Chel EP 16

1957 Words
Chel EP 16 . . Pagdating sa Manila.. "Mahal! Finally, solo na ulit kita! Ano gusto mo kainin, ipapagluto kita?" masayang sabi niya habang nakakandong sa akin sa sofa. "Ipagluluto? E antagal kaya natin nawala.. Yun mga stocks natin sa fridge, malamang kelangan na natin i-dispose at palitan.." natatawa kong sagot habang nakahawak sa bewang niya. . "Ay oo nga! Wait, check ko kung pwede pa yun mga gulay.." taranta niyang sabi. "Parang bigla kang nagka concern sa mga gulay ngayon ah.." biro ko. "Siyempre naman, mana na ako ke Inay.. Hahahaha.." sabi niya habang papunta ng kusina. . Pagsunod ko sa kusina ay inabutan ko siyang nakatuwad sa ref. "Alam ko tinitingnan mo na naman pwet ko, mahal. Sige lang, basta pwet ko lang titingnan mo from now on.." sabi niya. Natawa ako kaya nilapitan ko siya sabay tapik ng mahina sa pwet niya. . "Mahal!" saway niya sabay tayo. "What? Sabi mo hindi mo na ako pipigilan sa pwet mo.." nakangisi kong sabi. "Oo nga, pero magsabi ka naman. Nagugulat pa rin ako e.. Para akong nakikiliti pag hinahawakan mo ko jan.." natatawa niyang tugon. "Bakit, naaarrouse ka sa akin?" tanong ko sabay hila sa kanay palapit. . "Siyempre.. Mahal kaya kita.. Everything you do has an effect on me.." sabi niya sabay hawak sa balikat ko. Inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. . "I have an urge to take you to our room and have my way with you." Malambing kong sabi. "Gusto mo na ba? Willing naman ako mahal dahil sure na ako sayo.. Pero hindi ba sabi mo gusto mo rin na maging special at sobrang memorable yun first natin.." malambing niya ring tugon habang idinidikit ang ilong niya sa ilong ko. . "I did.. Dapat pala ginawa na natin dun sa taas ng bundok.. sa tabi ni Erchel.." biro ko. "Hahahaha.. Oo nga no.. Ang bagal mo kasi e.." tawa niya sabay dampi ng halik sa labi ko. . "I have an idea, Chel.." sabi ko. "What?" malambing niyang tanong. . . "Let's get married.." nakangiti kong sabi sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya at lumayo bahagya sa akin. . . "Seryoso ka mahal?" hindi makapaniwala niyang sabi. "Why not.. Sigurado naman akong mahal na mahal kita at ikaw ang gusto ko makasama tumanda.. Also, I owe you my life.. Not once, but twice.. So why not make it official so we can finally be as one.." Nakangiti kong sabi sa kanya. "I don't know what to say mahal.. Kargahin mo ako.. Matutumba ata ako.." sabi niya naman. Hinila ko siya at niyakap ng mahigpit. . "I am so happy mahal.. You have no idea how happy I am right now.." sabi niya habang nakasubsob sa dibdib ko. Tapos ay naramdaman kong humagulgol siya ng iyak. "Hey, stop crying, please.. This is supposed to be a happy celebration..." biro ko sa kanya. Tumatawa siya habang umiiyak sa akin. . "I love you mahal.. I love you.." yun lang ang nasabi niya habang lalong humigpit ang yakap. "I love you too, Chel.. More than I can explain.." sabi sabay dampi ng halik sa ulo niya. . . We end up just cuddling and kissing sa sofa. Hindi na rin kami nagluto at bumili na lang ng luto kina Aling kule. "O, Chel! Nakauwi na pala kayo! Kamusta ka na Erwin? Ayos na ba pakiramdam mo? Pasensiya na at hindi kami nakapagtagal dun at alam mo naman walang tatao dito sa pondohan.." bati nito sa amin. "Eto po kahit paano e maayos na. Hindi ko pa lang po siguro kaya magtatakbo, pero nakakakilos na po ng maayos." sagot ko sabay mano dito. "E dito po kamusta?" tanong naman ni Chel tapos siya naman ang nagmano. "E ganun pa rin naman.. Me nag-away daw diyan sa may labasan nun nakaraan, pero ganyan naman talaga yang mga kabataan na yan.. Ganyan din naman tong sila Erwin nun sila pa ang tambay diyan.." patawa tawa nitong kwento. "Mabait kaya