I presume you really don't know her, Mr. McBride, am I right?" Dama ko ang galit sa boses niya. "Malaki ho ang respeto ko sa inyo pero kung pagsasalitaan ninyo nang ganyan ang boss ko, ibang usapan na 'yon. Baka magsisi ka kapag nagsialisan na ang mga investor sa kompanya mo?" "Are you threatening me, Mallari? Dahil lang sa babaing ito? Ano ba ang nakita ninyong dalawa ni Chuck sa kaniya? She's nothing, she's a social climber." Nakipagsukatan na ng tingin si Mr. Mallari. Si Bernard ay nakangisi na tila nang-iinsulto. Hindi pa rin ako makapagsalita. "She is a decent woman," mahinang saad ni Mr. Mallari matapos hablutin ang necktie ni Bernard. "And for your information, she is my boss. The only daughter of Don Victor Magtibay and the new CEO of Magtibay Group of Companies. She's willing to help your company, but I doubt kung gagawin niya pa 'yon sa sama ng ugali mo." Pasalya niyang binitawan ang necktie kaya muntik ng mabuwal si Bernard na bigla na lang kumunot ang noo. "Ngayon alam ko na kung bakit hindi pa man napa-finalize ang merging ng kompanya ninyo ni Chuck, ay bigla ka na lang niyang binitiwan," patuloy pa ni Mr. Mallari. "Dahil wala kang respeto." "I think I have to go." 'Yon ang namutawi sa bibig ko matapos ang ilang minuto. "Mr. Mallari is right. I've change my mind. I don't wanna invest in your dying company anymore." Sinikap kong ngumiti nang nakakainsulto at sa sulok ng aking mga mata ay nakita kong ngumisi si Mr. Mallari. "Good luck to you and to your company." Tumalikod na ako para lumabas ng restaurant ngunit muli ko silang hinarap saka lumapit kay Bernard na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapagsalita. "I think I forgot something," saad ko. Itinaas ko ang kanang kamao ko at mabilis kong sinuntok ang kaliwang panga ni Bernard. Tila napalakas ang pagkakasuntok ko dahil napahawak siya sa gilid ng mesa. "I told you before, Bernard, may araw ka rin at ito na 'yon." Pagkasabi ko niyon ay patakbo akong lumabas ng restaurant habang hindi pa nakakabawi sa pagkabigla ang manyak na 'yon. Narinig ko pa ang sigawan ng mga tao, ang iba naman ay pumapakpak pa na parang may nagawa akong kabutihan sa kanila. Mabilis akong sumakay ng kotse at inutusan si Kuya Ernie na paandarin na iyon subalit napansin ko ang paglabas ni Mr. Mallari sa restaurant at patakbong tinungo ang kinalululanan kong kotse. Binuksan ko ang bintana dahil tila may gusto siyang sabihin. "I'm sorry, Ma'am. Hindi ko akalain na gano'n ang mangyayari. Pasensiya na po." "It's okay, Mr. Mallari. Hindi mo naman kasalanan ang nangyari." Ngumiti ako para mapanatag ang loob niya. "Maraming salamat sa mga tulong mo sa akin. I really appreciate it." "Wala po 'yon, Ma'am." Nakita kong papalabas na ng restaurant si Bernard kaya nagpaalam na ako kay Mr. Mallari. Lihim akong napapangiti habang pauwi na sa bahay. Parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko dahil nakaganti na ako sa mga pang-aalipusta ng matandang manyak na 'yon. Ganito pala ang pakiramdam kapag nakawala ang galit na matagal mo ng kinikimkim. "Narito na po tayo, Ma'am," dinig kong saad ni Kuya Ernie. "Thank you, Kuya Ernie." Nang makababa ako ay siya namang paglabas ni yaya. Sinalubong niya ako at kinuha ang bag ko pati na ang ilang folder na hawak ko. "Salamat, yaya. Si baby?" "Tulog po, Ma'am." Tumango lang ako at umupo sa sopa. Ipinatong ko ang aking mga paa sa mesa dahil ramdam kong sumasakit iyon. Sayang wala si Chuck. Nami-miss ko ang dati niyang ginagawa kapag ganitong sumasakit ang paa ko. Tinanggal ko na lang ang suot kong blazer at sumandal sa sopa. Ipinikit ko ang aking mga mata. "Ma'am, nakahanda na po ang mesa." Mabilis kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ang boses ni Manang Sara. Nakangiti siya sa akin saka tumingin sa mga paa kong nakapatong sa mesa. "Gusto n'yo pong masahiin ko ang mga paa n'yo, Ma'am?" "Huwag na po. Ano pong niluto n'yong ulam?" Wala akong gana kumain, mas gusto kong humiga na lang at matulog. Kinuha ko ang throw pillow at humiga ako sa mahabang sopa. "Ginataang tilapia po, Ma'am. Gusto n'yo po bang dalhin ko rito ang tang-" Mabilis akong bumangon nang marinig ko kung ano ang niluto niyang ulam. Parang biglang nagtubig ang bibig ko. Para akong naglaway sa ginataang tilapia. Matagal na akong hindi nakakatikim niyon. "Huwag na po." Tumayo na ako at dali-daling tinungo ang komedor. Para akong nasusuka pero gustong-gusto ko kumain ng ginataang tilapia. Kaagad akong umupo at naglagay ng kanin sa plato. Si Manang Sara naman ay nagsimula ng lagyan ng tubig ang baso. Tuwang-tuwa ako habang pinagmamasdan ang isang buong tilapia. Ang ganda ng plating ni Manang Sara. Daig pa ang sine-serve sa mga restaurant kung presentation o plating ang pag-uusapan. Sa may bahagi ng bibig ay naroon ang kalahating kamatis na tila hinahalikan ng isda. May pechay sa may bandang itaas ng isda at 'yong gata ay parang buo-buo pero hindi naman siya nagmamantika. Una kong tinikman ang sabaw at halos mapapikit ang mga mata ko nang malasahan ang suka at luya. Ang sarap! Ganitong-ganito ang lasa ng niluto ni Manang Sara noon, 'yong dinala niya dati nang maospital ako. Patuloy lang ako sa pagkain at hindi na pinansin pa si Manang Sara na nakatayo malapit sa mesa. Noon ko pa siya sinabihan pati na ang iba pang katulong na sumabay na sa tuwing kakain kami pero panay pa rin ang tanggi nila kaya hinayaan ko na lang. Kinasanayan ko na ang kilos nila na palaging naroon sa komedor para asikasuhin kami sa pagkain. Matapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto at nagpahinga. Busog na busog ako at di ko namalayang nakaidlip na pala ako habang dumedede si baby. Nagising na lang ako bandang alas tres, naroon si yaya sa tabi ko at nilalaro si baby. "Ma'am, may bisita po kayo sa baba. Xylene daw po ang pangalan niya." "Xylene?" ulit ko. Ilang minuto ko ring inalala kung may kilala ba akong Xylene ang pangalan. "Nag-set daw po kayo ng appointment para daw po doon sa wedding dress." Saka lang nag-sink in sa utak ko ang pangalang Xylene. Nakalimutan ko na sa dami ng iniisip ko. Siya pala ang inirekomenda sa akin ni Vivienne na gagawa ng wedding dress ko. Hindi ko pa siya nakikilala pero dahil si Vivienne ang nagrekomenda, alam kong may taste ang taong iyon. Nagmadali akong naligo dahil nakakahiya kung paghihintayin ko siya. Hindi ko na nagawa pang maglagay ng pulbos sa mukha, bumaba na ako matapos patuyuin ang buhok ko. Hindi ko inaasahan ang madadatnan ko sa salas. Nakaupo si Chuck sa sopa kausap ang isang tao na nakaupo patalikod sa akin kaya hindi ko makita ang mukha. Pero kung buhok niya ang pagbabasehan, palagay ko babae siya dahil mahaba at medyo may pagka-blonde ang kulay. May kasama silang dalawa pa na hindi ko maitatangging kabilang sa third s*x. "Sweetheart," nakangiting saad ni Chuck nang makitang papalapit ako sa kanila. "Come here. May bisita tayo." Napangiti ako. Parang iba ang mood ngayon ni Chuck. Hindi kagaya kanina nang tumawag siya sa akin na walang kabuhay-buhay. Ngayon ay halata ang saya sa mga mata niya. "Hi," saad ko. Hahalikan ko na sana siya sa pisngi subalit labi niya ang dumapo sa labi ko. Kakaibang tilian ang narinig ko kaya napayakap ako kay Chuck dahil nagulat ako. "Ginugulat n'yo ang fiancee ko." Kumalas si Chuck mula sa pagkakayakap sa akin at ipinakilala ako sa tatlong naroon. "Okay, girls," tilian sila nang marinig ang salitang girls. "I would like you to meet my fiancee, Ligaya. Sweetheart, this is Gel, si Nikka," turo niya sa dalawang bakla na maiksi ang buhok. "And this is Xylene." "Xylene?" ulit ko nang ipakilala ni Chuck ang taong mahaba ang buhok. Sa unang tingin ay aakalain mong babae siya dahil ang ganda ng mukha, walang adam's apple at babaing babae ang pagkakahubog ng mala porselanang mga braso. Malilito ka na lang sa boses dahil baritono iyon na bigla na lang pipiyok. "Yup, Madam," tugon ni Xylene na kanina pa nakangiti sa amin ni Chuck. "Mga kaibigan ko sila before, Sweetheart." "Dyeske naman, Chuck," angal ni Nikka. "Maka-kaibigan ko sila before ka dyan. You mean before at ngayon hindi mo na kami friend? Kaka-hurt ka." "Oo nga," segunda ni Gel. "Kala mo naman wala tayong pinagsamahan before." "That's enough, girls," saway ni Xylene. Panay lang ang tawa ni Chuck na kanina pa nakapulupot ang kamay sa baywang ko kahit nakaupo na kami. "Anyway, what brought you here? I don't remember that I invite you here. " "We're here for Madam Ligaya, Chuck," pagmamalaking tugon ni Xylene. "Not for you." "And why?" Kunot-noong tanong ni Chuck. "You know naman kung ano ang work ko." Kumindat si Xylene kaya tumawa ako. "Matrona ka pa rin?" biro ni Chuck na ikinasimangot ni Xylene. "Kainis ang lalaking 'to." Kinuha niya ang throw pillow at binato si Chuck ngunit nasalo niya 'yon. "Nirekomenda siya sa akin ni Vivienne," saad ko. "And why?" "Siya ang gagawa ng wedding gown ko." Ngumiti ako dahil napansin ko ang pag-awang ng labi niya. Hindi siguro niya akalain na gagawin ko talaga ang pangako ko sa kaniya. "Really, Sweetheart?" Namilog ang mga mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD