Chel EP 17
.
.
Ilang buwan din ang mabilis nagdaan na mag-kasama kaming nakatira ni Chel sa bahay. Maganda naman ang takbo ng mga businesses namin.
In a few months time ay nakapagdown na agad kami sa lupang kukunin namin.
.
It turns out, magaling talaga mag manage ng business at maghawak ng pera si Chel. Isang bagay na mahina talaga ako dahil sa ugali kong mapagbigay.
.
Halimbawa, kung dati ay walang limit ang mga resellers ko sa pag-utang ng stocks, ngayon nilimitahan na niya at hindi na pwedeng kumuha ulit hanggat hindi pa bayad ang nauna.
.
Ganun din sa mga tauhan, pag marami nang bale at wala na suswelduhin, ginawa na rin niyang rule na hindi na pwedeng bumale ng sobra. Natuwa din si Jerry dahil hindi na niya sakit sa ulo yung mga araw araw kung bumale na tauhan.
.
Maganda rin ang kita ng mga freezer vans. Nagbabalak na nga kami nila Itay na magdagdag pa ng mga units para mas mapalago ang business. Me mga binabagsakan na rin kaming mga resto dito sa Manila kaya for sure, ubos lagi ang mga ibinabiyahe naming seafoods.
.
Yung naiwan kong motor kina Itay, balak namin ni Chel, ibigay na lang kay Lito para me service siya pagpasok. Nagagastusan pa kasi sa pamasahe dahil medyo liblib yun bahay nila.
.
Medyo naging busy, pero hindi naman namin nakalimutan ang priority naming dalawa. Ang pasayahin ang isa't-isa, araw araw.
.
May date na rin ang kasal namin. Malapit lapit na rin nga pala yun. Excited na kami pareho. Pati sila Inay at Itay excited na at ngayon pa lang ay nagpaalaga na ng mga baka at baboy na pang handa sa kasal. Si Chel ay sinabihan din ang family niya. Hindi lang daw niya sure if me pupunta except sa kapatid niya.
.
Nagdadrive kami ngayon ni Chel para mag dinner sa place closer to heaven namin. Gamit namin si Blue.
Oo, si Blue pa rin ang oto namin. Although kaya na namin kumuha ng mas bago, mas pinili kong i-maintain si Blue, gaya ng pangako ko ke Pareng Loy. And speaking of him, malapit na rin pala nilang kunin ang mga anak nila para dalhin sa New Zealand. Papeles na lang ang inaasikaso.
.
Okay rin naman ang ibang tropa, sila Deng, Rick, Balong, Arvin at Estong. Dumadalaw sa bahay kaso hindi na kami makapag-inom gaya dati dahil sa guardian angel ko na daig pa ang security guard sa bangko kung makabantay sa pag-inom ko.
.
Sino pa ba? Sila Beki, Kuya at Boss from the office dati. Okay naman sila at ininvite na namin sila ni Chel sa kasal namin. Kinakabahan lang ako ke Beki dahil baka bigla siyang tumutol. LOL.
.
.
"Mahal.. Lumulutang na naman ang isip mo.." puna ni Chel sa kin na kanina pa pala nakatingin.
"Hindi, nirereminisce ko lang ang mga nangyari nitong past few months.. Biruin mo from a total wreck bago ka dumating, tapos ganito na tayo ngayon.. Nakaka amaze lang.. Tama nga yun sabi sa kin dati, yun pagyaman ay kusang darating basta nagtutulungan kayong nagmamahalan.." nakangiti kong sagot.
.
"Nice.. Sino naman nagsabi sayo niyan?" tanong niya.
"Wag na, mababadtrip ka pa.." sabi ko.
"Dali na, wala na nga secret di ba? Wag na nating gawing taboo yun past niyo ni Dayang para wala na tayong awkward moments.." sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
.
"HHhmmmm.. Si Tatay ni Dayang ang nagsabi sa akin nun. Ang bait din ng mag-asawa na yun, kahit alam nilang nagkahiwalay kami ni Dayang, hindi pa rin nila ako kinakalimutan. Lagi pa rin nga akong niyayaya sa kanila. Pero parang di nga sila nagpaparamdam lately.. Bakit kaya? Sana okay lang sila.." sagot ko.
.
"Madali ka kasing makasundo mahal. Pansin ko yan e, kahit sino makasalamuha mo, pag alis mo, kaibigan mo na sila. Baka kaya ganun sila sayo.. Kasi nahihirapan din silang i-let go ka dahil itinuring ka na nilang tunay na kaibigan or kamag-anak.." nakangiti niyang sabi.
"Siguro nga.. Alam mo ba, ang sarap ng mangga dun sa kanila." tugon ko.
.
"Wow! Gusto ko ng mangga mahal.." lambing niya bigla.
"Punta tayo sa kanila? Sa ganitong oras ng gabi? Naglilihi ka na ba? E hindi mo pa nga nakukuha ang puri ko ah!" biro ko naman.
"Hahahahahaha.. Hindi naman agad agad! Ang siraulo mo talaga! Basta pag may nakita tayo, bili mo ko mangga.." tawa niya.
.
Habang kumakain ay nakatanaw lang kami sa overlooking ng Manila. Ang magaganda nitong ilaw.. Ang nagtataasang buildings.. Kahit ang mga sasakyang parang mga langgam na nakapila sa traffic ay tanaw..
"Mahal, gusto mo i-meet natin yun isa mong reseller taga Davao? Nagaalok siya ng tour sa kanila dahil dalawa na raw ang shops niya." taong ni Chel.
"Davao? Ang layo naman.. Wala ba yung within driving distance lang.." biro ko.
"E taga dun yun reseller mo e, ano gagawin natin? Palipatin sila ng area? Hahahaha.." tawa niya.
"Sige tingnan natin kung maluwag naman ang sched natin. Pero hindi ko trip ang Davao e." sabi ko naman.
.
"Bakit? Maganda naman dun ah.. Nakapunta na ako dun. Saka Cebu maganda rin. Ikaw ba saan ka na nakapunta via plane.." tugon niya.
Hindi ako sumagot. Nagsmile lang ako ng napakalapad sa kanya.
.
"Hahahaha! Don't tell me dahil sa fear of heights mo, hindi ka pa nakasakay ng eroplano?" tuwang tuwa niyang tanong.
"Hindi naman dahil sa fear of heights.. Hindi lang talaga ako mahilig mag travel.. Mas trip ko kasi talaga sa bahay lang. Kaya yun, pag me nag-aaya ng trips, hindi ako sumasama." sagot ko.
.
"Tapos gusto mo pa sundan sila Dayang sa Canada, e sa Davao nga di ka makapunta.." patuloy niyang biro.
"Oi foul yun ah.. Sasakay talaga ako ng plane nun if natuloy.. Edi sana wala kang gwapong fiance ngayon.." sabi ko.
"Ay oo nga, foul pala. Sorry na po gwapo kong fiance.. Sige me dalawang free throw ka mamaya.." sabi niya habang nakangiti.
.
"Sus, e puro dribble lang naman nagagawa ko sayo. Gusto ko slamdunk! Yun lumalambitin! Yung umuuga ng ring!" sakay ko sa biro niya.
"Hahahaha.. Nagsimula ka na naman, rex navarete! Puro bukol na nga kakadribble mo! Magkakaron na ng lubak to!" ang lakas na naman ng tawa niya.
Hays ang sarap sa ears ng tawa mo Chel..
.
.
"O, wala ka na punchlines? Ang bilis naman naubos, himala yata.." sabi niya dahil nakatitig na lang ako sa kanya.
"Hindi, naalala ko lang nun first time natin dito.. Nun una kitang nakitang umiyak sa harap ko.. Nung una tayong nag heart to heart talk.." nakangiti kong sabi.
"Oo nga noh.. Dito yun.. Dito mismo sa table na to.. Nun una mo ako pinaiyak.." nakangiti niya ring tugon.
"Hindi kita pinaiyak ah.. Nagbigay lang ako ng compliment tapos umiyak ka na.. Ang weird mo.." biro ko sa kanya.
.
"Hahahah.. Nasa emo stage ako nun e.. Pero memorable nga din yun sa akin.. Dun mo ako una dinamayan e.. Dun ko una naramdaman yun concern mo sa akin.. Thanks, Ed.." masaya niyang sabi.
"Hindi ko rin makakalimutan yun e.. Dahil yun ang una mong first time na gawin akong pahiran ng uhog.. Alam mo bang kinailangan ko pang sunugin ang shirt na yun para mawala yun bacteria? Favorite ko pa naman yun.." biro ko ulit
.
"Una na first time pa? Hahahaha... Ako yung mga sweet na memories ang naalala ko, ikaw yung uhog ko naalala mo? Ikaw ang weird! Hahaha..
.
Saka ang kapal mo, anong sinunog e favorite mo pa rin yun hanggang ngayon! Ang dami ko na binili sayong bagong shirts, yun pa rin ang sinusuot mo kahit malapit nang mabutas. Hahahah" tumatawa pa rin niyang sabi.
.
.
"Pero seriously, I am so happy about everything that is happening for the two of us..
Thank you for allowing me to be a part of your life..
Tinupad mo yung sabi mo dating gagawa tayo ng mas maraming memorable moments together para hindi na ako malungkot..
Thanks, Chel.." seryoso kong sabi.
.
.
"Awwee.. Ako din naman mahal.. Kung masaya ka, paano pa ako? Wag kang gagalaw jan, kandong mo ako.." sabi niya sabay lapit sa akin.
"Hindi ka na nahihiya na makita tayo ng mga tao?" tanong ko habang kandong ko siya patagilid.
.
"Bakit ako mahihiya e totoo namang mahal natin ang isa't isa? Sabi sa akin yan dati nung komedyante kong boyfriend.." sagot niya habang hinahaplos ang mukha ko.
"E nasaan na yun boyfriend mo?" lambing ko.
"Eto na, fiance ko na.. In a few months time, husband ko na.. At makakaslamdunk na siya.." sabi niya na pigil na pigil ang tawa.
.
"Ahh ganun pala.. Dapat pala ngayon pa lang mag isip na ako ng mga iba't ibang klase ng dunks para ready na ako in few months time.." biro ko.
"HAhahahaha.. Ang siraulo mo mahal! Pag ako nasaktan jan sa mga binabalak mo, hanggang layup ka na lang! HAhahahaha.."tumatawa niyang tugon.
.
"Nagiging witty ka na rin sumagot ah.. I love it..
And I love you.. All of you.." sabi ko sabay halik sa kanya.
"I love you too.." sagot niya nang magkahiwalay ang labi namin saka yumakap sa akin.
.
"Aayyyiiihhhh... Ay sorry po.." sabi ng mga babae sa kabilang table na nanonood pala sa amin.
Bumaba tuloy agad si Chel at bumalik sa upuan niya habang namumula.
.
.
.
Sa bahay..
"Mahal gusto mo ng beer? Basta isa lang.. Friday naman e.." alok niya.
"Ayaw po, ikaw na lang sisipsipin ko. Lika nga dito!" sagot ko.
"Ano ako, bulalo? Hahaha.. Pero tama yan, I'm proud of you. Wag ka na mag beer.." nakangiti niyang sabi.
.
"E bat mo ako inaalok?" tanong ko.
"Tinetempt kita, mahal. It's a test. Congratulations, you passed!" sabi niya sabay higa sa lap ko.
.
"Alam mo, habang tumatagal, mas nagiging baliw ka pa kesa sakin.. Paano ba mapawalang bisa ang kasal? Dapat yata ngayon pa lang pag aralan ko na.." biro ko sa kanya.
"Hahahaha.. Wala sa kin kna Ed. Wala nang makakaagaw pa sa iyo! Buwahahahaha!" biro niya sabay tawang parang bruha.
"Kuhang kuha mo ah.. Parang natural sa yo yun character.." ganti ko naman.
Natawa naman siya.
.
.
A few minutes later..
"Pero bakit ka nga ba mahilig mag-inom dati?" tanong niya habang minamasahe yung kamay ko.
"Hhhhmmmm nung una, siyempre, buyo ng barkada. Ang habol is yung kasiyahan, nagkikita kita kayo kahit magkakaiba na ginagawa sa buhay..
Tapos later on naging parang bonding moment na ng mga tropa, parang excuse para magkasama sama.
.
Dun naman sa medyo heavy side ng buhay ko, umiinom ako para malasing at makatulog..
Dahil kung hindi ko gagawin yun, my brain won't let me have any sleep kahit humiga at pumikit ako magdamag..
Overthinking..
Mental exhaustion..
Looking for reasons..
.
Hanggang umabot na sa point na gusto ko na lang mawala..
Gusto ko na lang matapos na lahat..
Hindi naman like, I want to take my own life, no, hindi ganun.
.
Yun tipong, sana magkaron na lang ako ng sakit na malubha, yung hindi na gagaling, para matapos na.
Sana me tumama sa aking aksidente tapos hindi na ako makaligtas..
Sana mabagsakan ako ng asteroid sa labas..
Parang mga ganun..
.
Kaya sobrang thankful ko na kinuha ko yun seasonal project na yun..
Kasi, I met you.
My savior, my guardian angel..
Thank you, Chel.." mahaba kong kwento sa kanya.
.
"Bakit naiiyak pa rin ako pag naririnig ko yang story mo na yan, Mahal.. Huhuhuhu.." tugon niya habang lumuluha.
"That's how I know na genuine yun love mo sa kin.. Kasi hindi tumitigil yun concern mo sa kin.." nakangiti kong sabi sabay haplos sa maganda niyang mukha.
"Pinapaiyak mo na naman ako, sumbong kita ke Inay!" umiiyak niyang sabi.
"E sino ba nag-open nun topic, sinagot ko lang naman ah! Ang weird mo talaga.." biro ko sa kanya.
Tumatawa naman siyang bumangon kahit me luha sa mata.
.
"Hug mo ako mahal.. Share mo sa kin yun pain mo dati para hindi mo solohin.." malambing niyang sabi.
Pinagbigyan ko naman siya at niyakap ko siya ng sobrang higpit.
.
"I already did.. And it feels so much better than it did before.. All because of you, my pretty.. I can't thank you enough for it..." Bulong ko sa kanya.
"You don't have to.. Di ba nga gagawin ko lahat para sayo? This is just the start of a wonderful life we will share.. Together.. Just you and me.." bulong din niya sa kin habang nakayakap rin ng mahigpit.
.
"Mahal.." tawag niya.
"Yes, Chel?" tugon ko.
"Kargahin mo ako. Pasok na tayo sa room.. Gusto ko matulog sa ibabaw mo tonight.." lambing niya.
"As you wish.." sabi ko.
At kinarga ko nga siya hanggang kwarto at nakatulog kaming nakapatong siya sa akin.