kami dati.." biro ko. "Mabait ba yun nambabato kayo ng bubong sa kabilang village?" pambubuko nito sabay tawa. "Hahahaha.. Ay eto nga po pala mga seafoods, padala nila Inay. Paborito niyo raw po itong isda na to e.." sabi ko. Hindi na rin kami nagtagal dun, pagkakuha ng pagkain ay umuwi na rin kami . Pagkakain ay tinulungan ko na si Chel magligpit at magsara ng bahay para sa kwarto na lang kami magstay. "Hay.. Namiss ko tong kama ko.." sabi ko nang makalapat ng higa. "Buti pa yun kama namimiss niya.." biro ni Chel. "E paano naman kita mamimiss e araw araw naman tayong magkasama.." sakay ko sa biro niya. Natawa naman siya. . "Pero namiss kita nun hindi ako makadilat.." bawi ko. "Paano mo ako mamimiss e hindi mo nga alam ang nangyayari?" biro naman niya. "Hhhhmmmm.. Hindi ko alam, pero parang naririnig ko lagi ang boses mo nun e.. Gusto mo marinig yun buong story nun?" nakangiti kong sabi sa kanya. "Sige, gusto ko yan.. Isama mo ako sa adventures mo sa loob ng mind mo nun wala kang malay.." lambing niya sabay sandal ng ulo niya sa dibdib ko at yumakap. . . Kinuwento ko naman sa kanya lahat ng naalala ko sa nangyari.. Kung sino sino yung mga nakita ko na gusto ako isama.. Nun narinig ko yun boses niya na tumatawag sa akin.. Yun nakipaghilahan kaming dalawa.. Hanggang sa marinig ko ng paulit yun catch phrase niya.. Just you and me.. Paulit-ulit hanggang makadilat ako.. . . "Aweee.. Ang gandang story nun mahal.." sabi niya na umiiyak na naman. "Bakit umiiyak ka na naman.. Ginagawa mo na akong sinungaling.. Sabi ako ng sabi na hindi kita papaiyakin, tapos lagi ka naman umiiyak pag nagkukwento ako.." biro ko. "Wag mo akong patawanin, nag eemo ako.. Sine-savour ko yung kwento mo.. Sobrang na touch ako sa story mo mahal.. Salamat.." sabi niya Natawa naman ako kaya niyakap ko na lang siya at hindi muna nagsalita. . "Sana pala nirecord ko yun pagkwento mo.. Gusto ko ulit ulitin.." biro niya pagkailan saglit. "Naeenjoy mo pala yun pain ko? Yun struggles ko? Anong klase kang jowa! Minahal pa naman kita! At handa na akong ibigay ang puri ko sayo!" ganti kong biro. Ang lakas na naman ng tawa niya at hindi maka explain. "Hindi.. Hahahahaha.. Siraulo ka mahal, papasakitin mo na naman ang tiyan ko.. Hahahahha.." tawa niya "Ibig kong sabihin, me struggle ka nga, pero nagawa nating manalo in the end.. That's what's beautiful about the story.." paliwanag niya. "Look at the bright side..." nakangiti kong sabi. "Anong bright side?" tanong niya. "Mas malapit ang CR dito, jan lang sa paglabas ng pinto. Siguradong aabot ka, di kagaya kina Inay.." biro ko ulit. Tawa na naman siya ng tawa. . Ang sarap talaga sa tenga ng tawa niya lalo pag bigay na bigay.. Yung genuine tawa na akala mo wala nang bukas.. Yung alam mong nagets niya talaga yun joke ko kaya ganun kalalim ang effectsa kanya.. Genuine connection, ika nga. . . "Huy mahal, tulala ka na naman.. What's on your mind? Share mo naman.." malambing niyang sabi sabay sakay sa ibabaw ko. "Hhhhhmmmm.. Iniisip ko lang kung gaano ko naappreciate yun tawa mo.. Kung bakit ganadong ganado ako lagi magpatawa.. Dahil gusto kita marinig tumawa.. Ngayon lang din nagsisink-in sa akin na kaya pala ikaw ang paborito kong pagtripan sa batch natin, kasi gusto kita laging nakikitang tumatawa.." nakangiti kong sabi. Sumubsob naman siya sa leeg ko. . "Bakit? Iiyak ka na naman?" tanong ko sa kanya. "Kinikilig ulit ako mahal, bigyan mo ako ng moment.." sabi niya sabay tawa. Bigla ko siyang pinalo ng medyo malakas sa pwet. "MAHAL!" gulat niya. "Bad girl ka kasi." biro ko. Pinagkukurot na naman niya ko sa tagiliran. . . "Me isa pa pala akong gusto ipakwento sa yo mahal.." lambing ulit sa akin ni Chel. "What's