“Ang siba mo talaga kahit kailan Li Ann lalo na kapag siomai ang nasa harapan mo.” Natatawang wika niya dito na punong-puno ang bibig na nilalantakan ang order nilang siomai. Ito ang kasama niyang magtanghalian tuwing MWF habang sina Rodney at Emelia naman ay mamayang one pm pa ang lunch.
Pero tuwing TTH ay sila naman ni Rodney ang magkasama.
“Syempre Dina, favourite ko ‘to eh. Bukod kay Treb na favourite ko, ito talaga ang aking number two.”
“Ganun ba. Nahiya naman ako sa number one mo at si Treb talaga.” Inismiran niya ito. “ Halata nga.”aniya saka isinubo ang siomai. Hindi siya masyadong mahilig dun pero kapag si Li Ann ang kasama niya ay talagang sa siomai ka mapupurga.
“Bakit ba tamilmil ka diyan Dina? Bilisan mong kumain at may uupo na dito sa pwesto natin.” tapos isinubo ng sabay ang dalawang siomai. Sa sobrang sarap siguro ng siomai dito kaya maraming estudyante ang pumupunta pero para sa kanya so-so lang. She’s not into siomai kasi.
“Wala lang akong gana Li Ann. Medyo naba---.”
“Diba sabi ko sabay tayong magla-lunch.” Biglang napalipad ang tingin niya sa nagsalita. Nagulat siya ng makita si Nathan sa kanyang likuran na sobrang lukot ang mukha at tila pikon na pikon. Tumingin uli siya kay Li Ann para siguruhing tama ang nakikita niya pero ang bruha tulala na at nakanga-nga pa ang bibig na puno ng siomai.
Pinalo niya ito para naman magising ito at maisip nitong nasasayang ang number two nito para lang kay Jonathan.
“What are you doing here?” gusto niyang itago ang kabang nararamdaman sa pamamagitan ng matigas na boses. Hope niya na sana’y iyon ang nakikita nito. Pero ng tumingin siya sa mukha ng binata ay mas lalo siyang namilipit sa kaba. Lalo na ng mapatingin siya sa labi nito. Hindi tuloy niya mapigilan ang pagba-blush.
“That’s what I’m supposed to ask you. Kalahating oras na akong naghihintay sa cafeteria sa’yo at nandito ka lang pala.” He sounded really pissed of. Kaya naman ang dating mala-palengkeng kainan ay ngayo’y naging mala-simbahan sa sobrang katahimikan.
Crap! Pinagtitinginan na sila ng mga tao.
“Wala man lang bang nakapag-sabi sa’yong we will have lunch together?”
“Oh!” she covered her mouth when she remembered the talk she had with Emelia this morning. Hindi kasi niya napagtuonan iyon ng pansin kanina dahil naagaw ang atensiyon niya sa kakaibang iginawi ni Jared.
“ Ohh.” He mimicked as he smiled bitterly. “Finally there it is. Nagmukha akong tanga dun sa kahihintay sa’yo.” Anito na tila hindi makapaniwala. Well, hindi naman talaga kasi sila kumakain sa cafeteria since hindi naman kasi friendly ang price dun. Hindi tulad dito na affordable.
Tumikhim si Julie Ann. “Bakit di mo naman sinabi Dina na may lunch date pala kayo ng boyfriend mo? Okay lang naman akong mag-isa dito.”
“Li Ann!” saway niya dito. Hindi siya makapaniwala na kaibigan niya ito. Sa lakas kasi ng boses nito ay dinig na dinig ng lahat ang sinabi nito.
“What?” tila wala itong alam at nagmamaang-maangan pa. “Kaya naman pala wala kang gana. Sige gora na kayo at tapos na rin ako.” Hindi siya tuminag bagkos ay galit na tiningnan niya ang kaibigan. Is she really a friend?
“You heard her, right? Come on! I’m hungry now babe.” Para siyang nabitin sa ere na halos hindi humihinga sa kanyang narinig. Did he just call her babe? Bakit parang kinikilig yata siya sa tuwing sinasabi nito iyon. Hindi na rin ito mukhang galit na gaya kanina. He even sounded like… pleading?
“Ah… K-kasi…”
“Lets go.” Hinatak siya nito paalis. Napatingin siya kay Julie Ann na nakatulalang nakatingin sa kanila at nakita din niya ang di makapaniwalang tingin ng mga kumakaing estudyante dun. Bakit ba naman hindi eh si Jonathan lang naman iyon na walang kaabog-abog na humihila sa isang Dina na hindi man lang kagandahan. Wait! Maganda naman siya pero hindi ‘yung gandang pang-model o kaya’y pang artista. Kaya talaga namang nakakagulat na lang ang ganoong eksena.
“W-wait! Akala ko ba sa cafeteria tayo?” aniya ng mapansing papunta sila sa kotse nito.
“We’re going somewhere else. We don’t have time and I’ve just cancelled my afternoon classes.” Anito habang binubuksan ang sasakyan.
“A-ano? Pero may duty pa ako sa library mamaya kaya hindi pwede.”
“Babe naman! Like I’ve said, I canceled my classes and you should cancel yours too.” Natatawa pang wika nito na para bang nanalo ito sa isang laro.
“You’re kidding me right? Wala kang karapatang diktahan ako.”
He walked towards her. “Let me remind you Dina na may tungkulin ka sa’kin. Baka akala mo lilipas ang dalawampung araw with the way it used to be. You’ve got yourself a boyfriend now, sweetheart.” Itinaas nito ang kamay at pinisil ang pisngi niya.
“Now, be a good girl and hop in.” and when he smiled at her ay kusa ng umangat ang mga paa niya papasok sa kotse na tila na gayuma siya sa ngiti nitong iyon.
Nakarating sila sa isang Korean restaurant. Ngayon lang siya nakapunta sa ganoong lugar kaya naman hindi niya alam ang mga pagkaing nakalagay sa menu card. Malamang kung nandoon si Emelia ay madali lang para dito ang pumili ng masarap na pagkain.
Nakakatuwa talagang isipin na muntik ng mag-away sina Emelia at Li Ann nung isang araw dahil nga sa pagiging baliw ni Emelia sa mga Korean drama.
Hindi niya alam na napapangiti na pala siya habang iniisip iyon.
“Anything you like, sweetheart?” nakangiting tanong ni Jonathan sa kanya na pinandilatan lamang niya. Napasimangot ito sa kanyang ginawa but he didn’t say a word. Buti nalang.
Ito na naman kasi ang kakaibang tambol ng puso niya sa tuwing ngumingiti ito at tinatawag siya ng kung ano-anong mga kalandian.
“Alright! I’ll order for us. We’d like to have two orders of samgyupsal, Kimchi, Chukumi and Bulgogi.” Wika nito sa waitress na hindi man lang itinago ang kilig habang kausap si Jonathan.
“Anything else Sir?” kumukurap-kurap pang tugon nito. Ang landi lang talaga.
“No more. Thank you.”
“You are very welcome Sir.” Kiming sabi nito na may kasama pang mala-asukal na ngiti bago umalis.
“This is not the right time for you to get jealous babe.” Natatawang wika nito sa kanya ng mahuli siya nitong nakasimangot na nakatingin dito at sa waitress kanina.
“What? Sinong nagseselos? Paki-alam ko naman sa landian ninyong dalawa.” Hindi niya alam kung tama ba ang sinabi niya para pagtakpan ang nakakahiyang pakiramdam na iyon. Pero mukhang hindi yata dahil mas lalong umaliwalas ang mukha ng loko at tuwang-tuwang nakatingin sa kanya.
Matalim na mga matang inirapan niya ito na tinawanan lang ng binata.
“Okay! Okay! Easy honey!” Itinaas pa nito ang mga kamay.
“By the way this weekend, we’re going to the beach, so pack your things and be prepared by six. I’ll pick you up that early in the morning.”
“What? You mean the day after tomorrow? No, I don’t remember agreeing with you on that.” Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng lalaking ito. He is so manipulative.
“Kakasabi ko lang Dina diba? Na may obligasyon ka sa’kin bilang girlfriend ko and that you need to do your part.” Mahina ngunit matigas nitong wika sa kanya dahil dumarami na rin ang mga kumakain sa restaurant. She argued more but she she guessed it was futile.
“Talagang sinusulit mo ang bawat araw nuh? Wala ka talagang palalampasing pagkakataon.” Tuya niya dito.
“Every day counts sweetheart.”
Hindi na lamang siya nagsalita at itinuon ang kanyang atensiyon sa kararating lang na pagkain. Alam niyang hindi naman siya mananalo kay Jonathan.