Dagling humupa ang mabilis na pintig ng puso niya sa narinig. Tama nga naman ito. Bakit ba naman niya naisip na gagawin siyang pretend girlfriend nito. Syempre pa eh joke lang ‘yun. Sineryoso naman niya.
“G-ganun ba? Akala ko kasi…” ang ingot talaga niya. Assuming siya masyado na magiging boyfriend niya ito. Pero bakit may ligaw na kirot siyang naramdaman sa tinuran nitong iyon?
Pilit niyang iwinaksi ang negatibong damdaming iyon bago bumaling dito.
“Magaling. Dahil hindi din naman ako nag-aakalang magpapanggap tayong magnobyo. Ano ako hilo?”
“Right! At ano din ako hilo para gawin kang kunwaring girlfriend?That would be so lame.” Malakas nitong wika sa mukha niya. Gusto niyang hambalusin ang lalaki sa hawak pa rin niyang tray. Hindi
nito kailangang ipangalandakan iyon dahil kahit siya man ay hindi
nag-iisip ng ganun. “Bakit pa tayo mapapanggap kung pwede naman nating
totohanin.”
“Tama ka di-. A-ano? Anong sinasa… Teka…”
“Bilang kabayaran dito sa ginawa mo sa’kin ay magiging girlfriend kita sa loob ng dalawampung araw. That means hindi tayo magpapanggap.” Nakangiti nitong tugon sa kanya na benalewala ang kanyang sinabi.
Hindi nga siya nagkamali. Isang halimaw nga ito na gaya ng mga naririnig niya. Pero bakit marami pa ring babae ang nagkakagusto dito?
“So?”
“A-anong so?”
“So, you’re officially mine now?” seryoso nitong tanong, taliwas sa malawak nitong ngiti kanina. Does she have a choice?
“W-wait! K-kung magiging mag… I mean tayo. Ano bang dapat kong.. I mean ..ano bang kailangan kong… ang ibig kong sabihin na parang parusa sa-.” Hindi niya alam ang gustong sabihin. Naguguluhan na kinakabahan siya na di niya mawari. Para bang nakikinita niyang mayroong hindi magandang mangyayari sa hinaharap.
“Relax!” hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at tinitigan siya ng matiim. “ Tense ka naman masyado. Simple lang naman ang gagawin mo. Be my girlfriend and everything will be alright.” Hindi pa
rin nito inaalis ang mga kamay sa kanyang balikat at `hindi niya alam kung bakit niya hinahayaan ang lalaki.
“Saan ka ba nakatira? At anong schedule mo sa trabaho?” tanong nito sa kanya habang nagmamaneho. Pagkatapos ng pagtitipon kaninang madaling araw ay hindi niya alam na hinihintay pala siya nito. Akala niya ay matatakasan pa niya ito. Naging napakasaya ng kanilang manager sapagkat successful ang catering at wala itong natanggap na anumang complain mula sa host at sa mga guests. Kaya naman napakaganda din ng kanilang mood sapagkat malaki-laki din ang tip na natanggap nila.
Pero pilit man niyang maging masaya gaya ng iba ay hindi niya magawa dahil alam niyang ngayon palang magsisimula ang kanyang paghihirap.
“Hey! I’m asking you.” untag nito sa kanya.
“Y-yes. Just drop me there and I can manage.” Turo niya malapit sa isang eskinita kung saan napakaraming tao ang nag-aaabang. Hindi niya alam kung saang lugar iyon pero sigurado siyang papasok doon ay isang eskwater’s area. Hindi ito pwedeng magpunta sa dorm niya dahil
siguradong malalaman nito na nasa kaparehong eskwelahan lang sila. Walking distance lang kasi ang school sa tinutuluyan niya ngayon. Hindi maaari. Alam niyang kaya pa niyang takasan ang sitwasyong
kinasusu-ungan kaya dapat siyang gumawa ng paraan.
“Diyan na lang sa tabi. Kasi baka mapano ang kotse mo kapag pumasok sa eskwaters area. Alam mo na.”
“Then, I’ll park the car here and we can just walk to your home.”