that?" tanong ko habang hinihimas ang likod niya. "Hhhhhmmmmmm... Are you ready to tell me all about you and Dayang?" parang nag-aalangan niyang tanong. . "Hindi pa siguro.. Sasabihin ko lang siguro yun sa taong pagkakatiwalaan ko.. Sa taong alam kong hindi ako iiwan.. Sa taong sasamahan ako habambuhay.." seryoso kong sabi. Umangat naman siya at tumingin sa akin ng diretso. . "Bakit, hindi pa ba ako yan mahal?" malungkot niyang tanong. "Hahahaha.. Ikaw nga yun, dinescribe ko e! Ang slow mo naman.. Hind na kita pwedeng isama sa mga gig ko.." biro ko. "Eeehhh.. Puro ka naman kasi joke e.. Serious na.." parang nagtatampo na niyang sabi. "Kiss muna.." biro ko ulit. "Laplapin pa kita jan.." sakay niya sa biro ko. "Chel, language!" sabi ko At nagtawanan kami. . . At ikinuwento ko nga sa kanya ang buong storya namin ni Dayang at ni Cloude.. Medyo mahirap at mabigat, pero ang sarap after kasi parang bigla gumaan ang pakiramdam ko.. Now that I know na wala na akong kahit anong secret ke Chel.. . . "Now I understand bakit ka nagkaganun mahal.. Sorry, I wasn't there to be with you nung darkest moments mo.." sabi niya sabay yakap sa kin ng mahigpit. "Not your fault.. Sabi ko nga sayo di ba, meron tayong kanya kanyang battles to deal with.. Kung yun sayo ay yun sa daddy mo, sa akin naman ay yung inner struggle ko nang maiwan akong mag-isa.." sabi ko naman habang minamasahe ko yung anit niya. "Kahit na.. I still wished na nandun ako para nadamayan kita.. Baka natuto rin akong mag-inom just for you.." biro niya. "Tapos ikaw naman yun na depressed no?" biro ko naman. . "Hahahah.. Pasahan pala.. Pero tama ka rin naman, kung hindi tama yun timing natin, at naabutan kita sa ganun state mo, baka nga hindi rin ako nafall sayo.. Kasi ayoko sa lasenggero.. Buti nun nagkakilala tayo, hindi na masyado.. At least that's what I know.." tugon niya. . "I'm way worst than when you met me.. Alam mo ba na umaabot ako sa point na almost 1 week akong hindi naliligo or toothbrush man lang?" kwento ko pa. "Yuck! Hahahaha.. Hindi ka talaga makakiss sa akin pag ganun, kahit mahal pa kita.. Ako na magpapaligo at magtutoothbrush sa yo, maglinis ka lang ng katawan mo.." tugon niya. . "Hahahah.. Tapos dahil sobrang wala akong ganang gumalaw, hindi rin ako nagluluto. Minsan umaabot ako ng 3 days walang kain. Puro coffee lang.." patuloy ko. "Awwwe... Wag mo na gagawin yun mahal ah.. Magagalit ako sa yo..Wala ka na reason ngayon para hindi kumain, maraming tinuro sa akin si Inay.. Pati favorite mo ginisang ampalaya, alam ko na.." sabi naman niya. "Alam mo na nga lutuin, kaya mo na rin bang kainin?" nakangisi kong tanong. "Ang yabang neto.. Alam mo sa dami ng pinagdaanan natin dalawa, hindi ko na iindahin ang pait ng ampalaya.. Saka kung nagustuhan mo nga e, bakit hindi ko magugustuhan? It may not be my favorite, but I'll eat it for you.." nakangiti niyang sabi. . "Ang sarap mo naman magmahal.. Sana makatagpo ako ng kagaya mo.." biro ko. Natulala naman ng ilan segundo si Chel saka tumingin sa akin. "E natagpuan mo na nga ako e!! Siraulo ka talaga mahal! Hhahahaha.. Ang slow ko dun ah.." tawa niya habang nangungurot. . "Basta mahal, from now on, sasabihin na natin lahat lahat ah.. no more secrets.. Kahit pangit man yan or embarrassing, or a failure.. I don't care.. I want you to share it with me, and ganun din ako sayo.. Let's face it together.. Just you and me.." buong pagmamahal niyang sabi. "Just you and me." nakangiti kong tugon sabay abot ng hinliliit ko sa kanya. Sinungkit naman niya. . . "O sige na, laplapin mo na ako." nakangiti niyang sabi Nagtawanan kaming dalawa bago ko siya kinubabawan at hinalikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD