04

2186 Words
Kinabukasan ay napabalikwas nang bangon si Jillian nang mapansin niyang maliwanag na ang paligid. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa loob ng kanilang silid. Wala roon si Nathan. Sumunod niyang tiningnan ang kaniyang kasuotan. Bahagya siyang nagtaka kung bakit nakasuot siya ng damit. Binihisan ba siya ni Nathan pagkatapos ng nangyari sa kanila kagabi? “Mabuti naman at gising ka na.” Nagulat si Jillian nang marinig ang boses ng binata. Nakadungaw ito sa mga pinto at nakangiti sa kaniya. Lumapit si Nathan sa kaniya at dinama ang kaniyang noo. “Masama ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo?” Isa lang naman ang masakit kay Jillian ngayon at iyon ay ang sensitibong parte niya sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Pakiramdam niya ay hindi niya kayang tumayo dahil sa sobrang hapdi nito. Ganoon yata talaga kapag unang beses iyong nangyari sa’yo. “Hindi ako makalakad.” “Gusto mong tumayo? Aalalayan kita.” Hanggang sa makarating siya ng banyo ay nakaalalay sa kaniya si Nathan. Nang matapos siyang maglinis ng katawan ay naroon pa rin ito at naghihintay sa kaniya. Nagpalit lang siya ng damit para maging presko ang kaniyang pakiramdam. “Kaya mo bang kumain? Gusto mo bang subuan kita?” “Hindi naman ako imbalido, Sir.” “Nathan, call me Nathan.” “Pero boss kita, hindi naman yata tama na hindi kita igalang.” “Pagkatapos ng nangyari sa atin kagabi sa tingin mo ba mananatiling boss at sekretarya ang turingan natin sa isa’t-isa?” “Anong ibig mong sabihin?” “Jillian, we’re more than that. Something happened. You’ve lost something at hindi ako papayag na hindi ko iyan paninindigan.” Mahinang tumawa si Jillian. “Kung umakto ka ay para namang nabuntis mo ako. Isang beses lang naman nating ginawa.” “Wala lang ba sa’yo ang nangyari sa atin?” tila naiinis na tanong nito sa kaniya. Siyempre meron, ani Jillian sa kaniyang isip. Importante sa kaniya ang nangyari sa kanila. Hindi nga lang niya alam kung paano haharapin iyon dahil natatakot siya. Natatakot siya na baka kaya lang ito nagiging mabait sa kaniya ay dahil lang may nangyari sa kanila. Ito kasi ang hirap kay Jillian, mukha lang siyang cool na tao, pero ang totoo ay ibang klase siya kung mag-overthink. “Kumain na tayo, Sir. Nagugutom na ako.” Panay ang buntong-hininga ni Nathan habang nakatingin sa kaniya. Dinaig pa nitong pasan ang mundo sa tuwing nakikita niyang umaaktong normal. Nagagawa pang ngumiti sa kaniya ng dalaga. Mabilis na lumipas ang mga araw. Halos dalawang linggo nalang ang hinihintay nila para makabalik sa mainland. May mga pagkakataong kinakausap naman siya ni Jillian, pero kadalasan ay naka-focus ito sa mga gawain sa kanilang tinitirahan. “Yung totoo, galit ka ba sa akin, Jill?” “Bakit naman ako magagalit sa’yo? Wala ka namang ginagawang masama sa akin. Saka isa pa, kung galit ako, sa tingin mo ba ay kakausapin pa kita?” “Ang laki ng pinagbago mo, Jillian. Hindi ko alam kung paano mo nagagawang umakto nang normal pagkatapos ng nangyari sa atin?” “Ano bang gusto mong gawin ko?” “Gusto ko ay kausapin mo ako.” “Kinakausap naman kita.” “Pero hindi mo ako matingnan sa mga mata.” Umayos nang tayo ang dalaga at naglakad palapit sa kaniya. Diretso siya nitong tinitigan sa kaniyang mga mata. “Oh, nagagawa ko naman.” “That’s not what I meant.” “Eh ano nga ba ang gusto mong iparating?” “I want you to like me back?” “Ano?” gulat na gulat na tanong ni Jillian sa kaniya. Inabot niya naman ang mga kamay nito. “Hindi ko alam kung paano mo nagagawang umakto nang ganiyan. Na parang hindi big deal sa’yo ang namagitan sa atin noong gabing iyon? Jillian, halos mabaliw ako kakaisip sa’yo. Kapag natutulog tayo gustong-gusto kitang yakapin. Kapag ngumingiti ka sa akin, gusto kong lumapit sa’yo para halikan ka.” Nakagat ni Jillian ang kaniyang ibabang labi at yumuko. “Gusto mo ako?” nag-aalangan nitong tanong. “Oo, gusto kita.” “Paano kung ngayon lang iyan? Paano kapag na-realize mong hindi mo naman pala ako gusto kapag balik natin sa siyudad?” “That’s impossible.” “Everything is possible, Nathan.” “Alright then, what do you want me to do?” “Hindi ko rin alam. Katulad mo, pakiramdam ko rin ay mababaliw ako kapag iniisip kita. Hindi ko lang pinahahalata dahil baka isipin mo na hulog na hulog ang loob ko sa’yo at baka tawanan mo lang ako.” Hinawakan ni Nathan ang magkabilang pisngi ni Jillian. “Bakit naman kita pagtatawanan? Gusto kita, Jillian. Alam kong masyadong mabilis. Pero noon pa man napapansin na kita. Bakit sa tingin mong hinayaan kitang magtagal bilang sekretarya ko kung hindi kita gusto?” “Bakit ka palaging masungit sa akin kung gusto mo ako?” “Dahil iyon ang natural na ugali ko. Pero kapag kasama kita, kapag naririnig ko ang boses mo at sa tuwing inaasar mo ako, Jillian pakiramdam ko palaging tumatalon ang puso ko.” “Ang sabi mo noon ay hindi mo ako gusto hindi ba?” “Sa tingin mo ba kaya kong aminin sa’yo ang nararamdaman ko, gayong alam kong inis na inis ka sa akin?” Napangiti si Jillian sa tinuran ni Nathan. Siya na mismo ang tumawid sa maliit na pagitan ng kanilang mukha para mahalikan ang binata. Buong puso namang tinugon ni Nathan ang halik na binigay niya. Hanggang sa muli na namang may naganap sa pagitan nilang dalawa. Nagkaayos na sila at opisyal nang magkasintahan. Sinagot ni Jillian ang binata pagkalipas ng ilang araw nitong panliligaw sa kaniya. Ayaw na rin niyang patagalin. Alam niya rin naman doon patungo ang relasyon nilang dalawa. Isang umaga, maagang bumangon si Jillian nang maramdaman ang pagkulo ng kaniyang sikmura. Hindi niya alam kung bakit umagang-umaga ay naduduwal siya. Kinailangan pa niyang magtungo sa likod ng bahay para dumuwal. Narinig niya ang pagsunod ng binata. “Jillian, may sakit ka ba? Anong problema?” Umiling si Jillian. “Hindi ko alam. Masakit ang ulo ko. Masama ang pakiramdam ko. Gusto ko muling bumalik sa higaan.” Inalalayan ni Nathan ang kaniyang kasintahan pabalik ng kanilang silid. “Gusto mo bang ipagluto kita ng lugaw?” Tipid na tumango lang si Jillian sa kaniya. Habang abala si Nathan sa pag-aasikaso ng kanilang pagkain sa umagang iyon ay bumisita naman sa kanila ang dalawang lalaki na sina Eli at Raul na naging matalik nang kaibigan ni Nathan. “Oh, hindi pa ba bumabangon si Jillian para mag-asikaso rito sa kusina?” “Masama ang pakiramdam ni Jillian. Gumising siya kanina at mabilis na tumakbo sa likod para dumuwal.” “Ah, normal talaga iyan sa mga babaeng buntis. Ang sabi ng asawa kong si Amara ay umaabot sa ikatlong buwan ng pagbubuntis ng isang babae ang pagduduwal, marahil iyon ang dahilan kung bakit masama ang pakiramdam niya.” Kumunot ang noo ni Nathan nang marinig ang sinabi ni Eli. “Ganoon ang sintomas ng isang babaeng nagbubuntis?” “Oo, bakit, hindi mo ba alam? Naku, Nathan, marami ka pang kailangang aralin. Siya nga pala, dumaan lang kami rito ni Raul para ipaalam sa inyo na kaarawan ng Pinuno, imbitado tayong lahat sa selebrasyon.” “Hindi ko alam kung makakapunta kami lalo na sa kalagayan ni Jillian ngayon.” “Sige, ipagbabalot nalang namin kayo ng pagkain para maihatid namin dito mamaya.” Nagpasalamat siya sa kaniyang mga kaibigan. Habang nasa kusina siya ay hindi maalis sa kaniyang isipan ang narinig kanina. Para tanggapin sila sa komunidad na ito ay kailangan nilang magpanggap na mag-asawa at ang alam ng lahat ay nagdadalantao si Jillian. Dalawang beses palang mayroong nangyari sa kanilang dalawa. Buntis nga kaya ito? “Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?” “Medyo okay na. May mga oras lang na naduduwal ako. May sakit yata ako.” “Have you had your menstruation this month?” Nanlalaki ang mga mata ni Jillian. Mabilis siyang tumayo at patakbong nagtungo palapit sa kalendaryong nakasabit sa pinto ng kanilang silid. Nang makita niya ang petsa ay mas lalo siyang kinabahan. “Delayed ako, Nathan.” “Is it possible that you’re pregnant?” Kinabahan si Jillian. Hindi siya handa sa mga ganito. Paano nga kung buntis siya? “Hindi ako magagalit kung buntis ka. Tatanggapin kita at ang bata na nasa iyong sinapupunan. Paninindigan kita.” Mangiyak-ngiyak na lumapit si Jillian sa kaniya para yumakap. “Shh, don’t cry. Nandito lang ako, hindi kita iiwan.” Sa natitirang araw nilang pananatili sa lugar na iyon ay ginawa ni