VII. THE UNTOLD TRUTH

1286 Words
KLEIN'S  Hindi maproseso ng utak ko ang mga naririnig ko mula kay Matilda, Hindi kapanipaniwala. If they were killed then why didn't she reported it to the police? It's far-fetched. "I tried to report it from the police but no one believed in me Cal akala nila nababaliw lang ako, i was so hopeless that time i'm miserable, the killer didn't leave any trace. His crime was a perfect murder" pag sagot niya sa tanong ko kahit hindi ko pa ito sinasabi. "Wait wait Matilda, are you sure about that? baka nagkakamali ka lang" apela ko sakanya. hindi kasi kapanipaniwala. "I bet my life if i am lying Cal. I saw it with my own eyes. Nakita ko kung paano sila pinatay. I saw how the culprit take my Dad's eye as if it's just a normal thing to do." humagulgul na siya ng iyak. She's hurt, again. "Demonyo siya! Nasaksihan ko mismo kung paano niya giniletan sa leeg si Mommy! Naligo sila sa mga sarili nilang dugo Calvin. Hindi yung mabubura sa isip at habang buhay na itong nakatanim sa utak ko. He even killed my little brother inside my mothers womb! f**k you you bastard! you'll rot in hell you'll see!" she cried in anger "Wala akong magawa noon, and i regret that. I was so dumb that time. I fainted after what i saw at nagising nalang akong napakalinis na ng bahay na parang walang karumaldumal na nangyari."  I can't afford seeing my girl being hurt like this. Damn! i should have tried my best to find her that time. Kung hindi lang sana ako naging duwag. As i hug her she cried even more. She's the most pitiful girl I've known. Be brave love you'll soon claim the justice you deserve. "Hush baby, we'll soon find out who that bastard is at pagbabayarin natin siya." pagpapakalma ko sa kanya.  "I'll kill him Cal, I'll  surely kill him. Buhay kapalit ng buhay" she said before falling again to sleep. Iba talaga ang nagagawa ng galit. Maingat ko siyang inihiga sa aking kama. She looks good in my bed hmmm. I stared at her for a while, she's indeed a beautiful disaster. I wonder how she manage to live all alone for four years. When she left, i became a complete mess. She's the last thing i can hold on at iniwan pa niya ako pero hindi ko alam na mas malala pala ang naranasan niya more than i imagine.  Di umano ay nag ring ang aking cellphone, may tumatawag. I swipe the green icon and place my Phone at my left ear. "Anak kamusta ka na diyan?" it's my Dad "I'm fine Dad, when will you comeback?" i ask him at narinig ko ang pag buntong hininga niya sa kabilang linya. Here we go again, alam ko na kung anong susunod niyang sasabihin. Kabisado ko na siya "Sorry son, i don't know yet masyado pa kasi kaming busy ng Mommy Ryse mo sa business. Just be patient ok? " As expected busy parin sila. I'm not surprised anymore. Once in a blue sila kung dumalaw sa akin.  "Goodbye then just say hi to Mommy for me Dad"  pinatay ko na ang tawag. I'm not being rude to him it's just that nakakasawa na nag treatment nila sa akin. Palagi silang busy sa Brief Company namin tsk. Funny it may seem pero my name was after a brand of brief, Calvin Klein. Matilda was right.  Inilapag ko ang cellphone ko sa aking side table at sinamahang humiga si Mat. I miss having this kind of interaction with her. i open my hands and let it be her pillow. This is satisfying. Kalaunan ay nakaramdam na ako ng antok. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Ahhhhhh!" napabangon ako sa higaan ko ng marinig ko ang isang sigaw mula sa aming kusina. Hindi na ako nag abala pang isuot ang aking tsinelas dahil tila ba nagsusumamo ng tulong ang sigaw na aking narinig. Malapit na akong makarating ngunit bago ko pa man maapakan ang sahig ng aming kusina ay napatigil ako sa aking narinig. Boses ni Mommy. "Please please spare our daughter! she have nothing to do with this." pag mamakaawa nitong sambit sa bulto ng lalaking nakatalikod sa akin. nanlaki ang aking mga mata ng masilayan ko ang kalagayan ng mga magulang ko. Naka gapus sila sa upuan sa aming dining area habang ang bibig ni Daddy ay natakpan gamit ang panyo at tanging si Mommy lang ang malayang nakakapagsalita. s**t what is happening?  nanigas ako sa aking kinatatayuan. "Shut up Eva! kung sana ay tumupad ka lang sa usapan noon hindi sana tayo hahantong sa ganitong sitwasyon!!" galit na galit na sabi ng lalaki at agad na sinampal niya si Mommy. Napatakip ako sa aking bibig para pigilan ang aking pag hagulgol. Napadaing si Mommy dahil sa sakit ng sampal ng demonyong nasa harapan ko. "Ikaw naman Eduardo!" baling nito kay Daddy na nagpupumilit na pumiglas mula sa pag kakagapos sa kanya. It doesn't help Dad. Naguguluhan ako sa nangyayari. Pinipigilan ko ang aking paghikbi dahil sa oras na marinig niya ako ay tiyak na papatayin niya ako.  "Masyado kang pakialamero! kung sana nakuntento ka at tinanggap nalang ang dapat tanggapin ay hindi sana kayo ngayon mamamatay. HAHAHAHA!" tumawa ang lalaki ng nakakakilabot. Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan sa tawa niya, tawa ng isang demonyo. hindi magkamayaw ang pagpatak ng aking luha. "I'll spare your daughter Eva, swerte niya at wala siya dito." sambit niya. Wala siyang ka alam alam na narito ako ngayon sa likod niya, pinapanood kung gaano siya ka demonyo. "Pero malas ngalang ng bata sa sinapupunan mo hahahhaa, hindi na niya masisilayan ang liwanag" my brother! i have a brother. Gustuhin ko man silang iligtas ay hindi ko magawa, hindi ko kaya. Narinig ko ang pag iyak nina Mommy at Daddy. " Ganto nalang Eduardo, para hindi mo makita kung paano mawalan ng buhay ang asawa mo at magiging anak mo sana. Tanggalin nalang natin yang mata mo para hindi mo makita, hmm" Nanlaki ang aking mata sa kanyang sinabi. Hahakbang na sana ako para sugurin ang lalaki ng marinig ko ang mumunting daing ni Mommy ng makita ako. Kumikislap ang kanyang mata dahil sa mga luhang nagbabadyang lumabas. Dahan dahan siyang umiling saakin. Naintindihan ko ang nais niyang sabihin.  But, my Dad.  "HAHAHAHAHA Eva pagmasdan mo itong putangina mong asawa! " napalingon si Mommy. Napabaling ako sa direksyon ni Daddy at nakita ko, nakita mismo ng dalawa kong mata kung paano ipinasok ng lalaki ang kanyang mga daliri sa mismong mata ni Daddy, sumaloy ang naparaming dugo mula dito. Nanlumo ako sa aking kinalalagyan ng nakita kong nagtagumpay ang demonyo sa pag hugot sa mata ng aking ama. Gusto kong sumigaw ng tulong ngunit tila may nakabara sa aking lalamunan.  Pinuno ng sigaw ng aking mga magulang ang apat na sulok na silid na aming kinalalagyan.  Malalaki ang naging paghinga ni Mommy habang pinagmamasdan ang aming haligi ng tahanan na walang mga mata na kalaunan din ay nawalan na ng buhay. Hindi makapaniwalang pinagmasdan ko ang bangkay ng sarili kong Ama. Daddy! Daddy ko!! "Oh ano Eva ikaw naman ang susunod!" rinig ko sa tuno niya ang matinding galak. Hayop ka! "Just do it son of a b***h! Just do it! but don't you ever touch my daughter ni hibla ng buhok niya huwag mong hahawakang hayop ka! You'll rot in hell I'll make sure of that." galit na sabi ni Mommy "Owss talaga? see you both then!"  "Do you know why we named her Matilda?" "I don't care you b***h!" "Matilda, mighty in battle!" nakita ko ang ngisi sa mga labi ni Mommy ng biglang umalingasaw ang nakakabinging putok ng baril. My mother died, My father died and my innocent brother also died.  Matapos barilin ng demonyo ang mga magulang ko ay pumanhik na ito sa pinto para umalis. Bago ako mawalan ng ulirat  ay nakita kong tinanggal nito ang kanyang itim na jacket at doon, Nakita ko ang palatandaan ng demonyong ito. Sa kanyang kamay, a tattoo of a moon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD