CHARMAINE Ang nakabibinging ingay na nagmumula sa mga kaklase ko na parang ang lalapit sa akin ang siyang nakapagpairita sa aking utak. Para bang sasabog na iyon sa sobrang ingay nila, may iba pa nga akong naririnig na sigaw nang sigaw ng pangalan ko at may mga nag-iiyakan pa nga. Sa inis ko ay bigla akong minulat ang mga mata ko pero bago pa man ako makapagsalita ay bigla na lang din may lumabas na kaunting tubig sa bunganga ko. Kaya ilang beses din akong napahampas sa dibdib ko at naramdaman ko naman ang paghawak ng isang lalaki sa likuran ko, nung lumingon ako para tingnan kung sino iyon ay nakita ko si Jayden na puno ng pag-aalala ang mga mata. Nakailang minuto rin ang lumipas para lang bumalik sa ayos ang paghinga ko dahil doon. “A-anong nangyari?” nagtatakang tanong ko. Binitawan n

