VIII. MAGIC SHOP

1347 Words
Nagising ako mula sa mahimbing kong tulog ng maramdaman ko ang sakit ng ulo ko s**t! Parang may nakapatong na mabigat na bagay sa aking ulo, idinilat ko ng tuluyan ang mga mata ko at nakita ko ang mala anghel na mukha ni Calvin. Nakatitig ito saakin habang nakangiti ng abot tenga. "I'm glad you're awake, bangon ka na at kumain na tayo sa baba" hindi maalis ang ngiti sa kanyang mukha, he quit staring at me but then bumaling na naman ito sa akin he then chuckle. May laway ba ako sa mukha? Agad agad kong kinapa ang aking mukha kung may natuyung laway dito ngunit wala. E anong tinatawa tawa niya? Tsk "Anong oras na ba? Tanong ko sakanya at agarang bumangon sana para silipin ang bintana sa aking kaliwa ngunit ng sinubukan kong biglaang bumangon ay naramdaman ko ang sakit ng aking ulo. Shit! Ang sakit! "Woi woi bakit? May lagnat kaba?" nag aalala niyang sabi at agad na inilapat ang likod ng kanyang palad sa aking noo. Iginaya niya ako para mahigang muli. Hindi na ako tumanggi pa dahil hindi ko kaya ang sakit. Ughh ba't ngayon pa. Maingat niya akong kinumutan, banayad niyang hinaplos ang aking buhok, sa ginawa niyang ay napapikit ang aking mata. "Wait up baby I'll just get some food and meds for you" malambing ang kanyang tono. Before he was able to leave my sight I immediately grab his hand at with that ay napalingon siya sa akin. "Miss mo na ako agad?!" nakangisi niyang sabi sa akin. Fvck! Bat ko ba kasi ginawa iyon? Urghh ang tanga ko talaga. "Ang hangin mo naman! Pinaglihi ka ba ng Mama mo sa Electric fan?! A-ano b-buksan mo yun" nauutal kong apela sa kanya at itinuro ang bintana na natatakpan ng kulay ubeng kurtina. "Yes Madam! Hahhah nautal pa." Binuksan niya ito at tumambad sa akin ang madilim na kalsada na tanging sinag lamang mula sa buwan ang nagbibigay ng kaunting buhay sa malamig na gabi. Nais ko mang umuwi sa bahay ay hindi ko magawa dahil sa sama ng pakiramdam ko ni simpleng pag bangon nga hindi ko pa magawa. Hay buhay. "Sandali at kukunin ko na ang dapat kong kunin, gusto mo bang manuod muna ng Tv?" napatango nalang ako sa sinabi niya. Agad niyang binuksan ito at inilahad sa akin ang remote bago ito umalis. Agad kong linagay ang channel sa boomerang para manood ng cartoons hihi, tabudi!! Ang kukyut kasi nila hahah. Bahagya akong napapatawa kapag pumapalpak ang grizzly bear amputek haahah Nasa kalagitnaan ako ng aking panunuod nang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Calvin namay hawak na mini table na may lamang pag kain, juice at tubig. Dahan dahan niya itong inilapag sa harap ko bago ito tumabi sa akin. "Oh bat ka tumabi sa akin?" pabiro kong tanong sa kanya at natigilan naman ito hahahha hindi ko na napigilan pa ang pagtawa dahil sa naging reaksyon niya. "HAHHAH ang epic ng reaksyon mo sis! Pang Hollywood ang peg! " I giggled even more when his eyebrows meet, Hell I'm enjoying this! "Stop it Mat kung ayaw mong kainin kita imbis na itong linuto ko ang kainin ko" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, napatahimik ako at siya naman ang sumunod na humagalpak ng tawa. Hmmmp badtrip. "Hahaha tama na nga baka totohanin ko pa. Eat lady habang mainit at masarap pa ang hotdog ko" pareho kaming natahimik dahil sa sinabi niya. Ang manyak pakinggan ampustpa. "I-i mean itong hotdog na niluto ko" tumikhim ito at tinusok ang hotdog na niluto niya at siya rin namang ginawa ko. Payapa kaming kumakain ni Calvin, errr awkward bat ba kasi sinabi niya yon. "Pwede ko bang ilipat yung channel?" pagpapaalam niya sa akin "Sure, total pag aari mo naman yung Tv" sabi ko "What's mine is also yours babe, I'll marry you once everything is settled" he smiled " Dzuhh si Jungkook ang papakasalan ko no" i saw how his eyes darken, umigting ang panga nito gaya ng mga jboys ni jonaxx. Putagris! "You're making me jealous Mat. Stop it mas pogi pa ako sa mga koreano mo lalo na sa Jungkook na yan" singhal nito bago itinuon ang pansin sa kanyang pinapanood habang kumakain. Napangiti nalang ako, damn what a cutie he is. "Kamakailan lang ay nasawi ang pambang oppa ng pinas na si Emman Nimendez at ngayon naman ay isang kilalang Youtuber na si Lloyd Cadena ang nasawi na nagpagimbal sa mga manonood at sumosuporta sa nasabing Youtuber------" Pareho kaming natigilan sa pag kain ni Calvin sa narinig naming balita. Anong nangyayari 2020? Another flower once again left its million butterflies. Nakakalungkot isipin, kung sino pa ang mabubuti ay yun pa ang unang nawawala sa mundo. Life is really unpredictable. We can't escape death. "You know what Mat, let's just eat ililipat ko nalang ang channel para mawala ang sadness hays manuod nalang tayo ng MV" napangiti ako sa sinabi niya, Calvin connected his phone sa Tv at ini open ang Youtube nito. We eat happily habang sumasabay pa sa kanta ng mga idols namin. I'm comfortable when I'm with him. I guess his right sa sinabi niyang we've known each other for a long time. It's just that there is still a part of me na nagdududa dahil yun nga, wala akong maalala tungkol sa kanya. Sabay kaming napakanta ni Cal ng dumating na ang chorus ng kanta "sarangeul haettda uriga manna jiuji mothal chuoegi dwaessda, bolmanhan mellodeulama gwaenchanan gyeolmal. Geugeomyeon dwaessda neol saranghaessda" "Akala ko noong una it was a love song" "Same sis, same" " I watch the lyrics video then I saw the English lyrics booom! Break up song pala haha" sabi niya at napatango nalang ako. Tutulungan ko na sana siyang magligpit ng pinagkainan namin pero tumanggi siyang tulungan ko ito. Pinanood ko siya habang inaayos niya ang pinagkainan namin, I'm mesmerize by the view in front of me. Parang si Michael Angelo mismo ang humulma sa mukha ng lalaking ito. It looks perfect to me. Damn ulam. "Hinay hinay sa kakatitig Mat, wag kang mag alala. Makikita mo ang mukhang ito kada pag gising mo sa umaga hihi" ngumisi ito sa akin. Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya. Hayys mahangin talaga. Pagkatapos niyang iligpit ang pinagkainan naming ay iniabot niya sa akin ang gamot ko at ang tubig. Agad ko itong tinanggap at agarang linunok ang gamot at mabilis ko pa sa kidlat kong linagok ang tubig. Napangiwi ako sa lasa. Pweee ang bitter! "You look really cute Mat" "Alam ko, nasa angkan talaga naming ang pagiging cute Calvin. Ba't sainyo mukhang hindi?" asar ko sakanya. Pinanliitan niya ako ng mata "Alam mo kung bakit?" "Bakit?" "Pwet mo may raket!" Tumawa ito ng pagkalakas lakas. Lakas ng amats mo tol!! "Tsee ewan ko sayo" pikon kong sabi at inirapan siya "Hindi kami kyut Mat, masarap kasi kami. Rarrrww!" biro nito, well well well tama naman hahahaha hindi ko na itatanggi dahil tama naman siya sa part na yon. Masarap siya, masarap siya mag luto, Masarap yung hotdog niya. "Magpahinga ka nanga lang jan Mat, baka lumala pa yang lagnat mo" he demanded at akmang kukumutan na niya sana ako ngunit hinawi ko ito. I'm not sleepy. "Sing for me Calvin." I requested which made him shocked. Hindi siya umimik kaya naman tinalikuran ko na lamang ito. Tsk hindi ata marunong. Pinilit kong isara ang aking mata para matulog not until i heard him sing. Napalingon ako sa kanya. "It really hurtzz~~ ang magmahal ng ganito----" kanta niya habang pa giling giling pa ang gago. May ubo nga talaga ito sa utak. Napatigil ito sa pagkanta at napalitan ng nakakabinging tawa ang kwartong kinaroroonan naming. Binatukan ko siya. Ughhh! Bwisit na to puro kalokohan. "Ouch baby! Oo na kakanta na ito naman hindi mabiro" pag irap lang ang naging tugon ko sa kanya. "Naaalala mo paba, nung tayo'y mga bata pa. Nagtatampisaw sa ulan habang ako'y dahan dahang nahuhulog sa yong mga ngiti na kay tamis ngunit ang puso ko'y nalilito parin. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman sapagkat-----" Natigilan si Calvin sa pagkanta at nagulat kami ng makarinig kami ng putok ng baril. s**t! What the fvck is that? Agad na sumiksik ako kay Calvin, natatakot ako. Halos maiyak na ako satakot ngunit yinakap ako ni Calvin, mumunting hikbi ang lumabas mula sa akin. Hinagod niya ang aking likod upang pakalmahin ako. "Stay calm baby, breathe. I'll keep you safe" huling narinig ko bago ako hinila ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD