Huminto ito sa tapat niya ng hindi napapalis ang matamis nitong ngiti.
“ What a nice surprise babes! I never thought na paghahandaan mo ang ating first day.” ani Nathan sa kanya na hindi man lang kakikitaan ng gulat o kaya’y pag-aalinlangan. Siguradong-sigurado ito sa katauhan niya. Kaya naman kulang ang salitang gulat para ilarawan ang nararamdaman niya ngayon. At kasabay ng gulat na iyon ay ang singhap ng mga babaeng nasa paligid na nakaririnig sa sinabi nito. At sa lakas ng kanilang singhap ay halos hindi na niya narinig ang sa kanya. Na parang nalunod na iyon sa lalamunan niya.
“Siya pala yung sinasabi mong bagong girlfriend mo Nathan.” Si Treb na nasa likuran nito. “ Well, she’s…” Pinagmasdan muna siya nito mula paa hanggang ulo. “… she’s cute like what you’ve described to
us.”
“ Told you so.” At nag-high five pa ang dalawa habang nagtatawanan. Hindi na siya nagtataka pa kung na –e-tsismis na siya sa mga kaibigan nito. Pero ang tanong ay kung papaano siya nito nakilala?
Halos hindi na nga niya makilala ang sarili kanina. Tahimik lang si Jared na nakamasid habang malawak naman ang ngiti ni Kyle sa kanya at sa kanyang ma kaibigan.
“Why don’t we have a cup of coffee at the lounge para naman makilala pa natin ang girlfriend mo pare and of course to get to know her friends as well.” Suhestiyon ni Kyle na hindi pa rin inaalis ang malawak na ngiti sa namimilipit na niyang mga kaibigan.
“Good idea Kyle. Come on babes.” Hinila siya nito mula sa pagkakahawak nilang magkakaibigan na tila mga rally-hista. “ Mukhang marami tayong pag-uusapan ngayon.” Umakbay ito sa kanya at hinapit
siya palapit dito. Hindi niya inaasahan iyon sapagkat si Rodney lang ang tanging lalaking yumayakap sa kanya at wala anuman siyang nararamdaman bukod sa seguridad at katahimikan ng loob. Ngunit,
taliwas ang lahat ng iyon dito kay Nathan. Hindi siya makahinga o mas tamang sabihing pinipigilan niya ang huminga at hindi niya alam kung bakit. His touch makes her shiver and breathless and she doesn’t like that kind of feeling.
Nauna silang maglakad patungo sa student lounge ng school at naiwan ang mga kaibigan niya sa kamay ng mga playboy. Lumingon siya sa mga ito ng mapansin niyang hindi ito sumusunod sa kanila at nakita niyang tila nag-uusap-usap pa ang mga ito. Ano kaya ang pinagsasabi ng mga iyon? Bruha pa naman ang mga kaibigan niya at baka mauto ng mga ito.
“Stop worrying for your friends.” Biglang sabi nitong seryosong nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi ng mga mata nito pero parang tila dapat siyang matakot ngayon dito. “But
start worrying for yourself instead because I sure wanted to strangle you right now, babes.” Matigas nitong wika pagkuway malalaki ang hakbang nitong dinala siya sa lounge.
Hindi niya alam pero kinakabahan siya ng husto. At sa sobrang kaba niya ay tuluyan ng nawala sa isip niya ang agam-agam para sa kanyang mga kaibigan. Natuon lang ang atensiyon niya sa mahigpit na
hawak ni Nathan sa kanyang kamay habang hila-hila siya. That alone screams danger. Lahat ng ito’y hindi umaayon sa kanyang mga pinaplano.
Pero bakit tila may nararamdaman siyang ligaw na kiliti na dumadaloy sa bawat himaymay ng kanyang katawan sa magkahugpong nilang kamay. This couldn’t be happening!
Nakarating sila sa maingay na students’ lounge na puno ng mga nag-uumpukang estudyante. Hindi pa rin nito binibitawan ang kanyang kamay kaya siya na mismo ang pilit na nag-aalis sa pagkakahawak nito
pero lalo lamang nito iyong hinigpitan. Talagang hindi siya makakatakas pero bigla rin siyang nasiyahan ng makitang walang bakanteng upuan doon. Buti nalang! Para hindi na sila makapag-usap pa
at ng maka-uwi na siya. Pero hindi niya inaasahan ang biglang pagtahimik ng paligid. And
that happens when their presence was recognized. O mas tamang sabihing when his presence was recognized. At kung nagulat man siya sa biglang pagtahimik ng mga estudyante ay higit siyang nagulat ng isa-isa ng nagsitayuan ang mga ito at umalis. Hanggang sa tuluyang naging bakante ang buong lugar. Hindi talaga siya makapaniwala sa kayang gawin ng mga ‘campus hotties’. At lalong hindi pa niya alam ang kayang gawin ng isang Nathan Zobel.
