The Deal

2025 Words
    “I want everyone to be effective and efficient for tonight. Dapat walang sinuman sa inyong papalpak sa okasyong ito. It’s very important to me and to my business. You got me everyone?” anang catering manager and owner nila.     “Yes, Maam.” They responded in chorus. Aminado naman talaga siyang hindi sila dapat na magkamali ngayon kahit na sa paglalagay lang ng tubig sa baso ng kani-kanilang mga bisita ay dapat na talagang perpekto at nasa tamang pwesto. Sapagkat mga bigating tao ngayon ang kanilang kliyente. Isang magarbong pagtitipon ang ginaganap ngayon sa bahay ng Governor na dinaluhan naman ng ilan sa mga ma-impluwensiyang tao sa kanilang lalawigan at sa bansa na rin.     “Alright guys, kilos na!” hudyat na ng kanilang pagsisimula. Kanya-kanyang lakad ang bawat waiter at waitress. At since naka-assign siya sa mga beverages ay pumunta siya sa kinalalagyan ng ibat-ibang klase ng wine.     “Naku! Mukhang malaking tip ang ibibigay sa’tin ni Governor ngayon.” Ani Emelia na kasama niyang naka-toka sa mga inumin. May bitbit na itong tray ng champagne glasses.     “Sana nga. Kailangan ko kasi ng pera ngayon. Alam mo na, kahit libre tayo sa tuition fee, marami pa ring miscellaneous fees.”     “Tama ka diyan. Kaya galingan natin ngayon. Aja!”     “Aja!” at lumakad na sila and started giving wines to the guests. Hindi maikakailang puro mga mayayaman talaga ang mga guest na dumating at kung pagbabase-han ang kani-kanilang tindig at porma ay talagang aristokrato’t aristokrata ang mga ito. Ilan sa mga dumalo ay nakikilala pa niya. Nandoon ang asawang celebrity ng Congressman at nakita din niyang kausap ng City Mayor kanina ang sikat na clothes designer ng mga Gutierrez. Kasama din ng Governor ang kanyang dalawang nag ga-gwapohang mga anak na sina Jiro at Mike na kilala sa bawat pahina ng mga magazines as one of the most eligible bachelors in the country. Not just because of their looks, being half Japanese and Filipino but also because of their success in business. Though narinig niyang ikinasal na ang bunso nito sa isang ordinaryong babae lamang. Ang buhay nga naman. What a lucky girl! Pero wala siyang panahon para umasa sa isang swerte dahil para sa kanya lahat ng bagay ay napagtatrabahu-an and he doesn’t need a man to succeed in life. Iyon ang prinsipyo niya at ‘yun ang paninindigan niya. Kaya magsusumikap siya para makapagtapos sa pag-aaral at makatulong sa kanyang pamilya. Tunay ngang bigatin ang lahat ng mga bisita ngayon. Nahihinuha din niyang ang ilan sa mga guests ay mga business tycoon ng bansa. Kunsabagay, halo-halo naman talaga ang mga bisitang dumating. Mayroong mga matatandang nasa late 60’s at meron din namang mga nasa early 30’s. Nakita niyang sumenyas ang isang guest na babae sa di kala-yuan sa tabi ng pool kaya agad niya itong nilapitan. Pinagmasdan niya ang babae habang papalapit dito upang kilalanin ito sa lipunang ginagalawan ngunit hindi nya nahanap ang magandang babae sa kanyang memorya.     “Thank you.” anito bago ibinalik ang atensiyon sa kausap after taking the drinks.         “I’ll have one as well, Miss.” Wika ng lalaki sa kanyang likuran at kumuha ng isang kopita mula sa kanyang tray sa kanang kamay. That was actually a wrong move sapagkat nawalan ng balanse ang tray. Buti nalang at naagapan niya. Naglakad siya patungo sa isang mesa kung saan nandoon ang celebretiy na asawa ng Congressman kasama ng ilang bisita. Bago niya naibaba ang dalang inumin sa bisitang celebrity ay may biglang kumuha ng kopita sa kanyang tray dahilan upang bumagsak ang laman niyon sa katabing bisita sa bandang kanan niya.     “Oh! Damn! s**t! So f*****g bullshit!” napapikit siyang pinapakinggan ang mura ng lalaking nabasa ng tatlong kopitang champagne na nahulog dito. Nakayuko itong tinitingnan ang nabasang suit at tila hindi makapaniwala. Siya man ay hindi rin makapaniwala. Bakit ngayon pa kung kailan dapat maging perpekto ang lahat. Dali-dali niyang kinuha ang mga kopita na nahulog dito. Ang ipinagpapasalamat nalang niya ay hindi nahulog ang mga ito sa sahig at nabasag.     “Naku sorry, Sir. Bigla kasing kinuha ‘yung baso kaya nawalan ng balanse ang kamay ko.” Alam niyang mali ang mangatwiran sa customer kasi dapat tango lang ng tango pero hindi niya magagawa ito ngayon. Bahala na.     “So, sila pa ang sinisisi mo?” biglang nag-angat ng mukha ang lalaki at tumayo mula sa upuan at nagulat siya sa kanyang nakita. Tapos na ang ilusyon niyang makakabayad pa siya sa natitirang kulang niya sa school at pihadong magkaka-utang pa siya ngayon. Hindi kasi siya nagulat dahil sa galit na nababanaag niya rito kundi dahil ito pala si Jonathan “Nathan” Zobel ng ‘campus hotties’. Ang tinaguriang arogante, walang puso at barumbado sa grupo. The ‘campus prince’ ika nga ng ilan.     “H-hindi sa ganun S-sir. Ang ibig kong-…”     “Get your manager.” He cut her off shortly without batting his eyelashes. And his stares are even cold and detached. Tila wala itong damdamin habang nakayuko sa kanya. At tila balewala para dito ang sorry niya na para bang isa itong Diyos kung maka-asta. Iyon pa man din ang pinaka-ayaw niya sa lahat. Kesehodang matanggal pa siya sa trabaho basta hindi niya hahayaang maliitin siya ninuman.     “My manager is busy at the moment, sir. Don’t worry, I’ll tell him as soon as he’s available.” Walang kurap din niyang sagot dito. Hinding –hindi kailanman siya magpapatalo sa isang gaya nito. Ipapakita niyang hindi lahat ng tao ay luluhod sa paanan nito. Tiningnan niya ang magiging reaksiyon ng binata pero nagulat siya ng makitang ngumiti lang ito sa kanya. Hindi niya inaasahan ang magiging tugon nito sa pagtataray niya sapagkat hindi iyon ang naririnig niya ukol dito. Pero parang may kakaiba sa ngiti nito kaya ganun na lang ang gulat niya ng sinimulan nitong tanggalin ang suot nitong suit.     “Then, I’d better take these off bago pa ako magkasakit.”He started taking off his jacket and dropping it on the chair. Hindi siya maka-kilos sa sobrang kabiglaan. He slowly unbuttoned his waistcoat leaving him his long sleeve and tie. Hindi niya alam kung papaano pipigilan ang binata lalo pa’t nagsisimula na silang maka-agaw ng pansin. Ang katabing mesa at ilan sa may nasa di kalayuang harden ay nakatingin na rin sa kanila. At alam niyang ilan sa mga sandaling iyon ay lalapit ang kanilang manager at siguradong ora-orada siyang mawawalan ng trabaho at wala pang su-swelduhin pag nalaman nito ang naging kapalpakan niya. Hindi niya mapapayagan iyon lalo na’t kung ito pa ang magdudulot sa kanya ng kamalasan sa gabing ito. Walang ano-ano’y hinila niya ang lalaki palayo doon at dinala niya sa di kalayuang garden na kung saan hindi na masyadong inabot ng ilaw.     “At ano sa tingin mo ang ginawa mo? Wala ka bang pag-iisip? Bakit dun mo naisip na maghubad ng damit? Hindi man lang ba pumasok sa kokote mo na may na-ees-kandalo sa ginagawa mo?” singhal niya rito. Wala na siyang paki-alam kung may makaririnig man sa kanila. Basta sasabihin niya ang lahat ng gusto niya.     “Bakit? Na-e-eskandalo ka ba.” Nakangiti nitong tugon sabay kindat. Ang walang hiya. Napaka-cute nitong tingnan lalo pa’t lumalabas ang biloy nito sa mukha. Prenteng nakasandal lang ito sa puno at nakatingin sa kanya na tila di apektado sa kanyang sinabi     “A-ako? O-of course not. Why would you think I would? Sinasabi ko lang sa’yo na k-.” “Sandali nga lang, Miss.”he raised his hand. Umalis ito sa pagkakasandal sa puno at lumapit sa kanya. “Kanina mo pa ako sinisigawan ah, eh ikaw naman ang may kasalanan sa nangyari sa’kin.” Biglang sikmat nito, at bigla ring nagbago ang mood nito. “Kung hindi ka ba naman lampa’t kalahati di sana tayo umabot dito. It’s all your fault. And one more thing, bring me to your manager so we can settle this. Hinding-hindi ko ito mapapalampas.”     Matiim itong tumingin sa kanya. Hindi niya alam kung kinakabahan na siya dahil sa pagbabanta sa boses nito o dahil sa lapit ng mukha nito sa kanya. Naamoy na niya ang mamahalin nitong pabango at hindi niya alam kung nahihilo na ba siya o ano. Umatras siya ng bahagya upang makahinga sapagkat parang sa paglalapit ng mukha nila’y hindi na yata siya humihinga. At doon na talaga na-absorb ng utak niya ang ibig nitong sabihin. Sigurado talagang ipatatanggal siya nito. Syempre pa’t napahiya ito sa mga bisita at kakilala kanina kaya hindi malayong mangyari iyon.     “S-sir, baka naman pwede nating pag-usapan ito. K-kasi…ano kasi sir. Kailangan ko talaga ang trabahong ‘to . Kaya nakiki-usap ako sir kung pwede sanang huwag niyo nalang akong isumbong. Babayaran ko nalang po ‘yang pang laundry ng suit ninyo.” Hindi niya magawang tumingin dito. Pagkatapos kasi niya itong pagsalitaan ng kung ano –ano at pag-taasan ng boses kanina, ito siya ngayon at nagmama-kaawa dito.     “Duda naman akong meron kang twenty thousand pesos ngayon diyan.” Biglang napaangat ang tingin niya dito.     “P-po? Tu-twenty thousand. Ang mahal naman. Eh para namang binili ko na ata ‘yan.”     “’Yun na nga. Kasi hindi ko na’to isusuot pa.”     “P-pero… Wala akong ganoong pera…”     “Kaya nga sabi ko diba na duda ako kung meron ka nga ba talaga nun.”     ‘Ang hudyo! Walang kasing yabang! Ngayon niya nalamang mali pala ang mga naririnig niya tungkol dito. Na kesyo arogante ito, mayabang,walang modo,etcetera dahil higit pa ito doon. Wala itong kasing yabang, walang kasing arogante, walang kasing modo at walang kasing etcetera etcetera.     “Kaya iba nalang ang hihilingin kong kabayaran.” Nakakunot-noo siyang tumingin dito. At hindi niya mawari kung bakit ang bilis bilis ng tambol ng puso niya habang pinagmamasdan ito. Malamang kinakabahan siya sa maaari nitong maisip na kalokohan na siyang gusto nitong kabayaran. Hindi niya kailanman pinangarap na    maging katatawanan ng mga taong walang ibang magawa sa mundo.     “Bakit parang di ko gusto ang tingin mong ‘yan.” Kalmado niyang  na pilit itinatago ang kabang namumu-o sa dibdib niya dahil sa nakikitang ngisi sa labi ng binata. Tama! Ngisi nga ‘yun at hindi na ngiti.     “Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko ngayon?”     “I-I think you’re about to say something foul.”     “Really? Is it really a foul to ask you to become my girlfriend in twenty days? I don’t think so,sweetheart.” It didn’t take a while bago na-absorb ng utak niya ang sinabi ng binata.     “H-hindi ako nakikipag-lokohan sa’yo Mr. Zobel. At wala akong planong sum-.”     “You know me?” gulat nitong tanong. Right. She and her big mouth. Of course. The notorious playboy and a well-known in the fields of bullying,cheating and lying. Gusto sana niyang sabihin iyon dito pero pinigilan niya ang sarili.     “Y-yes Sir. We ought to know the guests in the party.” Kaila niya. Kung ganoon, hindi pa talaga siya nito nakikita sa kanilang campus. Kung sabagay, wala din naman siyang balak na magpapansin sa isang gaya nito.     “I see. Then I ought to know the name of the server especially if she’s the one who causes me this.” Sabay turo nito sa sarili at sa nabasang damit.     “D-Dina. Dina Samorro.”     “Nice name Dina. Bukas na tayo magsisimula.”     “A-ano? Anong magsisimula? Walang sisimulan dahil hindi ako pumapayag diyan sa gusto mo s-sir.” Matigas niyang wika. “Babayaran ko ‘yan ng hulog-hulogan basta hindi ako magpapanggap na girlfriend mo.     “ Anong akala mo dito sa suit ko? Inutang ko lang din sa tindahan. At tsaka sino bang maysabi sa’yong magpapanggap kang girlfriend ko?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD