CHAPTER 39

1892 Words

HINDI kaagad nakapagsalita si Lorelei at kinakabahang nakatitig lang siya sa kapatid. Harold Santiago, iyon ba ang totoong pangalan ni kuya Randolf? Hindi naman talaga niya masyadong kilala si kuya Randolf. Nang pumasok siya sa organisasyon at naging malapit sila sa isa't isa dahil ito ang nagte-train sa kaniya minsan at sa unang sabak niya sa pinasok na trabaho ay ito rin ang kasama niya. Pero ni minsan ay wala itong naikuwento sa kaniya tungkol sa sarili nito o sa pamilya nito. Nalaman nga lang niya mula kay Orwel at Cindy na ayaw nito ang salitang Tagalog kaya kapag kaharap niya ang lalaki ay hindi siya nagsasalita sa lenggwaheng nakasanayan niya. “Siya ang dahilan kaya ka nakuha ni Conchitta ng araw na iyon, hindi ba?” seryoso pa rin ang mukhang sabi nito. Napangiwi siya at inipi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD