“I-I doubt that Mr. Zob--.”
“Babes. I want you to call me babes. And sweetheart, don’t you dare give me that bored and uninterested look cause it only tempts me to do this.” And before she could react, he already claimed her lips for a hot and punishing kiss. Wala na siyang paki-alam kung ma-guidance na naman uli siya after this. Ika nga niya, he can’t just let it pass. He needed to teach this woman a lesson. And for that, he kiss her harder
Hindi alam ni Dina ang gagawin at tila na –estatwa siya sa kanyang kinatatayuan habang sakop ni Nathan ang kanyang mga labi. Gusto niya itong itulak palayo pero tila walang lakas ang kanyang mga kamay na gawin iyon. Nanginginig ang mga kamay niyang natigil sa ere para sana pigilan ito. Alam niyang nagawa ng binata iyon dahil sa galit. Marahil iyon ay dahil hindi matanggap ng binatang mayroon pa palang babaeng hindi nahuhumaling sa charms nito. Hindi nga ba?
Pero hindi niya maintidihan ang sarili because somewhere in that rough and brutal kiss, she feels something else. Something that makes her shiver and though there’s a butterfly sommersault in her stomach.
“Ohmoo! As in Oh my Gosh!” Atubiling binitawan siya ni Nathan ng marinig ang tinig na iyon ni Emelia. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakakulong sa kakaibang pakiramdam na iyon. Pero alam niyang pagkatapos nun ay may pagbabago na sa kanyang sarili. Hindi niya matanto pero parang may nagising sa kanyang katauhan na matagal ng nahihimbing. Batid niyang may kakaiba sa halik na iyon na hindi niya maipaliwanag.
At ngayon nga’y hindi niya kayang tingnan ang kanyang mga kaibigan na ngayo’y tulala at tila di makapaniwala na parang sila yata ang nahalikan ni Nathan.
“Pasko na ba Emelia?” si Julie Ann na unang nakabawi sa kabiglaan. “Bakit parang ang dami na niyang grasya ngayon?” ungot nito na hindi itinago ang nanunuksong tingin sa kanya.
“Looks like we’ve disturbed their moment guys.” tatawa-tawang wika ni Treb. Parang gusto niyang lamunin siya ng sahig sa sobrang kahihiyan.
Tiningnan ito ng masama ni Natahan. “Shut up Treb.” At bumaling sa kanya. “I’ll see you tomorrow babe and I’d really appreciate it if you won’t make an effort to…” tiningnan nito ang kanyang suot bago nagpipigil na ngumiti. “…well, you’re just effortlessly beautiful.”sabay pisil sa baba niya bago ito tuluyang umalis kasunod ang mga kaibigan nito.
“Hanudaw? Babe? Effortlessly beautiful? Meganun?” si Emelia na pilit sinasalubong ang kanyang tingin na pilit naman niyang iniiwasan. Hindi pa siya nakaka-recover. Her heart was beating so fast na parang tinatambol ang kanyang dibdib. Did he just really kiss her? Did he? He did? He did!
“Meron daw siyang taste sa mga lalaki at kesyo hindi siya tinatablan ng charms ng ‘campus hotties’.” si Li Ann na napapa-iling pa. “…Yun pala’y si Jonathan ang puntirya.”
“Li Ann naman!” aniyang hiyang –hiya sa mga kaibigan.
“Friend, nangarap lang kami pero ikaw pinapak muna,” patuloy nito habang sapo ang tiyan sa kakatawa at si Emelia naman ay tumili.
“Li Ann, Emelia, ano ba! Siya ang humalik sa akin okay. Pinilit niya lang ako.”
“Ganun? Saang banda naman ang pilit dun? Eh feel na feel niyo nga ang moment kanina. Kung di pa kami dumating, ay ewan ko nalang. Diba Emelia?”
“Ne!” she agreed. “Para ngang si Nathan pa ang pinilit mo eh.” Lalong pumula ang pisngi niya sa tukso nito.
“Ewan ko nga sa inyong dalawa.” Iniwan niya ang mga ito habang walang humpay na nagtatawanan. Naaasar siya sa mga kaibigan niya pero mas naaasar siya sa kanyang sarili. Hindi man lang niya nagawang tutulan o kaya’y putulin ang ginawang kapangahasan nito sa kanya. Hinaplos niya ang kanyang labi at parang tila bumabalik sa kanyang isipan ang nangyari kanina. Hindi pwede ito.