Pumasok na kaming dalawa sa loob ng bahay at tinanggal na ang mga sarili naming sapatos, pagod kaming sumandal sa sofa. This day was not as ordinary as I've expected it to be. I sigh before looking at this guy beside me. His eyes were closed as if he did a very tiring work, nakakainggit ang kanyang mga pilik mata dahil mas mahaba at mas malaki pa ito kaysa saakin. He fulfilled his promise not to leave me kahit pa halos maiyak na siya kanina sa baho sa kinalalagyan namin and now he is here again, with me to guard me from harm, Damn this guy is melting my heart.
Iminulat nito ang kanyang mata at dumapo ito agad sa akin kaya napaiwas ako sa pag titig sa kanya. "Mat gusto kong kumain ng tahong" he simply said pero it gave me a different impact "A-anong tahong" nauutal kong sabi sakanya which made him chuckle, ugh pati pag tawa niya ang hot. "The food Mat, I'm talking about the food cutie. Mussels, tahong" i froze when i realize kung ano ang ibig niyang sabihin .he pinched my cheeks at napatalon ako sa gulat dahil sa ginawa niya "U-uhm right tahong yung mussels yung nakukuha sa dagat, t-the food na may shell a ha ha ha you're right" napahiyang sabi ko sakanya at dumiretso na sa kusina para magluto ng aming hapunan. Damn Mat ano ba kasing iniisip mo.
Matapos kung nag luto ay nag inihanda kona ang gagamitin naming plato at kutsara. Nang lingunin ko si Calvin ay nakangalumbaba itong tumititig sa akin. He is smiling at me from ear to ear. "W-what?" I ask over. "Nothing, it's just so nice having this view in front of me." His smile never faded kahit sa pag tayo nito ay patuloy parin itong nakatingin sa akin habang nakangiti. "Mag uhmm maliligo lang ako sa bahay Mat, babalik din ako agad. Ikaw rin maligo kana rin" sabi nito saakin. "Cge tapos kain na tayo" inunahan ko na itong tumalikod at nag tungo na sa banyo.
Habang naliligo ako ay hindi ko maiwasang magtaka kung paano nangyari iyon, ang pag kawala ng bangkay. Nakakapangilabot ang nangyayari. Parang wala talagang bakas ng krimen ang naganap sa bahay na iyon. Kung sana lang ay may kasama kaming nakarinig ng putok ng baril ay mas madali sana para sa amin para maimbestigahan ang nangyari. Nakakapagtaka pa rin talaga at tanging kami lang ni Calvin ang nandito sa lugar namin ng gabing may putok ng baril.Masyado siyang demonyo, naglalaro parin sa isip ko ang imahe ng babaeng iisa lang ang mata, ang dugo nitong halos sakupin na ang kanyang ulo. Ang daga kaninang umaga. Unang pakulo pa lamang ng demonyong iyon ay nakakapangilabot na para sa akin.
I'm scared baka mapahamak si Calvin sa mga ito, he only think of my safety. I adore him. Malas ngalang at wala akong maalala tungkol sa kanya. But it's a good thing that we're opening a new chapter of our story, i guess. The way my parents died, I can never forget it. It's terrifying. Noong nawala sila halos hindi ko na alam kung anong mangyayari sa buhay ko. After what happen ay nagpasya akong umalis muna dito sa bahay naming at nagtungo sa ibang lugar to unwind but i guess it doesn't help. Sa school palang ay nanlulumo na akong pumasok dahil narin sa mga nararanasan ko sa mga kaklase ko noon.
I strive hard to finish my studies nang sa gayon ay matupad ko parin ang pangarap ko, kahit mag isa nalang. I became a prosecutor but my conscience, it bothers me. Parang sinasabi nito na dapat kong hanapin ang lapastangang kumitil sa buhay ng mga magulang ko.
I quit my job. I can survive naman kasi kahit wala kong trabaho. My dad's gift for me on my 16th birthday is a black card and a letter from him. Kahit anong gusto kong bilhin ay nabibili ko dahil sa black card na regalo ni Daddy, i miss him. I miss how we bond. My Mom, miss ko na ang lahat sa kanila.
Ang kapatid ko, ang kapatid kong wala namang kasalanan pero nadawit parin. Nakakapanghina ng loob, hindi manlang niya naranasang Makita ang mundo. I pity him more than myself.
Kung maaari ko lang ibalik ang nakaraan sana pala hindi na ako nagpakaduwag noon, sana pala pinatay ko na ang demonyong iyon. That bastard with a moon tattoo. Fvck him to death. I'll sure catch him at pagbabayarin ko siya sa lahat. I'll kill him the way he killed my loved ones.
Kinuha ko na ang aking tuwalya at ipinalupot ko na ito sa aking katawan. Humarap ako sa salamin na kaharap ng pintuan ng banyo para sana gawin ang aking skin care ngunit nanlaki na lamang ang aking mata at bumigat ang aking paghinga sa nakita ko sa aking likod. s**t what the heck is happening. Isang mata ang nakalagay sa likod ng pintuan habang dumadanak pa ang dugo nito.
Hindi ko na napigilan pa ang sumigaw dahil sa takot ko.
"AHHHHHHHH!!" hindi ko magawang maka alis sa aking kinatatayuan, umiiyak na ako sa takot. Hindi ko na alam ang aking gagawin at tanging pag sigaw at pag iyak nalang ang nagawa ko. He resume doing his schemes again. f**k he is horrifying!
Narinig ko ang pag bukas ng pintuan sa aking likod at nanlalabo kong nakita ang nag aalalang mukha ni Calvin sa repleksyon sa salamin. Cal i need you. I badly need you.
Iniharap niya ako sa kanya at doon ay napayakap nalang ako sakanya. Natatakot na ako, simula palang ng kanyang laro ay grabe na siya kung umatake. Yinakap niya ako pabalik at pinapatahan niya ako.
"What happen Mat? Bat ka sumigaw. Shh wag kang umiyak ano bang nangyayari" nagaalala ang kanyang boses habang tinatanong ako.
"C-cal m-may mata" mas lalong lumakas ang hagulgol ko hindi ko magawang magsalita ng maayos kaya itinuro ko na lamang pintuan sa aming likod. Naramdaman ko ang pag baling niya sa direksyong aking itinuro at napamura siya sa nakita. Iginaya niya ako papalabas sa banyo ngunit hindi parin kami kumakalas sa yakap naming dalawa. It looks awkward pero hindi ko na kayang isipin pa iyan.
Umupo kaming dalawa sa couch, narealize kong nakatapis lang pala ako ng twalya kaya kinuha ko ang unan para takpan ang halos hubo kong katawan. s**t nakakahiya.
"Are you okay now?" napatango lang ako at napasinghot.
"I-i was just shocked" depensa ko
"It's fine, pano kaya napunta ang mata doon Mat" nag aalangang tanong niya. Napapikit ako ng mariin ng maalala ko na naman ang mata sa loob ng banyo.
"I don't know Cal, it's not safe here anymore. Nakakapasok na siya. He is just here watching me, us" pahina ng pahina kong sabi sakanya.
"I'll stay with you, tama na ang pag iyak. Kunin natin ang eyeball, maybe we can find any finger print doon. Evidence" he said. Tumango nalang ako "Can you remove it later? Di ko kayang tignan ulit Cal" Nginitian niya ako. "Of course love, anything for you. Calm down I'm here"
"Tara sa taas Cal" aya ko sa kanya
"B-bakit? Saan?" sabi nito
"Sa kwarto"
"H-ha bakit? Anong gagawin natin sa kwarto?" nauutal niyang sabi sa akin habang umiiwas sa mga tingin sa akin. Tsk
"It's not that we are having s*x Cal, samahan mo lang ako. Mag bibihis ako. I'm afraid to be alone"
" ahh ganun ba? Ok tara"
We climbed upstairs at nagtungo sa aking kwarto. "Lumikod ka na" utos ko at ginawa niya naman. Nakaupo lang ito sa kama habang hinaharap ang diding habang ako naman ay nag bihis na ng payapa. "Tapos na Cal" I wore my violet pajama habang siya naman ay naka oversized shirt at sweatpants. "Tara na sa baba, kain na tayo" aniya bago kami lumabas.
Hindi ko magawang kumain ng maayos dahil sa nakita ko kanina, nakakadiri. I should install cctv para malaman ko kung sino ang pumapasok dito sa bahay. We ate silently, hindi ko magawang dumada ng dumada, parang umurong ang dila ko dahil nakita ko. "You okay?" tanong niya at tanging pag tango lang ang naging tugon ko. Natapos na kaming kumain at nagpasya ng matulog.
"Saan ka hihiga?"
"Dito nalang sa sala"
"Don kana sa kwarto"
"S-sa kwarto mo? Huwag baka kung anong magawa ko"
"hindi sa kwarto ko sira! May guest room sa bahay doon sa tabi ng kwarto ko doon ka nalang"
Napakamot ito sa kanyang batok sabay tango. Nang nasa harap na kami ng kanya kanya naming pintuan ay sabay kaming napalingon sa isa't isa. "A-ah goodnight Mat, pasok kana" sabi nito "Ge goodnight din" at pumasok na ako sa aking kwarto.