Nathan ang lahat para alagaan si Jilian. At nang sumapit ang araw ng kanilang pag-alis, malaki ang naging pasasalamat nila sa mga taong tumulong sa kanila lalo na ang mga taong taga-roon. “Babalik ho kami rito at magbibigay ng tulong sa inyo, iyan ang pangako ko.” Lumapit si Eli kay Nathan. “Siya nga pala, Nathan, may hindi kami nasabi sa’yo ni Raul. Iyong alak na binigay ko sa’yo noong unang gabi niyo ni Jillian dito, may halong aphrodisiac ang alak na iyon.” Nagkatinginan sina Nathan at Jillian. “Alam naming hindi talaga kayo mag-asawa. Alam din naming hindi buntis si Jillian.” “Ano?” Ngumiti ang dalawa niyang kaibigan. “Kaya nga kami na ang gumawa ng paraan para magkatotoo ang mga sinabi niyo.” “Pero bakit hindi niyo kami sinumbong sa pinuno?” “Dahil alam naming ginawa niyo lang ang bagay na iyon para iligtas ang mga sarili niyo. Isa pa, naging mabait din naman kayo sa amin.” Hindi makapaniwala sina Nathan at Jillian sa kanilang nalaman. Kaya hanggang sa pagbalik nila sa mainland, iyon pa rin ang pinag-uusapan nilang dalawa. Tuwang-tuwa ang kanilang mga pamilya nang makita silang buhay. Ibinahagi nilang dalawa ang tungkol sa nangyari ngunit hindi nila binanggit ang pagkakaroon nila ng relasyon. “Sa tingin ko ay kailangan ko munang umuwi sa probinsiya namin.” “Bakit? Ayaw mo na bang magtrabaho sa akin? Akala ko ba ay okay tayong dalawa?" “Okay naman tayo. Pero madalas kasi ay nakakaramdam ako ng pagod. Hindi ko alam kung kaya ko pang maging sekretarya mo.” “Edi huwag ka munang magtrabaho, gusto mo bang doon ka muna sa condo ko? Para magkasama na tayo.” Umiling si Jillian. “Kapag nalaman ng mga magulang ko ang tungkol sa pagbubuntis ko, sigurado akong magagalit sila. Paano pa kaya kapag nalaman nilang nakikipag-live in ako?” “Then we’ll tell them, haharapin natin sila nang sabay.” “Hindi mo naman kilala ang pamilya ko, Nathan. Lalong-lalo na ang tatay ko. Baka kapag nalaman niyang nabuntis mo ako ay baka mapatay ka pa niyon.” Napalunok nang sunod-sunod si Nathan nang marinig ang sinabi ni Jillian. “Totoo ba iyan? Hindi mo ba sinasabi ang bagay na ito para matakot ako?” “Pinahahalagahan ng mga magulang ko ang aming reputasyon sa probinsiya. Ano nalang ang sasabihin ng mga tao sa amin kapag nalaman nilang nabuntis ako ng boss ko?” “Jillian, listen to me. Wala namang kaso kung buntis ka dahil paninindigan kita. Wala naman akong asawa kaya hindi iyon problema. At isa pa ay mahal kita. Kung kailangan kong sumama sa probinsiya niyo para humarap sa mga magulang mo ay gagawin ko. Handa akong tanggapin ang masasakit na salita na magmumula sa kanila. Kahit na pagbantaan ako ng tatay mo na papatayin niya ako, tatanggapin ko. Please, Jillian, hindi ka puwedeng umalis nang hindi ako kasama. Ayokong malayo sa’yo.” Mahirap para kay Jillian ang magdesisyon na tumira siya sa condo ni Nathan. Ngunit gusto rin niyang makasama ang binata kaya pumayag na siya. Isang umaga ay malakas na katok sa pinto ng condo ni Nathan ang dahilan para gumising sila. Si Jillian na ang nagbluntaryong maglakad patungo roon para pagbuksan ang nasa labas. Laking gulat niya nang makita ang ina at ang kapatid ni Nathan na babae na nakatayo sa labas ng pinto. “Jillian!” gulat na sambit nito sa pangalan niya. Lumapit ito agad sa kaniya at humalik sa kaniyang pisngi. Mabait ang ina ni Nathan. Sa katunayan ay ito nga ang dahilan kung bakit siya nakapasok bilang sekretarya ng anak nito. Parang pamilya rin ang turing nito sa kaniya sa loob ng ilang buwang pagtatrabaho niya sa kumpanya ng mga Castillo. “Bakit suot mo ang t-shirt ng anak ko?” Pakiramdam ni Jillian ay umurong ang kaniyang dila. Hindi agad siya nakasagot sa tanong nito. “Ate, dito ka ba natulog?” Bumaling siya sa kapatid ni Nathan na babae. Nakita niya ang kakaibang ngiti nito. “Ate, kayo na ba ni Kuya?” “Jillian, sinong nariyan?” Nang makita ni Nathan kung sino ang dumating ay nakaramdam siya ng pagpa-panic. “Ma! Hindi niyo naman sinabi na darating kayo.” Matamis na ngumiti sa kaniya ang ina. “Hindi mo rin sinasabi sa akin na may namamagitan na pala sa inyo ni Jillian?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD