FLASHBACK (college days): RYEN
“Hey.” Bati ni Lucas sa akin.
“Hi babe, how's your studies?” Tanong ko matapos niya akong gawaran ng halik sa aking pisngi.
“It’s good. By the way kasama ko sa group project sui Mara.” Seryosong sambit niya dahilan para mapatahimik ako.
Mara? His girl bestfriend? Na pinaka pinagseselosan ko?
“Wow, small world.” Matabang kong sambit and I saw how his mood change.
“Ano nanaman bang reaction yan babe?” Inis niyang sambit.
“Hindi ko naman pilining si Mara ka group ko.” Frustrated niyang sambit.
“Wala naman akong sinabi ah?” Depensa ko habang naka kunot ang aking noo.
“Bakit parang may pinaparating ka?” Reklamo niya.
“Pwede bang wag ka na mag selos don? Walang ginagawang masama yung tao.” Badtrip niyang sambit.
“Then why are you mad at me?” Inis kong sambit.
“Kasalanan ko bang nag seselos ako sakanya? Diyan sa girl best friend mo?” Tanong ko sakanya.
“Oo, kasi wala namang ginagawa yung tao. At ilang beses ko bang sasabihin sayo na mag kaibigan lang kami. Nothing more.” Seryosong sambit niya.
“Wala naman akong sinabi ah? Hindi na rin ako nag tatanong kung ano ba talagang meron sainyo. At mas lalong hindi kita pinaiiwas.” Inis kong sambit.
“Kaya ano bang ikina puputok ng butchi mo ha?” Matapang kong sambit.
“Sobrang higpit mo Ryen.” Seryoso niyang sambit na ikinagulat ko.
“Really? Ako? Mahigpit?” Tumatawa kong sambit.
“You’re unbelievable.” Seryoso kong sambit habang nag pipigil ng pag iyak.
“Pwede ba?” Inis na sambit ni Lucas.
“Ano?” Tanong ko.
“Bahala ka nga sa buhat mo. Puro ka drama, puro ka ka artehan. Buti pa si Mara.” Sambit niya na ikinatigil ko.
“Ano? Anong buti pa si Mara?” Matapang kong tanong.
“You know what? Let’s just stop this dinner. Wala na akong gana kumain.” Seryosong sambit niya at nag walk out na sa harap ko.
I was left all alone.
Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matatawa sa nangyari.
Wala naman akong binanggit pero sobrang defensive niya na.
Ultimo pag hinga ko, mali. Samantalang ako ang girlfriend niya.
This is one of the main reason kung bakit hindi ko masabi at mapakilala kila Annaya si Lucas.
Because he’s like this.
He keeps on hurting me at ako namang si tanga na hindi umaalis at hindi siya iniiwan kahit na ganitong sinasaktan na niya ako.
Hindi na rin ako kumain. Ako na ang nag bayad at umalis na rin ako.
Habang nag lalakad ako ay napapaisip lang ako sa mga nangyayari sa akin.
At first, it felt like a dream. Para siyang lahat ng hinihiling ko sa isang lalaki, sweet, maalaga, laging nariyan, very protective, and always making me feel special.
He made me feel seen.
He made me feel like I was the only girl in the world.
Ang galing niyang magpakilig, magparamdam ng effort, at kahit simpleng text lang, napapangiti na ako.
That’s how it started. That’s how I fell.
Pero unti-unti, napalitan yung kilig ng kaba, ng takot.
Dati, natutuwa ako kapag sinasabi niyang “text mo ako agad pag nakauwi ka,” pero habang tumatagal nagiging demanding.
Naging routine na. “Bakit hindi ka nag-update?” “Sino kasama mo?” “Bakit hindi mo ako nasagot agad?” At first, I thought he just cared too much. Akala ko ganun lang siya magmahal, intense, all-in, passionate.
Pero habang tumatagal, parang hindi na pagmamahal yung nararamdaman ko… kundi takot.
He started telling me what to wear. “Bakit ang ikli ng suot mo?” “Hindi bagay sayo yan.” Then he’d joke about my body, my weight, my choices, in front of other people. Worse, infront of his friends.
Nakangiti siya habang sinasabi, pero ramdam kong may tinatago sa likod nun. And when I tried to speak up, sinasabi niya, “Ang OA mo,” or worse, “Sensitive ka masyado.” Doon ko narealize na he’s slowly breaking my confidence. Hindi ko na rin alam kung sino na ako.
May mga times na nagaaway kami, and he’d twist my words. Ako pa ‘yung nagiging masama. Ako pa ‘yung humihingi ng tawad, kahit siya ang sumigaw, siya ang nanakit emotionally.
It’s like he made me feel na walang ibang magmamahal sa akin kundi siya. He made me feel that no one else would stay, so I had no choice but to hold on to him. Kahit na ako na mismo yung nawawala.
Minsan nga, kinukumbinsi ko sarili ko na normal lang ‘to, na lahat ng relationships may ganito. Pero gabi-gabi, umiiyak ako.
I started to question myself.
Is this really love?
Am I just being dramatic?
Or am I just afraid to let go of someone I’ve loved for so long?
The truth is, mahal ko pa rin siya. And that’s what makes it harder.
Hindi madali bumitaw sa taong minahal mo ng sobra. Kasi kahit ilang beses na akong nasaktan, kahit ilang beses na akong ginawan ng mali, my heart still remembers the version of him that made me feel loved.
The version that held my hand so tight, like he never wanted to let go.
The version who stayed up late just to listen to my rants.
The version who looked at me like I was his whole world.
I miss that version of him. I still hope, deep down, na baka bumalik siya. Baka magbago. Baka may chance pa.
Kaya kahit alam kong toxic na siya, kahit alam kong unti-unti akong nawawala sa sarili ko, I stay. Because I love him. Because I'm afraid. Because what if I leave and regret it? What if I never find this kind of love again?
Pero sa totoo lang… what if this isn’t love anymore?
What if it’s just me trying to fix something na matagal nang sira?
What if staying is hurting me more than walking away?
Pero eto pa rin ako… holding on. Kahit alam kong unti-unti na akong nauubos.
“Umuulan na pala?” Natatawa kong sambit.
I was still walking while it was raining. Tila ba sumabasabay ang mundo sa kalungkutang nararamdaman ko at sinaasabayan ang pag iyak ko.
Kapag kaya nalaman nila Annaya ‘to magagalit sila? Ano kayang mararamdaman nila?
Pero kahit na ganon, hindi ko pa rin naman kayang mag sumbong. Hindi ko pa rin naman kayang sabihin.
*KRING* *KRING* *KRING*
“Davian?” Tanong ko matapos sagutin ang call.
“Where are you?” Tanng niya.
“I don’t know.” Natatawa kong sambit.
“I’m in the middle of nowhere.” Seryoso kong sambit.
“Umuulan, nasa labas ka?” Gulat at nag aalalang sambit ni Davian.
“Share your location. Susunduin kita.” Seryosong sambit niya kaya natigilan ako.
“Okay.” Sambit ko at shinare na ang location sakanya. Nakaramdam na rin ako ng pagod kaya naupo nalang ako sa malapit na bench.
Umabot na pala ang pag lalakad ko sa playground.
“Bakit ba nag paulan ka?” Tanong ni Davian na may dala dalang towel para sa akin.
“Wala lang.” Sambit ko habang naka tingin sakanya.
“Ayos ka lang ba??” Seryoso niyang tanong kaya tumango lang ako.
Kung sana, sana ikaw nalang Davian.
“Thank you.” Seryosong sambit ko habang naka sandal sa may swing.
Lumipat kami ng pwesto at saktong tumila naman na ang ulan kaya nag stay na muna kami rito.
“Hindi kita maaya mag ice cream, baka tuluyan ka ng mag kasakit.” Natatawa niyang sambit. Trying to light up the mood.
“Pwede yan.” Biro ko at saka ngumiti.
“Saka na, kapag hindi ka na nag papaulan at kapag sure na hindi ka mag kakasakit.” Napapa iling niyang sambit kaya napangiti ako.
“Tara na?” Tanong ni Davian kaya tumango ako. Nakaka ramdam na rin kasi alo ng lamig kaya tumango nalang ako.
“Mag palit ka muna kaya ng damit? May dala akong damit e.” Seryosong sambit ni Davian.
“Wow handang handa.” Biro ko na ikinatawa niya.
“Hindi naman sa handa, alam ko kasing nag paulan ka.” Kibit balikat na sambit niya.
“Nasa likod yung damit, kuhanin ko. May malapit namang restroom dito para hindi ka na rin talaga mag kasakit.” Tumatawa niyang sambit at saka tumayo para kuhanin ang damit.
Pinapanood ko lang siya sa kaniyang ginagawa.
Kung sana ay ganito rin si Lucas. Magiging masaya kaya ako?