“H-hindi na kailangan. Hindi mo naitatanong eh strict ang parents ko at hindi pa ako dapat nagbo-boyfriend kaya hindi ka nila dapat makita.”
“Fine. Hindi naman ako papasok. Ihahatid lang kita.” Hindi niya alam na makulit din pala ang isang Nathan Zobel.
“Naku! Alam mo naman na kapag nasa skwaters ka eh maraming mga tsismosa diyan sa tabi-tabi kaya kailangan nating mag-ingat at baka ma-tsismis pa ako.”
“Okay. Fine. I’ll be here tomorrow after school para simulan ang
pagbabayad utang.”He kissed her on the cheeks then he went off- just like that. Habang siya ay nakatunga-nga pa rin sa daan while feeling her red cheek na hinalakan ng binata.
Habang nakasakay siya sa jeep pauwi sa kanyang dorm ay hindi pa rin mawala-wala ang kaba niya. Alam niyang pagkatapos ng gabing ito at makakatakas na siya sa walang kwentang kasunduang iyon. Walang duda iyon. Kaya hindi siya dapat na mag-alala pa. Hindi pa man nakahihinto ang jeep sa tapat ng gate ay natanaw na niya ang mga kaibigang nag-aabang.
“Saan ka ba galing Dina? Bakit hindi ka sumabay sa service kanina? Sabi ni Boss na nauna ka na daw.” Sunod-sunod na tanong ni Emelia na tila high-blood pagpasok sa room nila.
“Hinay-hinay lang Ems. Baka naman may sumundo lang sa kanya.” ani Julie Ann dito.
“Di sana nag-text man lang siya kasi nga nag-aalala tayo dito pareho lalo na’t ngayon lang siya naka-uwi diba?” Alam niyang pag-ganun ang reaksiyon ni Emelia ay walang dapat na
kumontra pa dito. Galit ito at naiintindihan niya. Hindi niya ito masisisi. Hindi man lang kasi siya nakapag-paalam dito bago sumakay sa kotse ni Nathan kanina. Nawaglit bigla sa isipan niyang gawin iyon.
Nakasanayan na kasi nilang magpa-alaman sa isat-isa lalo na’t ito ang kasama niya sa raket na iyon at hindi ito sanay na hindi sila sabay sa pag-uwi.
“Sorry Ems. Emergency lang kasi”
“Emergency? Anong emergency?” Panabay pang tanong ng dalawa.
“A-ano… nagka-problema ako kay Nathan.” Hindi niya alam kung papaano sisimulan ang kwento niya kasi masyadong mabilis ang mga pangyayari at tila hindi siya makapaniwala na nasuot siya sa ganoong
gulo. Gulo nga ba ‘yun?
“Nathan? Sino iyon?” ani Li Ann na nag-iisip kung sino ang tinutukoy niya.
“Bakit? Wala ba kayong kilalang Nathan?” Hindi niya alam pero just mentioning his name and remembering his face make her angry ang frustrated at the same time.
“Sandali nga lang Dina.” Si Li Ann na seryosong nakatingin sa
kanya. “Syempre naman meron kaming kilalang Nathan at hindi bastabastang Nathan iyon. Kaibigan iyon ng aking future boyfriend at wala na akong kilalang ibang Nathan dito sa mundo bukod sa kanya. Kaya
paki-explain, elaborate and discuss further dahil di namin ma-gets.”
“Siya na nga. Si Nathan Zobel. Medyo nagkaroon ng konteng problema but I suppose… I mean… I want to think na.. na settle na siya. I just hope so.”
“Wow naman Dina! Na gets ko ‘yun. Ang linaw naman kasi. Ikaw ba Emelia nakuha mo?”
“Aniyo.” Sabay iling nito na nag Korean language pa. “Ayusin mo nga Dina. Hindi namin maintindihan. I saw him at the party a while ago but how come?”
“Kasi, ganito iyon…” iki-nuwento niya ang buong pangyayari at wala siyang iniwang kahit kaliit-liitang detalye sa kanila. Ang she saw how their eyes lit up as she was narrating the story. Kaya hindi na siya nagulat at kusang tinakpan ang taenga ng sabay na tumili ang dalawa. Just as she has expected.
“What makes that funny?” natigil sa tilian at hagikhikan sina Emelia at Julie Ann sa tinig na iyon ni Rodney.
“Rodney! You’re back.” Tumayo siya’t yumakap sa kaibigan. “Namiss ka namin. Kumusta na sa inyo?” napalis ang ngiti sa labi ng binata sa kanyang tanong at alam niya kung bakit.
Umalis kasi ito pauwi sa kanilang probinsiya ng malamang isinugod ang nanay nito sa hospital dahil sa atake sa puso. Humingi ito ng tatlong araw na leave sa school.
“Medyo okay na si nanay. Hindi lang daw dapat masyadong tumagal sa init dahil baka tuluyang magka-heat stroke.” Malungkot nitong turan. Alam nilang sa bukid nagta-trabaho ang mga magulang ni Rodney.
“Huwag ka ng masyadong mag-alala Rod. May awa ang Diyos.” Ani Emelia na yumakap din sa kaibigan.
“Tama si Emelia, Rod. Habang may buhay may pag-asa. Kaya hangga’t buhay ako, aasa at aasa akong mapapasa-akin din si Treb. Aray naman!” simangot ni Li Ann habang hinihimas ang ulong binatukan ni Rodney.
“Iyan ang na-miss namin sa’yo. Group hug nga tayo.” Nagyakapan silang apat at nagtatawanan.
Masaya sila kapag kompleto ang barkada. Walang humpay na tuksuhan, tawanan at kulitan ang nagaganap kapag magkasama sila. Kahit na si Rodney lang ang lalaki sa kanilang grupo ay hindi ito naiilang sa kanila. At ganun din sila dito. Marahil iyon ay dahil kuya na at kapatid ang turingan nila sa isat-isa. Dito din sa boarding house sila unang nagkita-kita. First year pa lang sila noon at mabilis na nagkapalagayan ang loob nila. Ngayon ay fourth year na sila at growing strong pa rin ang kanilang friendship.
“Now back to your problem.” Tumingin si Rodney sa kanya matapos kumalas sa kanilang mahigpit na group hug. “Meaning, hindi niya alam na nasa iisang school lang kayo?” nakasimangot na tumango siya. “At magkikita kuno kayo dun sa lugar kung saan ka bumaba na akala niya ay
tirahan mo?” tango uli. “ At boyfriend mo na siya?” umiling siya bago tumango. “ That’s a big problem.”
“Alam mo Rodney.’ Singit ni Emelia. “Hindi naman ‘yan magiging problema. Aamin siya kay Nathan at sasabihin ang totoo at magpapanggap silang magnob- hindi mali- kundi magiging magkasintahan sila sa loob ng dalawampung araw. Diba ang saya! Geokjeongmarayo. No worries.”
“Itigil mo ‘yang kaka-korean mo Emelia at naririndi ako.” ani Julie Ann. “Pero in all fairness to you, may point ka. Kung sabagay, yung iba ngang nagiging gf ni Nathan eh masaya na kapag umabot sila ng
isang linggo pero ikaw best ,one day to go and it’s three weeks.
Bonggang-bongga talaga!” tili nito na sinabayan din ni Emelia.
“That’s exactly what I’m thinking Emelia. Baka ito na ang pagkakataon kong mapansin ni Treb at maging girlfriend niya kahit isang araw lang.”ani Julie Ann na puno ng excitement.
“Ako, kahit pa isang gabi lang. Solve na ako dun.”
“Tumigil nga kayong dalawa.” Awat ni Rodney dito. “ At your friends expense? Really Emelia? Li Ann?I know you don’t mean what you said.”
Nagkatinginan ang dalawa at seryosong tumingin din pabalik kay Rodney.
“What? You mean that?” sabay ang mga itong tumango. Napapa-iling na lang siya sa iginawi ng dalawa. Alam niyang sa kanya pa rin ang huling desisyon. Hope niyang tama ang naiisip niyang solusyon.