Chapter 34 "He really loves you," saad ni Ninong Dante at kumuha ng alak sa dumaang waiter. Sumimsim muna siya ng alak saka tinapunan ng tingin si Chuck sa di kalayuan. Napangiti naman si ninang nang lumingon sa akin saka bumulong, "I told you, hija, nagbago ang ihip ng hangin nang gabing magpunta si Chuck sa bahay." "Ninang, ano po-" Hindi ko na maituloy ang sasabihin ko sana dahil may bigla na lang lumapit sa aming tatlo. Kasalukuyan kaming narito sa party kung saan imbitado si Chuck. Kanina pa kami dumating at hindi ko inaasahang dumalo rin sina ninong at ninang. Napangiti ako nang mapatingin sa gawi ni Chuck. May kausap siyang ilang kalalakihan na medyo may katandaan na dahil namumuti na ang buhok ng mga iyon. May ilang bisita ring nag-uumpukan malapit sa kanila. Ilan sa mga iyon

