Chapter 13 Truth Revealed

2507 Words
Vinzon’s POV “Anak? Sigurado ka bang babalik ka na ng Pilipinas? Bakit kasi hindi ka na lang manatili rito? Ayos na ang buhay mo at sampung taon na rin ang nakakalipas. Kalimutan mo na ang mga nangyari noon at mabuhay ka na nang masaya,” pamuli ay tanong ni Mama sa akin. Bumuntong-hininga ako. “Alam ni’yo po ang dahilan kaya labis-labis akong nagsumikap sa buhay, Ma. Babalikan ko sila! Babalikan ko sila at pagbabayarin sa lahat ng ginawa nila sa akin, sa atin!” nagtatagis ang mga ngiping sagot ko. Ni minsan ay hindi nawala sa isip ko ang lahat ng sakit at pait na dinanas ko ng mga panahon iyon. Ngunit ang pinakamasakit sa lahat ay ang pagtataksil ng babaeng pinakamamahal ko. Akala ko totoong mahal niya ako. Naniwala akong minahal talaga niya ako sa kabila ng hitsura ko noon, pero hindi pala. Pagkukunwari lang pala ang lahat, kaya ngayon ay magbabayad sila ng mahal! Bawat isa sa kanila ay gagapang sa putikan at hindi ako titigil hanggang sila na mismo ang kumitil sa mga buhay nila! “Masakit pa rin sa akin ang nangyari sa iyo at sa Papa mo dahil sa mga taong iyon. Ngunit sunod-sunod ding pagpapala ang ibinigay sa atin ng Diyos kaya mas gusto ko na lamang sanang mabuhay ka ng payapa. Na sana ay makapag-asawa at bumuo ka ng sarili mong pamilya,” malumanay pang katuwiran ni Mama. Umiling ako. “Hindi ako mabubuhay ng payapa hangga’t hindi nagbabayad ang may mga kasalanan. Nawala si Papa dahil sa kanila, dahil sa ginawa nila. Ni hindi man lang niya nakita ang pagtatagumpay ko!” Napasuntok ako sa sandalan ng sofa at patuloy ang pag-igting ng mga panga ko. I lost my father because of those evil bullies! And now they’re going to pay for it. Pagbalik ko ng Maynila ay naibigay na agad sa akin ng mga detectives ang lahat ng kinakailangan kong mga impormasyon. Nagpunta ako sa university at hindi ko akalaing makikita ko agad si Kishree. She was so beautiful back then, but she is more gorgeous now. Naalala ko kung paano ako patagong nakamasid sa kaniya at parang baliw na ngumingiti basta masilayan ko lang siya. Halos lahat ng kalalakihan noon sa campus ay pinapangarap siya. Kaya kulang na ang buong kalangitan nang sabihin niyang gusto niya rin ako. Sanay na sanay na ako sa lahat ng mga panlalait dahil nga sa hitsura ko. May malaking balat sa mukha ko at maging ang mga batang maliliit ay natatakot at sinasabihan akong halimaw. Pero nagkaroon ako ng sapat na kumpiyansa sa sarili noong maging girlfriend ko si Kishree. Yes! I am Jemson De Guzman. That was my real name. But I changed my name the moment I had a surgery to remove that mark on my face. Simula noon ay ang paghihiganti lamang ang tanging laman ng isip ko. Babawian ko ang lahat ng mga taong sumira ng buhay ko. I can still vividly remember that night. The worst night of my life! That night before my graduation, I received a call from my Ree ree. Gusto niyang magkita kami sa isang lugar. Nagtataka ako kasi magkasama lang kami kaninang hapon at gusto na naman niyang magkita kami. Pero masaya ako. Kung puwede lang ay kasama ko siya sa bawat sandali. “Got ya!” Napasinghap ako nang biglang may pumiring sa mga mata ko at paluin ng baseball bat ang likuran ko kaya napaluhod ako sa lupa. Kasunod din niyon ay biglang may ikinabit na posas sa kamay ko kaya parehong nasa likuran na ang mga iyon. “Dalhin ni’yo siya rito!” utos ni Denzo. Yes. That was him. Kahit hindi ko nakikita ay kabisado ko ang boses niya. At base sa mga pagsasalita ay naririto silang lahat na magkakaibagan. “Ano’ng ginagawa ni’yo? Ano’ng kailangan ninyo sa akin?” nagtatakang tanong ko. Ngunit imbes na sagutin ay bigla na lamang may humataw sa akin. Napasigaw ako sa sobrang sakit. Nasundan pa iyon ng ilang paghataw sa iba’t ibang parte ng katawan ko. Bumagsak ako sa lupa na nanginginig ang katawan. Latigo. Alam kong latigo ang ginamit nilang panghampas sa akin. “Simula ngayon, magtatanda ka na siguro. Sino’ng nagbigay ng karapatan sa iyong agawin sa akin si Kishree?” galit na tanong ni Denzo at tinadyakan ako sa sikmura kaya muli akong napadaing. Malakas silang nagtawanan at muli ay naramdaman ko ang mga hagupit ng latigo sa katawan ko. “Akala mo ba talaga ay gusto ka ng kaibigan namin? Puwes, pinagpustahan ka lang namin,” nang-iinsultong pahayag naman ni Gabby kaya napatda ako. “Hindi totoo iyan! Hindi gagawin sa akin ni Kishree iyan!” malakas kong sigaw sa kanila kahit masakit na masakit na ang buong katawan ko dahil sa bugbog nila. “Really? Kish, why don’t you show him what he really deserves?” nang-uuyam na sambit ni Stella. Doon ay muli akong suminghap. Naririto siya? “Do you really believe that I would like someone like you? Never! Isa ka lamang laruan sa amin. At para mas tumatak sa iyo ang lahat, mamarkahan kita.” Parang dinurog ng pinong-pino ang puso ko nang marinig iyon mula kay Kishree. Hindi ko man nakikita ang mukha niya ngayon ay parang gusto ko na lang mamatay sa sinabi niya. Ngunit muling umalingawngaw sa buong paligid ang malakas na hiyaw ko nang dumikit ang isang napakainit na bagay sa mukha ko. Dito mismo sa balat ko. Hindi ko man nakikita ngunit sigurado akong nagbabagang bakal na sumunog sa balat sa mukha ko ang idinikit ni Kishree. “Is it really hot?” nanunuyang tanong pa niya. Nasundan iyon ng malalakas na tawanan ng mga kaibigan niya. “Bakit? Bakit mo ito ginagawa?” naghihinagpis kong tanong. Hindi ko na napigilan ang maiyak. Hindi lang dahil sa sakit na dinaranas ng katawan ko kung hindi dahil sa pagkawasak ng puso ko. “Bakit? Kasi panget ka at nakakadiri! Sa tuwing yayakapin at hahalikan mo ako, nasusuka ako. Parang bumabaliktad ang sikmura ko at gusto ko na lang mamatay!” sigaw niya sa akin at muling idinikit ang nagbabagang bakal na iyon sa gitna ng dibdib ko. Ang buong akala ko ay mawawalan na ako ng malay sa sakit niyon ngunit mayroon pa palang mas masakit kaysa iyon. Pilit akong ibinangon nina Denzo at Gabby, pagkatapos ay biglang inilubog ang ulo ko sa isang drum yata na may tubig. Pilit akong nanlalaban kahit nanghihina na ang katawan ko pero mas nakahihigit sila sa akin. Dinig na dinig ko ang tawanan nila habang paulit-ulit nila akong inilulublob sa tubig hanggang halos mainom ko na iyon dahil hindi na ako makahinga. Hindi pa sila nakuntento at pinaggugupit nila ang buhok ko. Ngunit ang akala kong matinding hirap ay mayroon pa palang ihihirap. Isang bagay ang idinikit nila sa katawan ko at nagpanginig sa buong katawan ko dahil sa kuryenteng dala niyon. “Ano, ha? Magtatanda ka na ba ngayon?” tumatawang tanong ni Denzo at muling idinikit sa akin ang bagay na iyon. “Huwag! Tama na! Tama na!” sumisigaw ko nang pakiusap ngynit nagtawanan lamang sila at ipinagpatuloy lang ang ginagawa. Hindi ko alam kung ilang boltahe ang tinanggap ng katawan ko dahil lupaypay na ako at talagang wala ng lakas nang huminto sila sa pagkuryente sa akin. “Siguraduhin mong ito na ang huling araw na makikita ka namin. Dahil kapag nagpakita ka pa sa amin ulit, mas matindi pa riyan ang sasapitin mo at idadamay pa namin ang mga magulang mo?” bulong sa akin ni Denzo. Kahit hinang-hina na ako at maging ang paghinga ay tila napakahirap gawin ay namilog ang mga mata ko. Hindi puwedeng danasin nina Mama at Papa ang ganito. Siguradong hindi kakayanin ng mga katawan nila. Hindi ko alam kung sino ang naghatid sa akin pauwi sa bahay. Ngunit ang natatandaan ko lang ay mga kalalakihan iyon at tinakot pa ang mga magulang ko na kapag hindi pa kami aalis ngayon din ay may masamang mangyayari sa amin. “May nakaaway na mga bigating tao ang anak ninyo. Kaya kung mahal ni’yo pa ang mga buhay ninyo, umalis na kayo ngayon!” mahigpit na utos noong lalaking. Hindi ko man lang nasilayan ang mukha dahil talagang nanlalabo na ang paningin ko. “Diyos ko! Ano’ng nangyari sa anak ko?” umiiyak na tanong ni Mama. Hindi na siya sinagot ng mga lalaking naghatid sa akin at umalis na. Nang gabing iyon ay dali-dali ring nagligpit ng mga gamit sina Mama at Papa para makaalis kami sa lugar na iyon. Wala pa rin ako sa tamang huwisyo ngunit kitang-kita ko ang walang tigil na pag-iyak sa takot ng mga magulang ko. “Umuwi na lamang tayo sa probinsya namin sa Surigao. Sino ba ang nakaaway mo anak?” naghihinagpis na pahayag at tanong ni Papa. Pero hindi ako makasagot at umiling lang. Dumaan pa kami sa isang maliit na ospital para magamot ang mga sugat at galos ko. Si Kishree lang ang laman ng isip ko at ang lahat ng katanungang hindi ko alam ang kasagutan. “Misis, kailangan pong ma-confine ng anak ninyo dahil malala po ang paso sa mukha niya,” payo ng doktor. Kumirot ang puso ko nang lalong mag-iiyak si Mama. Gustuhin man naming humingi ng tulong sa mga pulis, wala kaming laban. Maimpluwensya silang lahat at kayang-kaya nilang bayaran ang batas. Isang masaklap na katotohanan para sa mahihirap na mga Pilipinong gaya ko. “Dok, sa ospital sa probinsya na lamang namin siya ipapa-confine. Kailangan na kasi naming makaalis ngayong gabi rin,” may luha ang mga matang sagot ni Mama. Si Papa ay tahimik lang ngunit bakas sa kaniyang mukha ang matinding galit at sama ng loob. Binigyan kami ng referral ng doktor at niresetahan ng gamot na kailangan kong inumin. Sa kalagitnaan ng biyahe ay inatake sa puso si Papa at bago pa man namin marating ang pinakamalapit na ospital ay binawian na siya ng buhay. Naging masalimuot ang buhay namin ni Mama pagkatapos niyon at kinailangan kong magtrabaho kesa ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Dahil wala naman kaming ikabubuhay noon at nabaon pa kami sa utang dahil sa ginastos sa pagpapaburol at libing ni papa ay kung ano-anong trabaho rin ang pinasok ni mama. Naging katulong siya, tumatanggap ng labada habang ako ay namasukan sa isang kumpanya bilang janitor. Nagtinda pa ako ng balot sa gabi para mas mabilis naming mabayaran ang mga pagkakautang namin, lalo at halos wala naman din kaming maasahan sa mga kamag-anak namin. Hindi sa ayaw nilang tumulong, kung hindi naghihikahos din silang gaya namin. Makalipas ang isang taon ay nakilala ni Mama si Vincent Dela Fuerte na isang matandang binatang half American at half Spanish. Inalok niya ng kasal si Mama at pinakiusapan akong tumira na lamang kami sa New York. Dahil sa kaniya ay nabuhayan ako ng loob at bago kami umalis ng bansa ay ipinangako kong babalik ako para paghigantihan ang mga taong umalipusta sa akin at sumira ng buhay ko. Sila ang dahilan kaya maagang nawala si Papa! Unang impormasyong nakuha ko ay nasa matinding krisis ang university. Palihim kong binili ang ilang shares at kinuha ang loob ng Daddy ni Kishree. Napapayag ko siya na maikasal sa akin ang anak niya kapalit ng malaking halagang kailangan niya para makapag-operate na ang ospital at maipagpatuloy din ang maayos na takbo ng buong pamantasan. I hate her so much especially when she kept denying me. Sa tuwing aangkinin ko siya ay para akong mababaliw. Noong high school ay ilang beses nang muntik may mangyari sa amin pero pinipigilan ko ang sarili ko. I respected her so much. Isa pa, menor de edad pa lamang siya noon. Sa tuwing tatanggihan niya ako at iinsultuhin ay lalo lang nag-aapoy sa galit ang daibdib ko. Hindi ko ginustong angkinin siya sa brutal na paraan, pero hindi ko rin kayang magpakita ng kahinaan. Hinding-hindi na niya ako maloloko ulit. Sa totoo lang, masayang-masaya ako noong malaman kong ako ang nakauna sa kaniya at hindi ang nobyo niya. I wanted to be gentle, but I couldn’t. Nilamon ako ng matinding pagnanasa habang inaangkin ko siya. I ignored her pleading and crying. I just indulged myself with the ecstasy of f*****g her roughly. It felt so damn good that I took her three times, the fact that she was a virgin. Kaninang umaga ay biglang nanumbalik sa akin ang bangungot na madalas dumalaw sa akin noon. Palagi kong napapanaginipan noon ang torture na ibinigay sa akin nina Denzo. Paggising ko ay ang mukha agad ni Kishree ang sumalubong sa akin kaya nagdilim ang isip ko. Hindi ko namalayang sinasakal ko na pala siya at napupuno na ng matinding galit ang puso at isip ko. Naalala ko ang mukha ni Papa bago siya nalagutan ng hininga at ang mukha ni Mama na tigib ng matinding pagdurusa at paghihinagpis. But I let her go! My heart was screaming at me to stop. Lumabas ako ng silid at tinungo ang basement. Hingal na hingal ako dahil hindi ko alam kung paano pakakalmahin ang sarili. Bumalik ang lahat sa utak ko na para bang kanina lang nangyari ang lahat. I spent almost an hour there before I went back to our room. Gusto kong mag-sorry sa ginawa kong pananakal sa kaniya pero mas matimbang ang galit ko. Gusto ko siyang saktan. Gusto kong maramdaman niya ang paghihirap ng kalooban ko dahil sa ginawa nila sa akin ng mga kaibigan niya. Ngunit kumunot ang noo ko dahil wala siya sa kuwarto namin. Nang mapalingon naman ako sa glass cabinet ay kumabog ang dibdib ko. Nakatabingi ito na ang ibig sabihin ay nabuksan ang pintuan para sa secret room. “Damn!” Mabilis akong lumapit doon at lalong sumipa ang kabog ng dibdib ko nang makitang nakabukas nga iyon. Pumasok ako at nakita ko roon mismo ang asawa ko. Nakatalikod siya at tila may tinitingnan. “Ano’ng ginagawa mo rito?!” Nagulat siya at nabitiwan ang hawak niya. Nabasag iyon sa sahig at lumitaw ang paborito kong picture namin noong high school. Ngunit lalo lamang iyon nakadagdag sa galit na nararamdaman ko. I saw deep confusion in her beautiful eyes. Tiningnan niya ang nabasag na frame saka muling nag-angat ng paningin sa akin. “Ano’ng ibig sabihin ng mga ito? Bakit mayroon ka ng mga ito?” pasigaw niyang tanong sa akin. Tumiim naman ang mukha ko. Pagkatapos ay itinuro niya ang bandang kanan niya kung nasaan nakapaskil ang maraming mga larawan niya at ng mga kaibigan niya. “Ang mga iyon, ano’ng ibig sabihin ng mga iyon?” sunod pa niyang tanong sa akin. Is it time for her to know the truth? Ito na ba talaga ang tamang panahon para malaman niyang ako ang lalaking pinaasa at sinaktan niya noon? ____________________ At iyan na nga ang nangyari sa nakaraan huhuhu Naiyak ako sa part na kinukuryente siya at sumisigaw sa sakit huhuhu BTW sa mga nagtatanong about sa book, mag-update po ako dito kapag okay na ang price at puwede nang magpa-reserve. Salamat po sa inio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD