CHARMAINE Hindi ko na nabilang pa kung ilang minuto na ang aming naubos sa kalalakad namin at palibot-libot lang din ang paningin ko sa aming kapaligiran. Medyo kaunti lang ang tao ngayon dito, hindi ko naman alam kung parati ganoon ang sitwasyon dito o sadyang lahat talaga ng lugar na malapit sa hotel ay nireserba na ni Ma’am Ariela para sa amin, pero sa tingin ko naman eh masyadong maraming kailangang asikasuhin para gawin iyon. Huminto na ako sa aking paglalakad nung natanaw ko mula sa aming kinatatayuan ang nalalapit na dalampasigan. Kahit pa medyo malayo pa kami ay kitang-kita ko na ang malinis na tubig at mga buhangin doon, agad ko rin iyon tinuro at hindi ko na kinailangan pang magsalita o sabihin kung ano ang nakita ko, kasi mukhang pare-parehas naman namin iyon nasilayan. Kaya, r

