Campus Bitches

949 Words
    Kipkip ang mga librong isasauli niya ay halos takbuhin na ni Dina ang library. Masyado na siyang late sa kanyang trabaho dun. Pihadong maasar na naman sa kanya si Travis –ang hahalilihan niya ngayon. Mahirap pa namang paki-samahan ang baklang iyon. MWF kasi ang schedule niya dun sa library bilang isang working student at iyon ay bago nga magsimula ang unang klase. Alas diyes pa kasi ang kanyang klase kaya may dalawang oras siyang tungkulin sa eskwelahan.     “Akala mo kung sinong demure at prim and proper. Malandi din pala.” Narinig niyang wika ng isang estudyteng babae na ka-umpok ng ilan ding estudyante ng engineering department. Kilala niya ang mga ito. They are the ‘campus bitches’.     Mukhang meron na namang naka-away ang mga ito. Kailan ba wala? She doesn’t care kaya nagpatuloy siya sa kanyang ginagawang lakad takbo.     “Sinabi mo pa. Hindi man lang nahiya at pinakita pa sa lahat. Wala talagang ka-class-class at breeding.” Segunda naman ng isa.     At dun na siya biglang napa-preno. Ngayon niya napansin na kakaiba pala ang tingin ng mga etudyante sa kanya na para bang ngayon lang siya nakita ng mga ito. At basi sa kanilang ginagawang pagtitig ay tila ba sinusuri at pinag-aaralan siya ng mga ito. May mali ba sa kanya ngayon? Hahakbang sana siya at ipagpapatuloy ang kanyang paglalakad ng marinig na naman niya ang ‘campus bitches’.     “ Mukhang siya dapat ang tanungin natin dahil expert yata siya sa subtle flirting.” Anito sa malakas na boses kaya dinig na dinig niya pati na rin ng ibang naroroon. Or she must say na pinaparinig talaga sa kanya.     Nilingon niya ang mga ito at nagulat siyang sa kanya rin nakatuon ang limang bruhilda na talagang ayaw niyang makabangga habang nandidito siya sa university. She doesn’t want trouble but why are they glaring at her as if she committed murder to their kinky hair. Ano ba talaga ang meron sa araw na ito at malas yata siya. “ What do you want bitches?” that’s what they are called and they are even proud with that name.     “Advice from an expert.”sabay sagot ng lima. What a ‘chorus’!     “Advice from an expert?” hindi niya alam kung naka-drugs ba ang mga ito.  “ What? You must be wrong girls. I think you’ve approached the  wrong person.” Pero tinaasan lang siya ng kilay ng mga ito.     “No! We are not! Cause we exactly know who this woman is.” At isinalampak nito sa mukha niya ang cellphone nito. At doon nga niya nakita ang dahilan kung bakit siya late ngayon. Hindi kasi siya makatulog at lagi na lang bumabalik sa kanya ang nangyaring halikan sa lounge. Halikan nga bang matatawag iyon eh hindi naman siya tumugon sa halik nito pero hindi rin naman siya tumutol.     Heto nga ngayon ang problema. Hindi niya alam na meron palang nakakita sa kanila doon at kumuha ng picture. Alam na kaya ito ni Jonathan?     “Stop it bitches.” Hindi niya napansin ang paglapit ni Emelia sa kanila dahil bigla siyang natulala sa nangyayari at ng ilibot niya ang tingin sa ibang estudyante ay napagtanto na niya kung bakit parang kakaiba sila ngayon.     “Don’t mind them Dina. Lets go!” nagpa-ubaya siya ng hilahin siya nito palayo sa mapang-usig na tingin ng mga ito.     Bakit naman ba kasi nagnyari ito kung kailan ga-graduate na siya?     “Huwag mo nalang intindihin ‘yung mga narinig mo sa kanila Dina kasi nga inggit lang sila kaya ganun.”     “My goodness Emelia. Alam na nilang lahat na kunwari kami na?” natataranta niyang tanong. For heaven sake, hindi niya pinangarap na maging tampulan ng tsismis ang kanyang first relationship kahit na nga ba kakaiba iyon.     “Ano kaba Best. Hindi naman kunwari, kayo naman talaga ni Nathan nuh.”     “Emelia hindi mo naiintindihan! Wala ‘to sa plano. I mean…” hindi niya alam ang dapat sabihin parang tila talo na siya ngayong nagsisimula palang ang laro.     “Relax Dina. If you think you made the wrong decision then I’ll tell you, you didn’t. Azzz in! Tama talaga itong pasya mo kasi kinausap ako ni Jared kanina at pinasasabi daw ni Nathan na sabay daw kayong magla-lunch mamaya. Diba bongga!” kinikilig nitong turan.     “Wait! Sabi ni Jared ‘yan sa’yo? Kinausap ka niya? Di nga?” di makapaniwalang tanong niya. Tumango ito na napapakagat pa ng labi sa sobrang kilig.  “ Si Jared na masungit at di namamansin? Si Jared na wa--.”     “Yes, si Jared na mahal na mahal ko at pangarap ko. Iyon nga, si Jared.”     “Gaga ka talaga Ems! Kinausap ka nga niya?” hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. She always thought that Jared is very reserved at ilag sa babae.     “Oo nga. Ang kulit. Ilang beses ka bang eni-ri ng nanay mo?” tawa sila ng tawa at natutuwa talaga siya kasi mukhang masaya si Emelia ngayon. At iyon nga ang resulta ng kanyang naging desisyon.     Though alam naman nilang may limitasyon ang bawat pangarap at hindi naman siguro iniisip ni Emelia na talagang may pag-asa nga ito kay Jared. Kasi nga magka-iba ang kanilang mundo.     Kaya hindi niya maintindihan ang mga ka-eskwela niya kung bakit big deal sa kanila na maging girlfriend siya ni Jonathan eh hindi rin naman sila magtatagal. As if naman siya nga ang magiging asawa nito sa ka over-over na reaction.      At ng maalala niyang late na pala siya ay walang likod-lingon siyang nagpaalam kay Emelia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD