Chel EP 15

1704 Words
Chel EP 15 . . Pagmulat ko ulit nang mata ay sila Inay at Itay na ang nakita ko.. Saka ang mga kumapre nila Itay.. Sila kumpareng Roger niya.. Sila aling Julie na caretaker ng lupa.. Ang mga Kainuman namin nung first day kong dumalaw ulit kina Inay.. Pero me kulang pa rin eh.. . . Ahhh.. yung mga taga sa amin.. Nakita ko agad sila aling kule.. Ang mga tropa, sila Deng, Arvin, Rick at Balong.. Pero may kulang pa rin e.. Parang di kumpleto.. . Ahh, baka sila Joey at tropang basketball.. Pero hindi rin e.. Me namimisss akong mukha.. Na parang lagi kong nabubungaran pagumaga.. Hindi naman si Inay at matagal na rin akong hindi umuuwi sa kanila.. . . "Mahal, lilinisan lang muna kita.." sabi nang isang boses... . . Kilala ko to e.. Eto yun nagpipigil sa akin mag-inom.. Eto yun nagpipigil sa akin mag sagad.. Etong boses na to yun KJ bakit kailangan ko na umuwi agad.. Yun nakabantay sa akin sa kada alak kong tatagayin.. . Eto yun nagpumilit sa akin na magkaroon ulit ng buhay... Na tigilan ko na ang pagmumukmok at malikhaing pagdighay.. . Kilala ko tong boses na to... Ito yun nagforce sa akin para lumapit sa isang talampas.. O sige na cliff, napaka demanding mong reader! . Kahit me fear of heights ako, eto yun nakapilit sa akin mag tree planting sa talampas.. Talampas nga kasi!! Cliff ka ng Cliff! Kaya yun nanay mo walang clef chin.. Magsulat ka ng sarili mong story!!! Sorry, I got carried away... Woooossaaahhhh... . . Back to my story.. Eto yun guardian angel ko.. The angel who brought me back to life.. Not just once, but twice.. Ang anghel na humakbang patawid sa darkside.. Just to take me back to the safe side.. . Ang tanging taong nagmamahal sa akin.. Kahit walang kapalit.. The only one who is willing to do anything for me.. Just to see me happy.. Just to see me smile.. . The only person who would laugh at my silliest jokes.. Who would cheer at every little thing I do... The only one who would never leave my side.. Kahit nasasaktan na siya.. Kahit nahihirapan na.. . Sa kanya ko naramdaman na mas mahal niya ako.. Kesa ako sa kanya.. Pero okay lang yun.. Balewala lang sa kanya.. Basta ang mahalaga, Magkasama kaming dalawa.. . Siya si Chel.. Ang bebe girl ko sa office dati.. Na hindi ako tinitigilan sa pangungulit niya.. Na hindi tumigil sa kakalambing niya.. Na muling bumuhay sa aking pusong akala ko ay patay na.. . . "C-Chel.." mahina kong tawag. "Yes, Mahal. I'm here.. What do you need?" buong pagmamahal niyang tugon. "Wala na.. Just kiss me please.." nakangiti kong sabi sa kanya. At masaya naman niyang pinagbigyan. . . . CATATONIA. Yan daw ang nangyari sa akin. Due to severe depression daw. Sabi nila, supposedly, functioning ang utak ko during my 'come-like' days in bed. Pero wala ako maalala after ko awayin si Chel nun inaya niya ako maghapunan. . . "Ilan days na ba tayo dito, Chel?" tanong ko sa kanya nun maiwan kaming dalawa. "Almost one week na tayo dito mahal.." sagot niya na halatang kulang sa tulog. "Ang tagal na pala natin dito.. Uwi na tayo.. Sila tommy, baka ubos na yun pagkain nila sa feeder.." sabi ko. "Yun pagong mo pa talaga inuna mong alalahanin e tingnan mo nga itsura mo?" natatawang sabi niya sabay haplos sa mukha ko. Napangiti lang ako. . "E yun business pala, asan phone ko? Update lang ako ke Jerry.." sabi ko ulit. "Okay na.. Nagupdate na ako, maganda naman daw ang orders, on-time ang production, and nakaready na rin daw yun mga ipapakilala niya sa yong mga bagong resellers sa province pag magaling ka na.." nakangiti niyang sabi. "Pano mo nakausap si Jerry? Me number ka ba niya?" taka kong tanong. "Hahaha.. Siyempre, wala. Ginamit ko phone mo para tawagan siya." sagot niya. . "Paano mo nabuksan e me pattern yun?" tanong ko ulit. "Hindi naman mahirap hulaan ang pattern mo kung 'U' lang gamit mo sa lahat ng gadget mo. HAhahaha.." tumatawa niyang sagot. Natawa na rin ako. . . "Sorry Chel ah.." paghingi ko ng tawad sa kanya. "Para saan?" kunot noo niyang tanong. "Sa pagsusungit ko sayo nun niyaya mo akong kumain ng hapunan.." sabi ko. "Yun lang pala, wag ka mag-alala. Pinapatawad na kita. Si Inay na lang daw bahala kumastigo sayo. Lagot ka." biro niya. Natawa rin ako. . . "But nevertheless, I made you cry.. And hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil dun.." sabi ko. "Mahal, wag mo na isipin yun.. Please.. Ang mahalaga ay nandito ka.. Kasama ko.. Dun pa lang sa fact na yun, sobrang happy na ako.." sabi niya saka sumubsob sa dibdib ko. Pilit ko namang inangat ang kamay ko para hawakan ang mukha niya. Naramdaman niya siguro yun kaya siya na ang kumuha ng kamay ko para idampi sa pisngi niya. Tapos ay hinalikan niya ang palad ko. . Ilang saglit pa ay umangat siya ng bahagya.. Tumingin sa mga mata ko at ngumiti.. Eto yun namiss kong pagmasdan.. Ang mala anghel niyang mukha na nakatitig sa akin.. Saka niya ako dinapian ng halik sa labi.. . "Chel?" tawag ko. "Yes, mahal?" malambing niyang tugon. "Nagtoothbrush ka ba?" biro ko sa kanya. Natawa naman niya at kinurot ako sa hita. . "I missed the sound of your laughter, Chel.. I missed the sound of your voice.. I missed how you touch me.. I missed how you would take care of me.. I missed the way you love me, Chel.. Parang napakatagal nung ilang araw na hindi kita nakausap.." sabi ko sa kanya. "Ako din naman, Mahal.. Kaya nga hindi kita iniiwan dito.. Yun ngang andito ako sa tabi mo, namimiss kita kasi hindi ka nagsasalita.. Lalayo pa ba ako? Pero ang ganda nun sinabi mo.. Lapatan kaya natin ng chords.." ganting biro niya. Natawa kaming dalawa. . "E kung andito ka lang sa tabi ko the whole time, hindi ka rin naliligo? Kaya pala akala ko nasa fish port tayo kanina.." biro ko sa kanya. "Hahahaha.. Oy hindi, nagpapadala ako kina Inay ng damit. Me banyo dito sa room mo. Nagsisimula ka na naman, rex navarete! Magpagaling ka muna.. Pag-uwi natin, hindi na kita pipigilan magpatawa ng magpatawa.." sagot naman niya habang nakatitig lang sa kin. "Sabi mo yan ah.. Pag ikaw naihi sa kakatawa, wag mo ako sisisihin.. Di kita bibilhan ng diapers.." biro ko pa. . . Diapers? Parang me naalala ako dun.. Naijoke ko na ba ke Chel dati yun? Hindi pa ata.. Pabayaan mo na.. This too shall pass.. . . "Uhhhmmm.. Tulala ka na naman.." puna sa akin ni Chel. "Hahahah.. Sorry, pero this time, honestly, ikaw ang nasa isip ko. Iniisip ko kung naijoke ko na sayo dati yan.." tugon ko sa kanya. "Mabuti naman.. Basta ako iniisip mo, okay lang sa kin.. Kahit malaswa pa, kahit titigan mo pa magdamag ang pwet ko, hinding hindi na kita pipigilan.." nakangiti niyang sabi. . "I love you, Chel.." malambing kong sabi. "I love you too, Ed.." sagot niya at hinalikan ako ulit. . . . May ilan araw pa kaming nag stay dun sa ospital bago kami pinayagang umuwi. Gusto ko mang umuwi na kaagad ng Manila ay hindi rin pumayag sila Itay at Inay. "Tumigil ka, Erwin! Hindi ka pa nga malakas, uuwi na kayo dun. E kung me mangyari, sino katulong nito ni Chel pagbuhat sa yo? Dumito muna kayo. Pag malakas ka na, ihahatid kayo ng Itay nyo." matigas nitong sabi kaya wala na akong nagawa. . . So ang isang linggo naming vacation ay nauwi sa almost 3 weeks dahil sa nangyari. So far, hindi rin naman nasayang ang time namin dun dahil na finalize na namin yun deal sa lupa at magda-down na lang once maiayos nila yun mga papel. Yun dalawang van na binili namin ay mukhang ayos naman. Naiba biyahe na at si Itay ang nagmamanage. . . "Nga pala, Chel.. Yun bang pang solar ni Lito, naibigay na natin? Baka wala pa rin ilaw yun sa kanila.." tanong ko habang naglalakad kami sa tabing dagat. "Inabutan ko na, last week pa." nakangiti niyang sabi. "Okay, thanks.. Magkano binigay mo?" tanong ko ulit. "20k." sagot niya. "20k?? Baka magpacable na yun sa kanila!" natatawa kong sabi. "Bakit magkano ba dapat? Hindi ko alam e.." natatawa rin niyang tugon. "Mura lang kasi yun baterya ng sasakyan tapos yun solar panel para macharge kung pang ilaw lang naman." paliwanag ko. "Hahahah.. Ganun ba.. Hayaan mo na, mabait naman yun si Lito e.." sabi niya. . "Paanong di babait e me crush sayo yun batang yun.." nakangiti kong sabi. "Hoy siraulo ka mahal! Bat naman magkakacrush sa akin yun?" gulat niyang sabi. "Hindi mo ba napapansin kung paano siya tumingin sa yo? Manhid ka rin pala, sinasabihan mo ako nun.." biro ko. "Hahahaha.. Hindi ko napapansin.. Akala ko mahiyain lang siya talaga.. E ganun naman sila lahat dito ah!" depensa niya. "Ganun silang lahat kasi nga crush ka na ng bayan ng mga binatilyo dito sa atin!" tumatawa kong sabi. . "Grabe ka mahal! Totoo ba yan? Hindi ko alam kung maflatter ko or mahihiya or maiinis dahil baka me mga dirty thoughts na sila!" natatawa rin niyang tugon. "Malamang meron, binatilyo nga e. Ano pa ba nasa isip ng mga yun? Hahahah.." sabi ko sabay akbay sa kanya. Yumakap naman siya sa bewang ko. . . "Hayaan mo na sila.. Ganyan talaga ang buhay.. Hindi mo naman mapipigil kung ano gusto nila isipin.. Basta ang mahalaga, akin ka lang.." sabi ko. "Hhhhmmmm Ang sweet mo mahal.. Gusto ko na rin umuwi sa atin.. Gusto na kita masolo ulit sa bahay.." tugon niya. "Hindi mo pa ba ako solo dito?" tanong ko. . "E hindi naman kita malambing gaya pag nasa atin.. Hindi ako makakandong.. Hindi kita makiss kahit saan.. Nahihiya ako kina Inay, siyempre.." sagot niya. "Hhhhhhmmmm Ibang lambing ata nasa isip mo e.. Me dirty thoughts ka sa akin no?" biro ko sabay tingin sa mukha niya. Tumaas taas naman ang kilay niya sabay pilyang ngiti. "Reyp! Reyp!" biro ko. At tumawa kaming pareho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD