“It’s movie time!” Sigaw ni Saraiah pag ka akyat sa rooftop ng bahay nila.
Nasa baba si Annaya nag aayos ng pag kain habang ako ay inaasikaso kung ano ang ginagaw ang boys sa taas.
Natripan kasi nilang ayusin ang rooftop ng bahay nila Saraiah sa Baguio upang gawin itong tambayan.
“Ryen!” Rinig kong sigaw ni Annaya kaya nag paalam na muna ako at bumaba na para puntahan siya.
“What?” Tanong ko.
“Samahan mo ako mag grocery.” Naka nguso niyang sambit kaya tumango lang ako at kinuha na ang aking susi para umalis.
“Tara.” Sambit ko na agad naman niyang tinanguan.
Nang makarating kami sa grocery ay nag bitbit na siya agad ng eco bag niya at hawak ko naman ‘yung grocery list, nag-ikot kami sa loob ng grocery store na parang treasure hunt.
Unang pinuntahan ni Annaya ang produce section. Sabi niya, “Gagawa ako ng sweet and spicy mango nachos.” Medyo napa-tilt ulo ako kasi first time ko marinig ‘yon, “Ngayon ko lang narinig, may ganon pala?” Gulat at nag tataka kong sambit.
“Gawa gawa ko lang yna, experiment.” Tumatawa niyang sambit.
Kumuha siya ng hilaw na mangga at hinog na mangga, kasi daw pagsasamahin niya ‘yung asim at tamis. Kumuha din siya ng red onion, cilantro, at calamansi, para daw sa salsa. Naghanap pa siya ng tortilla chips na hindi gaanong maalat para hindi matabunan ang flavor ng mango. Syempre, kinuha na rin niya ng hot sauce para sa konting kick.
Next stop namin, sa refrigerated section. Pinag-iisipan niya kung magpi-pizza kami o hindi. Pero sabi niya ay parang mas trip nalang niya gumawa ng pizza roll lumpia version. Literal na lumpia na pizza inspired. So kumuha siya ng pack ng lumpia wrapper, tapos grated mozzarella cheese, pepperoni slices, at pizza sauce in jar. Naghanap pa siya ng oregano leaves para daw may Italian feels.
Sabi ko sa kanya, “Sigurado ka bang kaya natin ‘yan?” Tapos tawa lang siya ng tawa.
“Ryen, basta sa food, never doubt the Annaya.” Mayabang niyang sambit kaya napangiti ako. Sabagay ay basta pag kain sa movie marathon ay literal na siya ang bahala at katiwa tiwala.
Tapos dumiretso kami sa meat section. Naghanap siya ng Spam, yes, classic, pero hindi lang basta Spam. “I’m going to make Spam Musubi Balls,” sabi niya. So kumuha kami ng Spam Lite, isang pack ng Japanese rice, nori sheets, at teriyaki sauce. Kumuha rin kami ng quail eggs kasi daw ipapasok niya sa gitna ng rice ball, para may surprise sa loob.
“Naalala ko tuloy nung nga ke crave ka sa Musubi, halos iyakan mo ako.” Biro ko sakanya kaya napa ngiti siya.
“Good old days.” Biro pa niya na ikinatawa ko.
“Kamusta na pala ang baby?” Tanong ko.
“Andun kila Mommy, gusto raw alagaan kaya binigay muna namin tutal ay mag movie marathon tayo.” Kibit balikat na sambit niya kaya napangiti ako.
Okay na si Saraiah at Achilles.
Masaya na si Noah at Annaya.
Kami kaya ni Davian?
Nagpaikot-ikot kami hanggang sa dessert aisle. Sabi ni Annaya, “I want to make Mango Tiramisu with a Filipino twist.” Kaya kumuha siya ng ripe mangoes, all-purpose cream, condensed milk, at ladyfingers.
Pero hindi lang ‘yon. Kumuha din siya ng mango juice for dipping, instead of coffee. At habang nasa aisle na rin kami, kumuha siya ng desiccated coconut para daw may konting texture on top. Sabi ko, parang halo-halo meets tiramisu na ‘to.
“Mahilig ka talagang mag explore.” Tumatawa kong sambit.
“Masarap ‘to, pakikitaan kita.” biro niyang sambit kaya napanguso ako.
Hindi rin nakalimutan ni Annaya ang drinks. Gusto daw niya ng fresh and playful, so kumuha siya ng ingredients for Lychee Cucumber Iced Tea. Ang galing niya mag-isip no?
Kumuha rin siya ng cucumber, canned lychee, black tea bags, at honey. May dala na rin siyang mason jars sa bahay kaya excited siyang i-serve ito habang nanonood kami ng movie.
Tapos, ang pinaka-inaabangan ko, dessert number two: Strawberry Choco Skewers. Pero hindi lang basta Nutella dip. Kumuha siya ng fresh strawberries, white and dark chocolate bars, tapos may crushed almonds at rainbow sprinkles pa.
“Pabor na sayo ‘to. Siguro naman ay matutuwa ka na?” Taas kilay kong sambit.
“Syempre.” Naka ngisi kong sambit at halatang excited na sa gagawin niya.
At syempre, hindi kompleto ang movie marathon kung walang something crunchy.
Pero instead na potato chips, Annaya went for Homemade Kamote Chips. Kumuha siya ng purple and orange sweet potatoes, then may olive oil and paprika powder pa siya for seasoning. Sabi niya, “Mas healthy na, mas colorful pa.” Ako naman, automatic ay tagasalo ng chips mamaya. Kutkutin ko yan kada manonood e.
Huling stop namin ay sa baking aisle. Nag-grab siya ng pang-quick cookie mix, pero may balak pala siyang i-level up. “Let’s make Cream Cheese Crinkle Cookies with Matcha Dust,” sabi niya.
“Hindi ako nag mamatcha.” Naka nguso kong sambit.
“Hindi naman para sayo yan.” Taas kilay niyang sambit.
“E gusto ko itry.” Reklamo ko.
“Gagawan kita ng version na may chocolate powder sige.” Sambit niya kaya muli akong napangiti.
Kaya kumuha kami ng cream cheese, powdered sugar, crinkle cookie mix, chocolate powder at matcha powder. “Pang-finale natin ‘yan habang credits na ‘yung movie,” sabi niya habang masayang inaayos ang cart.
Pagkauwi namin mula grocery, halos punong-puno ‘yung mga bitbit namin. Naka-stretch na ang eco bag at medyo nangangawit na ‘yung kamay ko, pero si Annaya? Excited pa rin, parang walang pagod.
“Tulungan ba kita?” Tumatawa kong sambit.
“Oo, help mo lang ako mag prrepare.” Sambit niya kaya tumango ako. One thing about Annaya, hindi nag papatulong magluto yan pag ganito, preparation lang siya nag papahelp and after nun gusto niya ay solo nalang niya lahat.
Unang nilabas ni Annaya ‘yung mga sangkap para sa Spam Musubi Balls. Habang pinapainit niya ‘yung kawali, binuksan niya ang can ng Spam at hiniwa ito into small cubes. “Dapat crunchy sa labas, soft sa loob,” sabi niya habang niluluto ito sa kaunting oil. Amoy pa lang, gutom na ako. Tapos habang niluluto ‘yon, sinabayan niya ng pag-steam ng Japanese rice. Sinalin niya ito sa wooden bowl tapos hinaluan ng kaunting sesame oil at konting asin.
“Viewer mo lang ako dito ganon?” Biro ko sakanya.
“Oo, taga tikim kung ayos na lasa.” Tumatawa niyang sambit.
“Ryen, hawakan mo nga ‘tong mold,” utos niya habang pinapakita kung paano niya ilalagay ‘yung rice sa palm niya, tapos may konting Spam sa gitna, tapos pipisilin para maging bilog. Parang bola ng onigiri, pero may twist. “May palaman sa gitna,” sabi niya habang naglagay din siya ng quail egg sa iba. Binalot niya ng nori sheet each ball, tapos inayos sa tray na parang sushi platter
“Ang likot talaga ng utak mo pag dating sa pag kain ‘no?” Naka ngiti kong sambit.
“Hindi naman kasi masamang mag experiment saka mag explore.” Kibit balikat niyang sambit kaya tumango ako.
Next, tinawag niya akong taga-timpla ng sweet mango salsa para sa mango nachos. Tinuruan niya ako paano hiwain ‘yung hinog at hilaw na mangga, “mas maliit, mas maganda,” sabi niya.
Hinaluan namin ng red onion, calamansi juice, konting hot sauce, and cilantro. Nung natikman ko, grabe, samu’t saring lasa, pero masarap. May asim, alat, tamis, anghang. Perfect talaga sa tortilla chips na ready na rin niya sa mesa. May pa-bowl pa siya ng cheese dip on the side na ginawa.
Tapos lumipat siya sa paggawa ng Lumpizza Rolls kung tawagin niya. Bawat lumpia wrapper, nilagyan niya ng pizza sauce, cheese, pepperoni, at konting herbs. Tapos binalot niya like regular lumpia, pero ‘pag pinrito, ang bango, amoy pizza pero crunchy like lumpia.
“Gusto ko ‘to may dalawang klaseng sawsawan,” sabi niya, kaya gumawa pa siya ng garlic mayo at honey mustard na sarili niyang timpla.
Habang nagpapalamig ‘yung mga rolls, sinimulan niya ang mango tiramisu. Ang smooth ng galaw niya habang hinihiwa ang mga hinog na mangga, para bang sanay na sanay na. Gumawa siya ng cream mixture from chilled all-purpose cream, condensed milk, and cream cheese.
“Try mo nga,” sabay bigay sa akin ng spoon. Ang sarap, parang mango float pero creamier.”Marunong ka naman pala e.” Kamot ulong sambit ko na tinawanan lang niya.
Marami pa kaming hinanda na pag kain hanggang sa natapos.