“Now start talking.” Untag nito sa kanya na bahagyang nakakunot ang noo. “ Why didn’t you tell me that we are in the same school. At bakit mo ako pinagtataguan?” he looked really angry while sitting in the couch at nakataaas ang dalawang braso sa headrest ng sofa habang naka-dekwatrong nakatingin sa kanya. Habang siya naman ay nananatili paring nakatayo sa harapan nito. Bakit para yata itong prensipe kung maka-asta?
“ P-paano mo nalaman at papano mo ako nakilala?” Pinipilit niyang patatagin ang boses.
“Now that’s great! Ako pala dapat ang mag-explain ngayon.” Sarkastiko nitong wika na tila nagtitimpi ng galit.
“ N-no. I-I mean—.”
“ Hindi naman siguro mahirap kumuha ng impormasyon sa catering service na ‘yun diba? Will you just answer my question now? Bakit di mo sinabi at bakit mo ako pinagtataguan?” he sounded so angry. Hindi
siya dapat na magpa-apekto sa tono nito. Kailangan niyang magmukhang mahinahon at di natatakot na siyang kabaligtaran ng nararamdaman. Hindi pa niya lubusang alam ang kayang gawin ni Nathan kaya dapat na mag-ingat siya.
“K-kasi… a-ano kasi eh… wala pa akong pambayad.” Bahagyang napakunot ang noo niya sa narinig. Malapit na talagang maubos ang pasensiya niya sa babaeng ito.
“Malinaw naman siguro ang naging usapan natin na hindi pera ang hinihingi kong kabayaran sa suit ko diba?”
“K-kasi Nathan. Iyong ka--.”
“ Ayaw mo akong maging boyfriend? Bakit may boyfriend ka na ba?”
“Ha? H-hindi. Wala. Ano lang kasi----.”
“ What’s really the problem with you lady? Ginagalit mo ba talaga ako?” Alam niyang pag-ganoon na ang tono niya ay matatakot ang sinumang salungatin siya pero wala anumang bakas ng takot o kaya’y
pagkabahala sa mga mata ng dalaga. Although she’s stuttering but nevertheless she’s fearless.
Kakaiba talaga ito. Ito lang yata ang babaeng hindi takot sa kanya. At ito rin lang yata ang babaeng walang gusto sa kanya. Well, hindi sa pagmamayabang pero kahit saan siya magpunta ay kinikilig ang
mga babaeng nadadaanan niya. Lalong-lalo na dito sa university. Kaya naman ng makita niya ito dun sa party at walang takot siya nitong sinagot-sagot ay napagpasyahan niyang pagbayarin ito at iyon nga ay
ang maging girlfriend niya ito. At base na rin sa mga paliwanag nito sa loob ng kanyang sasakyan
ng hinatid niya ito pauwi ay alam niyang nagsisinungaling lang ang dalaga. Hindi ito magaling magsinungaling at mas lalong hindi naman siya uto-uto na maniniwala sa mga ganoong paliwanag.
Kaya naman siya na ang kumuha ng mga impormasyon tungkol dito at nagulat siya ng malamang nasa iisang school lang sila. At dahil sa kanyang napag-alaman ay sigurado rin siyang sinadya nitong ilihim iyon kaya mas lalo siyang nagalit kasi natapakan na naman nito ang kanyang ego.
Imagine this woman silently rejected him and now mukhang harapharapan din siyang tatanggihan nito ngayon.
Never! Never in his wildest dream na mangyayari iyon. Wala pang tumatanggi kay Jonathan Zobel. At hindi ang babaeng ito ang magiging kauna-unahan.
“Gusto ko lang ipa-alala sa’yo Miss Samorro. You don’t have a choice here.” Hindi niya gusto ang nasabi niya pero alam niyang pamba-blackmail na rin ang tawag dun. Pero siya man din ay wala na ring pagpipilian.
“Okay! Fine!” Pumikit ang dalaga bago nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. “Sabi mo nga wala akong choice.” Napapa-iling pang wika nito. Seriously? Did this girl just got pissed off with the
thought na magiging sila? Unbelievable!
Hindi man lang nito napansin ang sobrang lukot ng kanyang mukha at patuloy lang ito sa pagsasalita na para bang ito ang may control ng lahat. “Then tuloy tayo sa ating napagkasunduang twenty days. Since it’s our first day today so that means we have nineteen more days na lang.” balewalang wika nitong may tonong tila ba gusto nitong hilahin ang susunod na mga araw para maging twenty days. And that is just the last straw. Who would have thought na mayroong babaeng a-asta ng ganun sa kanya? No one. Nobody. Nobody but this girl did and he can’t let it pass. He really just can’t.
“Wala na tayong problema?” tanong pa nito na di man lang hinintay ang kanyang magiging sagot. “Then it’s settled.” Tumayo na ito at akmang aalis but he abruptly stopped her.
“Not so fast babe.” Pinihit niya ito pabalik sa kanya. “Yes, we’ve got nineteen more days and I’ll make sure you’ll enjoy the every minute of it as much as I will surely be.”