CHARMAINE Ilang oras na rin ang nakakalipas mula nung nagtipon ang buong Year 4 - Class A sa labas ng school at nakapagbiyahe na rin kaming lahat matapos dumating nung bus na siyang nirentahan ng aming principal na si Sir Alfred. Wala ako masyadong alam sa mga nangyari sa loob ng bus habang papunta kami sa aming destinasyon, kasi nakatulog din ako pagkasakay ko roon. Buti nga ginising ako ni Ma’am Ariela nung malapit na kami, kasi baka hindi raw ako gisingin ng mga kaklase ko at makapag-isip pa sila ng pang-prank sa akin. Kaya nagpasalamat din ako sa kanya nung nagising na nga ako at maya-maya lang din ay sabay-sabay na kaming nakababa mula sa bus na iyon. Saktong pagkababa pa lang namin ay nag-aya na ang aming muse na si Cassie na mag-picture. ‘Yung unang nakita niya na dumaan sa harapan

