CHARMAINE Ang tindi ng pangingirot ng aking sikmura ang siyang naging dahilan kung bakit ako biglang napabangon mula sa aking pagkakahiga sa kwarto ko sa hotel. Sinasabayan pa iyon ng panghahapdi na marahil ay dulot naman ng malamig na hangin na nagmumula sa nakasinding aircon. Bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kagabi, sa sobrang pagod at antok ko ay hindi ko na naisipan pang kumain kahit na kaunti. Gumuhit ang isang ngiti sa aking labi dahil sa katotohanang naging successful ang ginawa naming pagsurpresa sa aming guro, kinailangan pa nga siyang tulungan ng ilan sa mga kalalakihan sa aming klase na magdala ng mga bulaklak na iyon at pati na rin ng mga chocolates, kasi hindi iyon kayang dalhin ni Ma’am Ariela na siya lang mag-isa. Para naman sa araw na ito ay napagdesisyunan naming mam

