Campus Hotties
“Hi Treb!” Narinig niya ang matamis na wika ng isa niyang kaklase pagpasok ng cafeteria. Halatang nagpa-pacute ito sa kanilang senior na kilala sa pagiging isang magaling na basketball player sa kanilang campus. Aside from being a varsity hunk, he is also very charming and easy going. Kaya hindi nakapagtatakang magustuhan nito ang binata. Well, it’s not just her, kundi pati na rin ang halos kalahati ng girl’s population ay may crush dito. It’s not an exaggeration though, sapagkat maging ang ibang babaeng naroroon ay pasimple ring nakatingin sa grupo nina Treb.
“Hello Jared!" Nakita niyang lumapit ang isang first year student sa katabing upuan ni Treb hawak-hawak ang isang chocolate cake. “I bake a cake- only and just for you. Hope you like it.” Kahit na naka-upo siya sa may kalayuang mesa ay mahihinuha niyang kapares ng malawak nitong ngiti ay ang kumikinang din nitong mga mata. Well, she just approached the ever gorgeous model ng Bench na si
Jared Muller- half-Irish and half-Spanish. Kaya naman pinagkakaguluhan ng lahat ang lutang na lutang nitong kagwapohan. Narinig niya ang bulong-bulongan sa kanyang likuran. Malamang ay
nagtsi-tsismisan ang mga ito sa magiging reaksiyon ni Jared sa babae. Kilala kasi ito sa pagiging suplado, na di gaya kay Treb na laging may nakahandang ngiti para sa lahat.
Pero bago pa man nila malaman ang magiging sagot ni Jared ay inagaw na ang atensiyon nila sa biglang sigaw ng kanilang ‘campus beauty’ na si Rheanette.
“I love you Kyyyyyle!!!!” Napalingon ang lahat sa babae dahil sa gulat. Maging si Kyle na
naka-upo kasama sina Jared at Treb ay nagulat din. Napasinghap din naman ang ilang mga gurong naroroon at naki-usyoso ding makinig at tumingin sa dalaga.Alam niyang sanay na sa atensiyong ibinibigay ng mga babae ang isang gaya ni Kyle. Ikaw ba naman ang taguriang ‘genius
hottie’ ng campus.
“Thanks Rhea!” Anitong ngumiti ng ubod tamis sa babae. Halos himatayin si Rheanette sa narinig mula sa binata. Lahat ay kinikilig at tila nangangarap na sana’y sila na lang ang nginitian at kina-usap
ni Kyle. Ang iba’y tila nangangarap ding sana’y kausapin at ngitian din sila nito.
Lumipas ang ilang minuto bago muling bumalik ang katiwasayan at katahimikan ng cafeteria habang hindi naman tinanggap ni Jared ang cake mula sa babae at lulugo-lugo itong bumalik sa mesa.
“Dina! Nandito ka lang pala!” Humahangos na wika ng isa sa mga bestfriends niyang si Julie Ann.
“Bakit Li Ann? Anong problema? Kung makahangos naman ‘to parang may sunog lang.”
“Hay naku Dina. Hinahanap ka ni Maam Dory kanina pa nuh.”anito na hindi naman nakatingin sa kanya. Masyadong malayo ang nilipad ng tingin nito at dumapo sa mesa kung saan nandoon ang mga lalaking
pinagkakaguluhan kani-kanina lang.
“ Ganun? Bakit naman aber eh break time ko naman ngayon?”
“Ewan ko dun sa matandang ‘yun at ipinapakuha raw niya ‘yung pinapagawa niya sa’yo.” Si Miss Dory ay ang kanilang librarian at since working student siya sa library ay dapat niyang pagtiisan ang ugali ng matandang dalagang librarian nila na ubod ng makakalimutin.
“Sabihin mo sa kanya Li Ann na kahapon pa niya kinuha ‘yunsa’kin”
“Ikaw na lang kaya ang pumunta doon…” wika nito na hindi na inihihiwalay ang tingin sa mesa ng tatlong lalaki particularly kay Treb “… para kayo ang magka-li….ligawan.”
“Ano? Anong ligawan? Magkaliwanagan. Babaeng ‘to.”
“Whatever. Basta gusto kong ligawan si Treb. Akin ka nalang please!” sapo ang dibdib na nakatanaw sa binata.
“Gaga! Huwag ka ngang mag-ilusyon sa mga ganyang klaseng lalaki. Wala ka ng pinag-kaiba sa mga ‘yun oh.” Turo niya sa mga babaeng kaumpok ni Rheanette at sa babaeng may dala ng cake kanina.
Maging maganda man o pangit; sikat man o hindi; mahirap man o mayaman ay nagkakagusto sa tinaguriang ‘campus hotties’.
“Ano naman ngayon kung matulad ako sa kanila? Talaga namang pareho kaming nababaliw kay Treb.” Nangangarap na naka-nganga nitong turan.
“Hay! Ewan ko sa’yo. Itikom mo ‘yang bibig mo’t baka pasukan ng langaw.” Tumayo siya at iniwan ito.
“Mapuntahan na nga lang si Maam.” Tinapunan niya ng huling sulyap ang ‘Campus Hotties’ bago umalis ng cafeteria.
Masayang nagkukwentuhan sina Treb, Jared at Kyle at kung hindi rerendahan ng isang dalaga ang puso niya ay siguradong mahuhulog ang sinumang titingin sa mga ito. Weird pero kahit hindi naman niya rendahan ang sarili ay hindi naman siya nahuhulog. Kung baga sa sakit ay immune na siya sa dala nilang charms. Wala naman talagang maitulak kabigin sa ka-gwapohan ang tatlo.
Hindi lang pala tatlo kundi apat. Ang nangunguna sa lahat sa kagwapohan, ka-arogantehan ay walang iba kundi ang anak ng kilalang businessman ng bansa na si Jonathan Zobel o mas kilala bilang si
Nathan- the campus prince. Kilala ang lalaki sa buong campus sa pagiging arogante at babaero
nito. Narinig niyang ito ang may pinaka-maraming girlfriends sa apat na magkakaibigan. Ayon sa tsismis ng kanyang mga classmates ay hindi daw umaabot ng isang linggo ang sinumang nagiging girlfriend nito. Well, that shows his ill behavior.
Sa pagkaka-alam niya ay on-leave ang binata papuntang America for a week upang dumalo sa libing ng lolo nito doon. Hindi sa interesado siya sa buhay nito kaya alam niya kundi dahil walang ibang bukambibig ang mga babae sa campus nila kundi ang pag-alis ni Nathan.
Hindi niya maintindihan ang mga ka-eskwela kung ano ang nagustuhan nito sa apat na iyon. They are only just pretty faces and rich but with a horrible and disgusting personality to add. Kaya kahit kailan ay hindi siya tutulad sa mga babaeng walang taste sa pagpili ng lalaki.
Ng mapadaan siya sa botanical garden ay narinig niya ang hagikhikan ng mga estudyante habang nakangiting nakatingin sa kani-kanilang mga cellphone.
“Ang gwapo ni Kyle dito o! Ang super super hot niya talaga.”
“Gaga! Ito ang tingnan mo. Ang mga update photos ni Nathan sa States. O diba! Winner ang suit niya.” dinig pa niya kinikilig na boses ng mga babae. Napa-iling siyang ipinagpatuloy ang paglalakad.
“Oo nga nuh. Hindi siya mukhang nagluluksa. Para siyang nagmomodel lang ng sunglasses. Hay! Nakaka-inlove siya talaga.” Nahagip pa niya ang sinabi ng babae. Bakit ba kung saan siya magpunta ay
naririnig niya ang mga papuri sa mga lalaking iyon. Medyo naririndi na siya. Wala na ba talagang ibang pwede nilang pagka-abalahan at puro tsismisan nalang at kalandian?
Habang papasok siya sa building kung saan nandoon ang library ay narinig din niya ang ibang mga estudyanteng nag-uumpuka’t nagkukwentuhan tungkol sa campus hotties’. Wala na ba talagang ibang
nakakuha ng kanilang interes kundi sila? Sino ba sila? Mga Diyos ba sila na bumaba sa langit upang sambahin ng mga kababaihan?
“Tse na lang! May taste kaya ako sa lalaki.” Matigas niyang wika sa sarili.
“At ano namang taste mo sa lalaki aber?” nagulat siya sa biglang pagsulpot ng isa na naman niyang bestfriend na si Emelia. Kung si Li Ann ay nababaliw kay Treb, si Emelia naman ay walang kasing baliw kay Jared. Siya lang yata sa kanilang magkaka-ibigan ang walang kinababaliwan sa popular na ‘campus hotties’. Apat silang magka-kaibigan. Tatlong babae na sina Julie Ann, Emelia at siya at ang nag-iisa nilang lalaki sa grupo na si Rodney.
“Pihadong ang taste na iyon ay hindi kasing tasteful sa’min ni Julie Ann, for sure. Dahil kung magkasing-taste tayo, malamang may crush ka kay Kyle o kaya kay Nathan and don’t you ever dare like my Jared at tapos na ang friendship natin.” Pa –emote pa nitong sabi na binatukan lang niya.
“Ewan ko sa inyong dalawa. Ipagpapalit mo ang friendship natin para lang sa mga gunggong na ‘yun. Umayos ka nga Emelia ka’t baka ipabitin kita kay Rodney.
“Ito naman di mabiro. Pero seryoso, ano nga ang taste mo’t nagsasalita kang mag-isa kanina?”
“Hay! Naku! Kanina pa kasi ako naririndi sa karirinig ng mgapapuri at tilian nga mga makikiring estudyante sa kinababaliwan nilang ‘campus hotties’. Kaya hindi ko feel ang taste nila.”
“ Ganun? Hindi mo sila feel. At galit ka? Pwes, ako rin. Galit na galit din ako ngayon.”
“And why’s that?”
“Imagine, I heard na meron daw babaeng lumapit kay Jared and offered him her cake. Can you believe that? She dared to do it?” madrama nitong turan na tila hindi makapaniwala at kunway naninikip pa ang dibdib.
“ Ano naman ngayon? Ikaw nga you dared to make pa-cute to him every chance you get. Chura nito.”
“Kahit na Dina. Walang dapat na ibang babaeng mapansin ang true love kong si Jared kundi ako lang.”
“Naks!!! Possessive lang ang peg. Bakit girlfriend ka ba?”
“Hindi pa. Bakit ba lagi mo nalang akong kinokontra? Kaibigan kita kaya dapat sumusuporta ka sa’kin.”
“Eh sa masyado kang seryoso diyan sa one true love mo. Hinayhinay lang. Sige mauna na ako’t hinahanap pa ako ni Maam Dory.”
“Okay. Kita-kits nalang tayo mamaya sa venue.”
“Ah, right.” Doon niya biglang naalala na meron pa pala siyang raket mamayang gabi. Partime waitress din kasi siya sa isang catering company. At muntik na niya iyong makalimutan. Thanks to her friends na
nagpapaalala sa kanya. Kaya kahit medyo baliw ang mga ito sa mga lalaking walang kwenta ay love na love pa rin niya ang mga ito.