The Jealous Boyfriend

693 Words
The days have passed na tila siya naging isang celebrity na bago pa lang sumisikat. Except that, people are throwing murderous glances at her  while others look at her with envy and insecurity. Wala siyang pagpipilian but to go with the flow. Nasira lahat ng schedule niya since the day one. Wala na siyang ibang kasamang mag lunch kundi si Nathan at ang barkada nito. Hindi na siya umuuwi sa tamang oras kasi maglalamyerda pa sila sa bar. Hindi na rin siya nakakapag status sa f*******: kasi puno lahat ang wall niya ng mga opinion ng kanyang bashers. Sosyal na at may basher na siya at mga friends bilang kanyang mga supporters. At hindi na rin niya nagagawa ng maayos ang thesis niya dahil occupied lagi ang isip niya dito. Is she really overthinking him? She shouldn’t be but she can’t stop herself. Lagi kasi niya itong nakikita at nakakasama kaya wala na yatang ibang laman ang isip niya kundi si Nathan. At ngayon nga ay papunta na sila sa beach.   “Sino si Rodney? At bakit kailangan pang magpa-alam ka sa kanya?” galit na tanong ni Jonathan sa kanya sa loob ng sasakyan, papunta sa sinasabi nitong beach. Kasama nila ang mga kaibigan nito at ang kani-kanilang mga girlfriends. Kanina niya napatunayan na malala na talaga ang sakit ng kanyang mga kaibigan dahil ng sabihin niya kagabi ang plano nila ay  mas excited pa ang mga ito kaysa sa kanya. At tama nga ang hinala niya na ito ang magiging alarm clock niya kaninang madaling araw. Pero ng dumating na sina Jonathan at mga kaibigan nito ay biglang nawalan ng gana si Emelia. Hindi na ito lumabas para harapin ang mga bisita nila at halos hindi na ito nakapag-paalam sa kanya. Alam niyang nasaktan ito ng makita ang kasamang babae ni Jared. Iyon na nga ba ang sinasabi niya. Dapat alam ng mga ito  na kailanman ay wala silang magiging puwang sa mga ganoong klaseng lalaki. Kailangan niyang pagsabihan si Emelia pagdating niya. Siguro akala nito na dahil kina-usap na ito ni Jared ay may pag-asa na. She knows exactly that they didn’t stand a chance. Habang si Li Ann ay tila wala lang dito ang girlfriend ni Treb at patuloy pa rin ito sa pagpapa-cute sa kanyang number one. Since wala si Rodney ay sinabihan nalang niya si Julie Ann na iparating dito kung nasaan siya. Meron kasi itong tinatapos na thesis kaya naman nag-overnight ito sa isang kaklase. At hindi na rin siya nakapag-paalam pa dito nung isang araw  dahil masyado itong busy sa ginagawa. “Kaibigan ko siya!” sagot niya “Kaibigan? My ass!” napanting ang taenga niya sa sinabi nito. Ang buong akala pa naman niya na dahil nandiyan ang mga kaibigan nito ay hindi sila magsisikmatang dalawa. “Wala akong magagawa kung ayaw mong maniwala.” Nagkibit balikat siya at ipinasyang ibaling ang tingin sa labas ng sasakyan. Baka sakaling mag-enjoy pa siya sa view. Pero biglang sinaklit siya nito sa braso at iniharap dito. “Siguro naman  hindi mo nakakalimutan na girlfriend kita at ako ang boyfriend mo?” “Paano ko naman makakalimutan eh lagi mong pinapaalala.” “Boom! Panis!” hindi napigilang bulalas ni Kyle sa likuran nila. Jonathan just glared at him. “Look here Dina! I want you to know that we’re not playing games here. We’re in a relationship and I can demand or do whatever I want as your boyfriend.” Masyado siyang nawindang sa sinabi nito and as she was about to say something ay pinigilan siya nito. “Get a load of this lady. Whoever that guy is, I don’t want him near my territory.” Possessive na pagkakasabi nito. She bit her lip coz she feels a tinge of joy and kilig sa narinig mula dito. Pero syempre hindi niya pinahalata. Kaya gusto sana niya itong salungatin pero nakita niya si Kyle na umiiling-iling. She knew that they didn’t want her to pursue the topic para hindi na lalong uminit ang ulo ni Jonathan kaya tumahimik na lamang siya.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD